Tip #5

503 19 6
                                    

Dialogue

Sa pagsusulat ng dialogue, kailangang ipaliwanag mo kung ano ang tono ng pananalita ng iyong tauhan. Galit ba siya? Natuwa? Nainis? Nagulat? Malungkot?

Ang iba kasi, ganito ang halimbawa ng dialogue na sinusulat nila:

Pinatawag ako ni Ma'am Janet, may sasabihin daw siyang mahalaga sa akin. Pagdating ko ng classroom niya, sumenyas siya na lumapit ako kaya naglakad ako palapit sa kanya.

"Ano po 'yun Ma'am?"

"Ken, malaki ang binaba ng grades mo. Kung hindi mo aayusin ang pagsagot bukas sa exam, baka bumagsak ka na ng tuluyan."

"Opo Ma'am. Naintindihan ko."

"Sige, mag-aral ka ng leksyon ha?"

"Opo, salamat po."

Lumabas na ako ng clasroom niya.

--

Maaring iba ang tono ng pananalita para sa mga mambabasa ang naging usapan nina Ken at Janet. Kung para sa'yo, mahinahon ang pagkakasabi niya, maaring para sa iba, hindi ganun. Halimbawa, dun sa parteng sinabi ni Ma'am Janet: "Ken, malaki ang binaba ng grades mo. Kung hindi mo aayusin ang pagsagot bukas sa exam, baka bumagsak ka na ng tuluyan." Kung hindi mo sinabi kung ano ang tono ng pananalita niya, pwedeng galit at matigas ang dating nito sa mga readers.

Tamang halimbawa:

Pinatawag ako ni Ma'am Janet, may sasabihin daw siyang mahalaga sa akin. Pagdating ko ng classroom niya, sumenyas siya na lumapit ako kaya naglakad ako palapit sa kanya.

"Ano po 'yun Ma'am?"kinakabahan kong tanong.

"Ken, malaki ang binaba ng grades mo."may pag-aalalang sabi niya. "Kung hindi mo aayusin ang pagsagot bukas sa exam, baka bumagsak ka na ng tuluyan."

"Opo Ma'am. Naintindihan ko."mahina kong sagot.

"Sige, mag-aral ka ng leksyon ha?"payo niya na para rin sa kabutihan ko.

"Opo, salamat po." Ngumiti ako.

Lumabas na ako ng clasroom niya.

--

Mahalaga din na bigyan ng ideya ang inyong mambabasa kung sino ang nagsasalita para hindi sila malito. Kung dalawa lang ang magkausap, pwede mong lagyan ng: niya -siya ang nagsalita, ko -ako ang salita. Huwag niyong paisipin ang mga mambabasa kung sino ba talaga ang nagsasalita.

Hal.

"Oo,"sagot ko sakanya.

"Sige, magkita nalang tayo bukas, Migs."sabi niya bago umalis.

--

Migs, binanggit niya ang pangalan ng taong kausap niya kaya kahit hindi mo na isulat kung kanino niya sinabi 'yun, ayos lang. Basta may palatandaan kung sino ang kausap o sino ang nagsasalita, ayos na rin 'yun.

Ngayon, kung tatlo o mas marami pa ang nag-uusap sa kwento, mas nakakalito kung hindi mo sasabihin kung sino ang nagsasalita.

Maling halimbawa:

"Tara na."

"Teka, wala pa si Andy!"

"Ha? Hintayin na natin."

"Guys, parating na siya."

"Nu ba 'yan! Late na tayo ang bagal pang maglakad!"

"Eto na nga oh! Tumatakbo na!"

Tamang halimbawa:

"Tara na."aya ni Tyron.

"Teka, wala pa si Andy!"sabat naman ni Hana.

"Ha? Hintayin na natin."suhestiyon ni Lea.

"Guys, parating na siya."sabi ni Grace habang nakatingin sa gate.

"Nu ba 'yan! Late na tayo ang bagal pang maglakad!"naiinis na sabi ni Tyron.

"Eto na nga oh! Tumatakbo na!"sigaw ng palapit na si Andy.

--

Pwede ring lagyan ng aksyon o emosyon  ang tauhan bago o matapos magsalita.

Halimbawa:

"Bakit ka aalis?"natatarantang tanong ko nang nakita si James na may dalang maleta. "Iiwan mo ko?!"

"Oo,"mahinang sagot niya. "Ayoko na Faye." Tinignan niya ako na may pandidiri. "Ayoko na sa'yo."

--

Mahalaga ang dialogue sa kwento dahil dito nailalabas ng mga tauhan ang kanilang opinyon o saloobin. Huwag mong hayaang malito ang mga mambabasa mo kung sino ba ang nagsasalita. 'Yun lang.

Mga Tulong sa PagsusulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon