*Chapter 9* Contestant

3.6K 45 24
                                    

Alisha's POV

"Hoy, pards! Asan kana?" Tanong ni Maggie sa kabilang linya.

"Nag lalakad. Pabalik na akong room." Sabi ko habang sinisipa yung bato. "Bakit?" Tanong ko.

"Balik ka sa canteen. Sabay na tay- hoy akina nga yan! Bastos ka talaga!" Sigaw nya sa kabilang linya. Napa kunot noo ako. Sino nanaman kaya tong kaaway nya?

"Mamaya kana! Hello Alii!!!!" Kaya naman pala. Napa rolled eyes nanaman ako. Tili pa lang kilalang-kilala ko na kung sinong asungot to.

"Pwede ba, Clarence! Yang boses Mo nakaka basag ng bato!" Sigaw ko. Napa tingin tuloy yung ibang mga stupidyante sakin. Inirapan ko nga sila.

"Sorry! Na mi-hoy! Amina nga yan! Wag kang bastos!" Sigaw ni Clarence. Mukhang nag aagawan sila ng cellphone.

"Ulol! Akin to!" Sabi nya. "Hello pards! Hintayin Mo ako sa entrance ng canteen, Sabay na tayo. Aray! Pakyu ka talagang pangit ka!" Na ilayo ko bigla yung phone sa tainga ko Sabay patay. Mabibingi ako ng wala sa oras dahil sa sigawan nila!

Wala akong choice kundi mag lakad pabalik. Mas maganda na rin siguro na may kasabay akong pumasok ng room. Baka kasi maging instant celebrity ulit ako dahil sa mga tingin nila. Napadaan ako ulit sa clinic. Dining na dining kong may kausap si Nurse Anna kaya lumapit ako sa pintong may kauting siwang at sumilip.

"Hala! Bakit lalo yatang lumaki yang bukol mo Mr. Shin?" Malanding tanong nya habang hinihimas yung naka bandage nyang bukol. Lah. Bakit kailangan pang himasin? Sa hindi ko alam na dahilan, biglang nag init yung ulo ko. Parang gusto kong manapak ng babaeng naka talikod sa'kin ngayon.

"Someone's hit me." Sabi naman nong isa habang naka tuon yung mga mata nya sa hawak nyang cellphone. Napa irap tuloy ako. Gusto ko syang sakalin dahil sa sinabi nya. Kung makapag sabi ng someone's hit me eh akala Mo sinadya ko talaga! Sarap nyo tuloy pag buhuling dalawa.

"What!? Sino naman yan at tuturukan ko ng karayom yung mata nya." Sabi ni Nurse Anna na may pag demo pa sa hangin. Akala mo naman kina-cute nya yang pag de-demo nya.

Hindi na lang sya pinansin ni Mr. Shin. Mukhang busy sya sa pag kalikot ng cellphone nya. Umalis tuloy si Nurse Anna sa tabi nya habang naka ngusong bumalik sa upuan nya. Natawa tuloy ako. Kamukha nya kasi si Donald trump pag naka nguso. Hindi nya bagay!

Umalis na lang ako don at dumeritso na sa canteen. Wala akong mapapala kung mag e-stay ako don at panuuring mag inarte si Nurse Anna at Mr. Shin na bus'ing nag ce-cellphone. Wala pa ako sa entrada ng canteen ng biglang may umakbay sa'kin  Kaya Kamuntikan akong matumba. Mabuti na lang at nai-balance ko yung paa ko.

"Puñeta ka, Maggie! Kung naka damba ka akala mo Ang payat-payat mo!" Sigaw ko sabay tulak sa mukha nya. "Chupe Ka nga at naiipit ako!"

"Kung maka pag reklamo ka naman parang pinapahiwatig mong mataba ako ah!" Sigaw nya pabalik. "Ano suntukan na lang!?" Pag hahamon nya na ikinatawa ko.

"Che! Tigilan mo nga ako!" Sabi ko. Inayos ko yung buhok at damit Kong nagusot dahil sa kagagawan ng tomboy na to. "Nasaan nga pala si, Clarence? Diba mag kasama kayo kanina?"

A Sex Goddes Is A NerdTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon