Tip #6

417 21 3
                                    

Basic Rules

Hindi ko na dapat isusulat ito pero napansin kong marami pa rin ang mga manunulat na hindi ito ina-apply.

Wala namang rules sa pagsusulat sa Wattpad. Walang bawal. Magsulat ka kung anong gusto mo. Pero sana naman, ang tamang paggamit ng capital letter, punctuation at iba pang basic rules sa pagsusulat ay magawa natin.

1. On Capitalization

Siguro naman nakapagtapos ka ng grade school noh 'dre? Tinuro naman siguro sa inyo na gumamit ng capital letter pagkatapos ng period o bago magsimula ang pangungusap. Ang dali lang lang gawin 'yan, ba't 'di mo pa magawa ng tama?

Isa pa, kapag galit ang character sa kwento mo, kailangan ba talagang NAKA-CAPS LOCK ANG DIALOGUE NIYA? Alam namin 'dre na galit 'yan, ramdam na namin 'yun!

2. Punctuation

Ang duming basahin ng mga akdang doble-doble ang punctuation.

Okay ka lang????

UMALIS KA NA DITO!!!!!!!!!!!!

Ayos na ang isang punctuation. Hindi naman palaging 'Two is better than one'.

Gumamit din ng tuldok (.) at kwit (,) dahil tao kami, hindi kabayo! Nawawalan kami ng hininga sa pagbabasa kapag walang tuldok o kwit man lang!

3. Typo Errors

Edit -'yan ang kailangan. Ang iba kasi, dinadahilan na sa mobile lang daw sila nagta-type kaya maraming typo errors. Hindi naman excuse 'yan, pwedeng i-edit ang akda mo bago mo i-publish. Tamad ka lang, aminin mo na.

4. Grammatical Errors

Pilipino ka. Kung nahihirapan kang mag-ingles, edi tagalog ang isulat mong akda! Ako, aaminin kong hindi ako ganun kagaling mag-ingles pero hindi ko pinipilit ang sarili ko. Bakit? Bukod sa mahihirapan ako, baka mabobo pa ang mga readers kung mali ang grammar na binabasa nila.

5. Spelling

Huwag tamad 'dre. Buuin ang mga salita. Storya ang sinusulat mo, hindi text message.

*

Read. Edit. Publish. Tatlong bagay na maaari mong gawin sa pagsusulat.

Mga Tulong sa PagsusulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon