***Dream***
Hindi ako mapakali habang pumipili ng dapat kong isuot. Omo! Anong dapat kong suoting damit?
Magde-dress ba ko? Wag masyadong girly!
Shorts? Kadiri masyadong revealing.
Pants na nga lang!
Tsk! Di kaya ako magmukhang basura don?
"San ka pupunta?"
"Ay kabayo!" Nabitawan ko ang mga damit ko at otomatikong napaharap sa pinsan ko.
"Eh, ate, hehe," Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.
Dapat ba sabihin ko kakain ako kasama ang BTS?
Ang BTS?!
"Steph tinatanong kita!" Seryosong sabi ni ate habang hinehele yung anak nyang 2 years old.
Nakangiwi akong napakamot sa batok ko.
"Wala ate inayos ko lang yung mga gamit ko." Sabi ko na lang.
Eh alangan namang magsinungaling pa ko at sabihing lalabas lang ako saglit di ba?
Mamaya palayasin ako ng pinsan ko kung saan pa ko pulutin.
"Sige, aalis lang kami ni baby, pupuntahan namin yung daddy nya. Bantayan mo tong bahay ha? Mamayang gabi pa kami uuwi." Tumango na lang ako at matapos noon ay umalis na si ate.
Malungkot kong ibinalik lahat ng damit ko sa drawer. Hay,
Ang malas ko naman! Tsk!
Dumapa ako sa kama ko sabay hablot sa phone sa ilalim ng unan.
Kim Seokjin:
•San ka na?
11:02 amNagbuga ako ng hangin galing sa baga ko.
Malungkot akong nagtype sa cellphone. Matagal tagal ring realization ang ginawa ko para mapaniwala kong nakita ko na sa wakas ang bangtan.
Na sa wakas ay makakausap ko na sila at masasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kanila.
But in the end hindi pa rin pala ko maswerte.
Siguro nga, hinding hindi na matutupad yung pangarap kong maging close sa kanila.
Ngayon lang sila free sa schedule at simula bukas balik na naman sila sa trabaho. Malapit na kasi ang comeback.
Sorry, pinagbantay kasi ako •
ng bahay ng pinsan ko
hindi ako makakasama.
11:04 amNanlalata kong itinihaya ang sarili ko sa kama.
Nakadipa kong pinagmasdan ang kisame. Ganito ako ngayon. Kahit tumayo pa ko at tumingkayad para maabot yung kisame hindi ko pa rin maaabot.
Masyado kasing mataas.
Masyado silang mataas.
Lumipas ang buong araw at hindi na nagreply si Jin. Nalungkot ako nang sobra at nang sumapit ang gabi ay lumabas ako parapagmasdan ang kalangitan.
Full moon ngayon. Ang daming mga bituin sa langit.
Kung sana lang pwede ko silang makasama.
Gusto ko lang sabihin yung mga bagay na gusto kong sabihin sa kanila.
Umupo ako sa damuhan sa may bakuran ng bahay. Napatayo na lang ako nang may marinig akong nag-doorbell.
YOU ARE READING
He Calls Me Yeodongsaeng feat. Park Woojin ☣ K.SJ (On Hold)
Short Story❝ʜɪɴᴅɪ ʙᴀ ᴘᴡᴇᴅᴇɴɢ ʜɪɢɪᴛ ᴘᴀ sᴀ ᴘᴀɢɪɢɪɴɢ ᴋᴀᴘᴀᴛɪᴅ ᴀɴɢ ɪᴛᴜʀɪɴɢ ᴍᴏ sᴀᴋɪɴ?❞ After graduating from Senior high, I have decided to join my cousin in Korea. Dun kasi sya nagtatrabaho at kailangan nya ng pansamantalang magbabantay sa anak nyang baby dahil sil...