BECCA/RED POV
Weeks passed , ganun pa din kami ni kieffer , nalulungkot ako dahil sa konting panahon na nakasama ko siya parang nasanay na agad ako na lagi siyang andyan . buti na lang andito na si dad , lagi niya ako pinapatawa , namiss ko yung dati na ganto kami . pero habang tumatagal napapansin ko na laging mainit ulo ni mom sakin .
Wala si dad ngayon dahil may kameet siyang business partner niya , pero uuwi din siya mamaya para daw magbonding kami . papunta ako sa kwarto ni mom para sana kausapin siya pero natigil ako dahil may narinig akong kausap niya sa phone mukang kaibigan niya nagvivideo call sila .
"oh mare ,musta naman dyan ngayon sa philippines?"-kaibigan ni mom
"ito ang init pa din . dumadagdag pa si becca ."-mom
"oh ! yung anak ni pare sa labas. bakit naman?"-kaibigan ni mom
Di ko na maintindihan yung iba pang pinag uusapan nila at isa lang ang natandaan ko . na anak ako ni dad sa labas . tumakbo ako palabas ng bahay at pumunta sa lugar na tahimik yung dati kong pinagdalahan kay kieffer . umupo ako sa may kahoy na malaki .
"anak ako ni dad sa labas . sino ba talaga ako? sino ang tunay kong mommy."-me
Ayaw kong umiyak di ko kaya , pero ang bigat bugat na , all this time kaya pala di ko maramdaman na mahal niya ako dahil hindi niya ako tunay na anak.
"bakit mo dad nilihim sakin to ."-me
Puno ng sakit ang buong pagkatao ko . niloko , dahil hindi nila sinabi ang totoo , pinaasa dahil kala ko kaya pa akong mahalin ni mom . ang sakit sakit na nitong nararamdaman ko .
Nagulat ako nang biglang may nagsalita sa likod ko kaya napaharap ako dun .
"ang sakit ay hindi tinatago , kung nasasaktan ka iiyak mo yan , dahil kung itatago mo lang maiipon at maiipon lang yan at mas lalong masakit . di masamang pakawalan kung yan ang dahil nang paghihirap mo ."-kief
Tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin yun , at unti unting bumagsak ang luha ko na matagal nang naipon sakin ,pinakawalan ko lahat ng sakit na nararamdaman ko .
"ayoko na , hirap na hirap na ako . tama nga siya kailangan kong pakawalan ang bagay na nagbibigay ng sakit sa akin."-becca
Umalis siya agad dahil alam niya siguro na kailangan kong mapag isa sa oras na to , pero ang laki ng pasasalamat ko sa kanya dahil dumating siya . humarap ako sa magandang tanawin habang pinapahid ang bawat butil na nalaglag galing sa mata ko .
"kaya mo to becca ."-me
Napagdesisyonan kong kausapin si dad mamaya about dito . nagpalipas muna ako nang oras dun bago umuwi . pagdating ko nakita ko agad si dad sa sala , gusto ko muling umiyak pero pinigilan ko.
"baby , tara na?"-dad
"sure dad ."-me
"hon , alis na kami ."-dad
"okay hon , ingat . i love you "-mom
"yes hon , i love you too . bye."-dad
Sa oras na magkausap sila ni dad di ako makatingin kay mom ,parang mas lalo akong nasasaktan , naririnig ko pa lang ang boses nila .
"tara na baby."-dad
Tumango ako kay dad at sumunod na sa kanya .pagkasakay namin ay masaya akong kinakausap ni dad , pinilit kong maging masaya sa harap niya .
"baby , saan mo gusto magpunta?"-dad
"dad sa favorite place natin."-me
"sige baby. namiss ko din dun anak ."-dad
BINABASA MO ANG
DAHIL SAYO
RomancePROLOGUE Si Rebecca Demonise Palarma ay isang babaeng masayahin , makulit , isip bata pero sa likod ng kanyang masayahing imahe ay nagtatago ang malungkot na pagkatao na kahit sino ay hindi alam ngunit ang akalang walang kahit sinong makakaalam sa k...