Comeback.

110 5 2
                                    

Third person's POV

Busy'ng busy ang bangtan ngayon lalo na ang kanilang Manager na si Yuna.

Bukas na ang comeback nila. Habang busy sa pagpapractice ang bts, busy naman sa pagayos ng schedule si Manager Yuna.

Last last week pa nakauwi galing hospital sila Rapmon at Jungkook at pag uwi nila ay agad silang naghanda para sa comeback. Sa loob ng isang linggo, puros practice at pagshoshoot lang ang ginawa nila. Ilang oras nga lang ang tulog nila eh, kaya beastmode na beastmode na si Suga ngayon.

"TANGINA NAMAN JIN HYUNG! KANINA KA PA NAGKAKAMALI. HINDI AKO MAKAKAPAGPAHINGA NG DAHIL SAYO EH!"-sigaw niya kay Jin. Hindi mo malalaman kung galit ba siya o ano, basta pasigaw niyang sinabi yan.

Napahilamos naman si Jin. Kitang kita ang pagod at hirap sa mukha nila. Ano ba naman kasi tong si Bang PD-nim. Isang week lang ba naman pinaghandaan ang comeback waw!

"Sorry."-mahinang sabi ni Jin.

Nagkatinginan naman yung ibang membro at bumuntong hininga naman si Namjoon.

"Sorry din. Pagod na kasi talaga ako."-mahinang sabi ni Suga.

"Hindi lang naman ikaw. Kami rin. Pagod na."-singit ni Jungkook at pumalakpak ng dalawang beses.

"Sge na! Okay lang yan. Last round at magpapahinga muna tayo. Bangtan fighting!"-sigaw ni Jungkook.

Pumunta sila sa pwesto nila. Plinay naman ni Jhope ang music at nagsimula na silang sumayaw.

--------

"Daddy grabe naman ata to. Atleast man lang binigyan mo sila ng isang buwan na maghanda. Nakakapressure naman yung one week."-reklamo ni Yuna sa daddy niyang si Hitman Bang habang may inaayos na papeles.

"Kaya yan ng Bts. Naniniwala ako sakanila."

Napairap nalang si Yuna at pinagpatuloy ang trabaho niya.

These past few days naging mature na si Yuna. Di ko naman sinasabing immature siya pero iba na siya ngayon, siguro dahil narin ito sa trabaho niya. Dahil kung sasabayan niya ang Bts sa pagiging makulit ay walang mangyayaring maganda sa kanila.

"Bilhan mo muna ng meryenda ang pito. Sge na ako na ang bahala dito."-utos ng daddy niya.

Agad naman siyang tumayo at nagunat.

'Siguradong gutom na ang mga yun'-bulong ni Yuna at nagmamadaling lumabas.

Pinuntahan niya muna ang pito at tinanong kung anong gustong kainin ng mga ito.

"Gusto ko nga strawberry cake! Hooo!"-hinihingal na sigaw ni Rapmon.

"Na naman?"

"Oo!"

"Ako gusto ko ng malamig na malamig na choco shake at fries lang sapat na!"-sabi naman ni V.

"Burger and fries lang sakin."-Jungkook.

"Akin din!"-Jhope.

"Sakin sundae and fries tas burger."-Jimin.

"Hala ang baboy."-pangaasar ni V

"Gago ka kahapon pa ako walang kain. Diet ako."

"Sayo Suga?"-tanong ni Yuna kay suga na ngayon ay nakahiga sa sahig habang nakapikit.

"Tulog lang sapat na."-inaantok na sagot niya.

"Ok."

"Joke lang!! Burger, fries at coke din akin."-agad na sabi niya.

"Yan lang? Alis na ko. Magpahinga nalang muna kayo jan."

Pag kaalis ni Yuna. Agad na tumakbo si V papunta kay suga at humiga sa tabi nito.

Nanghihina naman napaupo yung iba.

"Grabe. Tinotorture tayo ni Bang PDnim."-bulong ni Jimin kay Jhope.

"Oo nga. Grabe naman ang father in law mo Jungkook!"-sabi naman ni Jhope.

"Ha?"-nagtatakang tanong ni Jungkook.

Binatukan ni Jimin si Jhope bago umiling.

"Wala."

---------

"Guys! Mamaya na ilalabas ang MV! Excited na ako!"-

"Oo nga! Ako din. Excited na ako! Homayghad mah hearteu!"

Maagang nambulabog sila Taehyung at Jhope kaya nagising ng maaga sila Rapmon.

"Ano ba? Pwede bang tumahimik kayo? Ang aga aga pa jusko."-nakapikit na sabi ni Jimin.

Nandito sila sa practice room nila. Napagdesisyunan nila kahapon na dito nalang matulog.

"Eyyyy teneng teneng teneng nanananana pruuuuut lalalalala!"-Pangaasar ni Jhope kay Jimin. Kinikiliti niya ito sa leeg.

Inaantok at naiinis na tinanggal ni Jimin ang kamay ni Jhope. Napatingin si Jimin sa katabi niya at agad na binaling ang tingin kay Jhope. Patay!

Nagising lang naman ni Jhope ang Tulog monster.

Mahina at kinakabahang tumawa si Jhope habang si Jimin naman ay binigyan si Jhope ng "patay-lagot-ka-maaawa-sana-ako-sayo-kaso-deserve-mo-yan" look.

"Tang*na mo Jhope."-mura ni Suga.

"Hehe. Sorry hyung."

......

"Hahahahaha."

Napatingin si Yuna kay Rapmon dahil bigla itong tumawang magisa habang nakatingin sa phone niya.

"Ano na naman kayang pinapanood nito?"-tanong niya sa sarili.

Sumagot naman si Jin kaya tumawa yung iba.

"Nanunuod na naman yan ng ano."

"Hoy hindi ah! Inaasar ko yung army. Natitriggered sila eh hahaha."-natatawang sabi ni rapmon.

"Bakit ano bang sabi mo?"-tanong sakanya ni Jimin.

"Nagtweet ako. Sabi ko 'Ang maganda sa pagiging bangtan member ay kami ang mauunang makakakita at makakarinig ng kanta'. Galit na galit sila eh haha."

"Nako Namjoon tigilan mo nga yang pang aasar sa mga army! Halos hindi na nga sila makatulog dahil sa sobrang excite---"-napigil ang sasabihin sana ni Yuna nang biglang nagring ang phone niya.

"Hello?.... Ano?! Pano nangyari yun?! Oo sge papunta na ako jan."

"Bakit Manager-nim. Anong problema?"-nagaalalang tanong ni Jhope.

"Nagleak daw yung song at mv niyo. Mamayang 6pm pa dapat ilalabas yung mv at songs pero nahacked ang account ni Jimin. May mga nasesend ng link at makakabawas ito sa views."-pageexplain ni Yuna bago tumakbo palabas at pumunta sa office ng dad niya.

"Paano nangyari yun?"-nagaalalang tanong ni Jimin.

Napabuntong hininga si Jhope at Jungkook habang nanghihina namang umupo si V.

"Ey! Ang oa niyo. Wag kayong magalala. Hindi taksil ang mga army. Siguro ang mga haters na naman yan."-sabi ni suga habang chill na nakahiga sa sahig at nakapikit.

"Oo nga. Pero pano naman kung panuorin ng mga armys yun? Mababawasan ang views natin."

"Wag kang magalala Tae. Alam kong excited na mapanuod ng mga armys ang mv natin at alam ko rin hindi nila kayang gawin to satin. Alam nilang maghintay. Hindi nila magagawa yan. Wag na tayong magalala. Chill. Aayusin to ni Pd-nim."-sabi ni Rapmon at ginulo ang buhok ni Taehyung.

Tumango naman yung iba at umagree sa sinabi ng leader nilang si Namjoon.




Our Manager (Bts Manager)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon