A/N: Am so late bruh (T_T) goumene billboard goumene worldwide for not updating for so long, goumene teptep!!!
Anyways, Steph! This is an update for the very special, you
***For the Very Special You***
"Ang bigaaat takte!" Pagod na sabi ko saka nagpunas ng pawis matapos ibaba ang malaking garbage bag. Matapos kong maglinis ng buong bahay ay isang dambuhalang plastic ng basura ang nakuha ko.Tsk. Winter ngayon pero sa sobrang bigat ng dala ko at sa layo ng nilakad ko ay pinagpawisan talaga ako.
Bumuntong-hininga ako matapos marating ang tapat ng tatlong malalaking kulay blue na basurahan. Yung isa para sa nabubulok, yung isa para sa di nabubulok at yung isa naman para sa recyclable materials. Napapikit ako nang makitang ako lang mag-isa sa kalyeng iyon. Malapit na mag-gabi at kailangan ko nang matapos ito bago magdilim.
Agad kong sinimulan ang pagtanggal ng takip mula sa mga plastik na bote. Dahil nasa Korea ako at wala sa Pilipinas, di uso ang walwal na pagtatapon dito. Dapat lahat malinis at kahit simpleng bote kailangan ihihiwalay mo pa sa takip nito.
Ilang minuto pang nagtagal nang ganoon ang aking ginagawa hanggang sa matapos kong itapon lahat ng basura. Itatapon ko na sana ang disposable gloves na suot ko nang bigla ko na lang naramdaman na may taong nakatayo sa likod ko. Binagalan ko ang paghinga ko sabay kagat sa ibabang labi ko. Siguro naman hindi masamang tao yung nasa likod ko di ba?
"Yeodongsaeng," Isang tinig ang narinig kong bumulong mula sa likuran. Ang tinig na iyon. Ang tagal ko nang hindi narinig niyon ngunit nakatatak pa rin sa utak ko kung gaano kaamo at kaganda ang boses nya.
Kasabay nang pagharap ko sa kaniya ay ang pagtanggal niya ng itim na sumbrero at face mask. Nginitian nya ako ngunit hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.
Ang bilis ng pintig ng puso ko at nangingilid ang luha ko. Sa loob ng ilang taong pagkawala niya hindi nya ko nakalimutan. Hanggang ngayon alam pa rin nya kung saan ako nakatira.
Kilala nya pa rin ako.
"Seokjin."
***
"Ate! Aalis lang ako saglit ah!" Patakbo akong bumaba ng hagdan habang bitbit ang maliit na shoulder bag ko. Taka lang akong sinundan ng titig ni ate hanggang sa makalabas ako ng bahay.
Hindi ko maiwasang mapangiti habang iniisip ko yung pag-uusap namin kagabi. Kung ituring nya ako parang nakababatang kapatid pero kahit ganoon pakiramdam ko ang lapit lapit namin sa isa't isa. Yung para bang hindi bilang magkapatid.
Okay, ano bang iniisip ko? Malamang Stephanie idol to fan relationship lang yun noh! Inaya ka lang nya manuod ng sine kung anu-ano na naiisip mo!
Walking distance lang mula rito ang mall na pupuntahan namin. Sabi nya pag may nakita akong lalaking nakasumbrerong itim, shades na itim at face maskna puti sya na daw yun.
Binilisan ko pa ang lakad hanggang sa makarating ako sa loob ng mall. Ang aga pa pero ang dami na agad tao. Saan ko kaya sya hahanapin?
Napahinto ako sa paglakad nang may nagtext sa akin. Binuksan ko iyon at nakita ko na nagmessage si Jin. Matapos kong makita ang text nya ay agad akong dumeretso sa loob ng sinehan. Sabi nya nandoon na daw sya sa loob. Nagtataka nga ako dahil walang pila sa labas at pagkapasok ko ay walang ring mga tao.
YOU ARE READING
He Calls Me Yeodongsaeng feat. Park Woojin ☣ K.SJ (On Hold)
Historia Corta❝ʜɪɴᴅɪ ʙᴀ ᴘᴡᴇᴅᴇɴɢ ʜɪɢɪᴛ ᴘᴀ sᴀ ᴘᴀɢɪɢɪɴɢ ᴋᴀᴘᴀᴛɪᴅ ᴀɴɢ ɪᴛᴜʀɪɴɢ ᴍᴏ sᴀᴋɪɴ?❞ After graduating from Senior high, I have decided to join my cousin in Korea. Dun kasi sya nagtatrabaho at kailangan nya ng pansamantalang magbabantay sa anak nyang baby dahil sil...