Chapter 3

7.1K 63 14
                                    

Hi readers!! Wala akong time mag sulat dahil busy ang Lola nyo sa work. Pero na touch ang boobs— este ako sa mga vote at patuloy na nag babasa. Dahil jan mag a update ako ngayon mwahahaha.

Dedicated nga pala to kay Aprhileeeee dahil sya ang kauna-unahang nag comment at na appreciate ko yun girl. Thank you mwaaahugs.

*A sex goddess is a nerd*

Alisha's POV

Kapag talagang gipit na gipit ka sa buhay at wala kang maaasahan dahil mag isa ka na lang sa buhay, wala kang choice kundi ang kumapit sa patalim. Sa murang edad, nawala ang pinaka iingat-ingatan kung fresh at virgin kung Baguio petchay dahil lang sa panganga-ilangan ko araw-araw.

Kaso sa panahon ngayon mahirap ng kumita dahil ang taas ng mga bilihin, kuryente at renta sa apartment. Lalo na yung apartment ni Aling bobong? Aling bwaya? Tama! Aling bahasa! Bakit ko ba palaging nakaka limutan yung pangalan ni Aling Betong. Yung ngipin pa naman non dalawa lang sa taas at baba tapos puro bagang pa tapos ang mahal-mahal ng singil nya sa renta. Kala mo naman ang ganda-ganda nya e mukha syang lalaki. Lalaking rabbit bwahahahaha.

"Hoy Alisha, asan na ang bayad mo sa renta!!?" Speaking of the rabbit. Slowmo akong humarap sa kanya para may effect sabay ngiti. Yung lulubog talaga yung dimple ko.

"Oh Aling Babang, bakit gising pa kayo?" Tanong ko.

"Hinihintay kita."

"Ay, ang sweet nyo naman po Aling Batong bakal by Hotdog." Todo ngiti pa ako. Mahulog ka sa alindog ko please. Pero dahil dalawa lang ang ngipin nya sa taas at baba tapos puro bagang pa eh hindi man lang sya tinablan ng karisma ko.

"Hindi mo ako madadaan Jan sa pag papa cute mo Alisha, kala mo naman kinaganda nya amfuta! Mag bayad kana ng renta!" Sigaw nya with talsik laway pa. Yuck!!

"Bukas na lang ho Aling BTS. Promise po mag babayad ho ako agad pag ka withdraw ko."

"Abat siguraduhin mo lang Alisha dahil pag hindi kapa naka pag bayad papalayasin kita dito!" Sigaw nya ulit. Kung kanina talsik lang ang lumalabas sa bibig nya pag nag sasalita, ngayon water falls na. Kaderder talaga tong dalawa lang ang ngipin pero puro bagang.

"Sobra naman ho kayo Aling Batchoy! Eh ngayong buwan lang ako hindi naka pag bayad agad."

"Sinong Aling Batchoy?" Takang tanong nya with matching salubong kilay eh wala naman syang kilay. Kamukha nya tuloy yung nasa Lord of the ring ata yun? Yung palaging nag sasabi ng my precious.

"Kayo ho." Turo ko sa kanya. Hay nako! Sariling pangalan hindi matandaan. Na overdose ata sa kaka beauty rest kaya nag lagas mga kilay nya.

"Hindi Batchoy ang pangalan ko kundi Bebang. Aling Bebang! Gets?"

"Chilax lang po. Tignan nyo may wringkles na kayo sa noo." Tinuro ko yung noo nya na kasing lapad ata ng parking lot ng school namin. Tapos kumikintab pa! Pwede ka na ngang mag salamin eh.

"Lah, akala ko sa under balls eye lang nag pwedeng magka wrinkles?"

"Ang vovo nyo naman ho. Una sa lahat hindi ho yun under balls aye, under eye po yun aling Beyonce. Tsaka Hindi po ba alam na pwede na hong magka wrinkles sa noo lalo na sa malalapad at makintab na noo?" Inirapan lang sya. Nakaka stress tong si Aling Baka na may dalawang ngipin sa taas at baba eh puro bagang naman.

"Ay ganon ba?" Sabi nya with hawak effect pa sa mukha.

"Uho. Tignan nyo ako chill lang kaya makinis at maputi ang balat ko. Thanks to carrot. Try nyo rin kumain ng carrots Aling Pera o bayong by Willie, tiyak kikinis puputi ang balat nyo." Sabi ko. Binuksan ko yung bag ko at dinukot yung carrots don.

A Sex Goddes Is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon