Chapter 5

4.6K 49 12
                                    

Dahil sabaw at short update lang yung last chapter, babawi Ang magandang si ako (kapal) mag update akes ngayon mga chong *clap* *clap* *clap* so enjoy reading guys.

**************

A Sex Goddess Is A Nerd

Alisha's POV

"Ano kayang magandang isuot?" Tanong ko sa sarili ko habang pinag mamasdan ang mga nakakalat kong damit sa kama. Dinampot ko yung low back na dress na above the knee at fitted sa'kin, kaso biglang sumagi sa isip ko na hindi pala ako mag sa sideline ngayon kaya dapat pormal na damit lang ang isuot ko ngayon.

Sabado kasi ngayon kaya may oras akong mag hanap ng trabaho. Hindi ako pwedeng umasa na lang palagi sa pakikipag kantutan para mag karon lang ng malaking pera. Tsaka mahirap na kung palagi kung gagawin yun kumita lang. Mahirap ng magka HIV noh! Kikita ka nga mag kakasakit ka naman, edi useless din.

In the end, isang square pants at fitted na damit ang suot ko na ipinareha ko sa color cream na sandals. Nag lagay din ako ng light make up at Tinali ko rin yung mahaba kung buhok para naman malinis tignan ang pag mumukha ko. Nag palit rin ako ng reading glasses na medyo maliit para bagay sa suot ko, masyado kasing malaki yung isa na usually kung ginagamit pag nasa school ako. Tumingin ako sa salamin Sabay ngiti. Kaso napa simangot agad ako. Naka limutan kung naka braces pala ako. Pucha!! Ok na sana eh, kaso panira lang tong braces ko. Pero kiber lang. Maganda naman ako kasi maliit lang yung suot kung salamin. Tsaka maganda naman ako kahit malaki yung reading glasses ko ah! Hindi lang kasi nila ma appreciat dahil ang cha-chaka ng mga schoolmate ko. Hmmp!

"Para talaga akong pakbet. Pak na pak at bet na bet ang kagandahan ko. Sayang nga lang hindi ko ma I balandra sa school."

"Edi I balandra Mo! Ang liit-liit na problema pinapalaki mo." Sabat naman ni konsensya sa likod habang busy sa paglalagay ng pulang lipstick. Tignan mo nga naman. Matapos ko syang pasakan ng kahoy kahapon na buhay pa sya. Lakas talaga ang kapit ni gaga kay kamatayan eh. Pinikot nya siguro si kamatayan kaya na extend ang konsesya nyang buhay.

"Saan mo nanaman ninakaw yang lipstick, aber?" Takang tanong ko.

"Anong ninakaw? Hoy nag order kaya ako sa Avon."

"Kanino ka naman um-order?" Tanong ko at na maywang sa harap nya. Tinaasan ko rin sya ng kilay para may effect. Hindi ko alam na pwede rin pala silang bumili. Aba! Ayos ah.

"Sa konsensya ni Aling Booster. Tsaka pwede ba huwag Mo akong kausapin, na uudlot ang pag lalagay ko ng lipstick." Inirapan nya ako sabay talikod. Punyeta pala  sya eh! sya kaya tong unang kumausap sa'kin, tapos sya pang may ganang mag patahimik sakin? Tsaka sino kaya si Aling Booster?

Hinayaan ko na lang sya'ng mag lagay ng lipstick. Baka kasi hindi ako maka pag timpi at mai saksak ko pa sa ngala-ngala nya yang lipstick nyang Avon.

A Sex Goddes Is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon