Flashback

153 3 1
                                    

Yuna's POV

Naiwan kami ni Jin dito sa Hospital para bantayan sila Jungkook at Rapmonster habang yung iba naman ay umuwi na. Ininvite kasi sila ng Weekly idol at sa kasamaang palad ay apat lang ang makakapunta. Sina Suga, Jimin, Jhope at Tae. Di makakapunta si Jin dahil gusto niya daw manatili dito sa Hospital at bantayan si Rapmon (Namjin <3) 

"Umuwi nalang po kayo Manager-nim, ako na ang bahala dito atsaka sasamahan niyo pa sila bukas."-sabi ni Jin na sinang ayunan naman ng gising na si Rapmon. 12:45 am na pero gising parin siya, habang si Jungkook naman eh eto tulog na tulog pa rin. Hays. 

"Oo nga manager! Ipagda-drive mo pa yung apat. Ok na si Jin dito, kaya niya na kaming bantayan!"

"Che! Tumigil nga kayo! Konti nalang at iisipin kong may something sa inyo."-sabi ko naman habang tinitingnan sila ng kakaiba. 

"What the hell Yuna? Neo Michyeosseo?"-sigaw ni Rapmon.

"Eto naman joke lang, nagpapahalata ka masyado eh."-sabi ko ng may halong pangaasar.

"What the?!"-Jin

"Oo na joke lang! Hahaha."-sabi ko. Tumayo ako atsaka sinuot yung jacket ko. 

"Eto na aalis na ako, baka gusto niyo talaga ng time na yung alam niyo na yung kayong dalawa lang. Yieeee hahahah babye."-dagdag ko bago tumakbo palabas ng kwarto. 

Bumalik ako dahil may nakalimutan pa akong sabihin sa kanila. 

Binuksan ko yung pinto at sumilip lang. 

"Kung may gagawin kayo este ano-- ay basta wag niyo lang kalimutan na anjan si Jungkook- ang maknae ng grupo- sa tabi niyo."

Tinapunan ako ng unan ni Jin at bago pa yun tumama sa pagmumukha ko eh sinarado ko na yung pinto habang tumatawa. 

"YUNAAAAAA~!!!!"-rinig kong pang sigaw ni rampon. 

HAHAHAHAH laptrip mga bes. Teka nga... tumawa ba talaga ako? Nakipag biruan ba talaga ako sakanila? What the food Yuna? Ay speaking of food nagugutom na ako, wala pa akong kain. Gosh!

Lumabas na ako ng Hospital at pumara ng taxi, dinala kasi nila Jimin ang van kanina. 

"Manong sa pinakamalapit na convenience lang po."-sabi ko kay manong driver at tumango lang naman ito. 

Masaya ako ngayon, hindi dahil may nangyaring masama kay Jungkook, kundi dahil nakikipagbiruan na ako sakanila, dahil nagawa ko na ring tumawa ulit sa harap nila. Kahit andun parin yung sakit sa twing naalala ko yung ginawa nila, sa tingin ko ok na ako, hindi maan 100% pero dadating din tayo jan. 

      *Flashback*

"Yuna, dalawang taon na akong nanliligaw sayo. Kailan mo ba ako sasagutin?"-tanong niya sakni habang nakapout. Aigooo~ ang kyut talaga ng batang to.

"Wala akong balak sagutin ka pag wala ka ring balak tawagin akong noona."-biro ko sakanya. 

"Yuna naman ehhhh~!"-sabi niya habang nagpapa-cute.

"Aigooo Jungkookie tigilan mo nga ako sa mga aegyo mo!"-sabi ko at kinurot siya sa pisngi. Nakakainis! Bat ba ang cute ng batang to? 

"Eh kasi naman eh! Bat kina tatawaging noona eh dalawang taon lang naman ang tanda mo sakin?"

"Kahit na! Mas matanda pa rin ako sayo no!"

"Ay ewan! Sagutin mo na kasi ako."-sabi niya at niyakap ang braso ko. Jusko parang bata talaga!

"Ano ba kasing tanong mo? Hahaha."-biro ko naman na ikinasimangot niya. 

Dalawang buwan pa lang naman siyang nangliligaw eh! Ang atat naman ng lalaking to at limang buwan palang kaming magkakakilala. 

Our Manager (Bts Manager)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon