Tip #8

2.5K 29 4
                                    

Start

Prologue, Simula, Introduction o ano pa man 'yan. Paano mo sisimulan ang iyong akda?

Hindi lang book cover ang dahilan kung bakit nae-engganyo ang mga mambabasa na basahin ang akda. Mahalaga din ang papel na ginagampanan ng unang pahina ng iyong librong sinusulat. Ito ang magiging basehan ng mga mambabasa kung ipagpapatuloy o ititigil na nila ang pagbabasa sa kwento mo.

Paano nga ba magsulat ng prologo? Wala namang batas pagdating sa pagsusulat niyan. Nasa iyo kung paano mo isususulat ang simula ng iyong akda.

May mga author na OA kung magsulat ng prologo. Bigyan kita ng halimbawa.

ako si Claire Yusi.

naiinis ako kay Axel na walang ginawa kundi magpaiyak ng babae.

kaya napagpasyahan naming magkakaibigan na..

..pagpustahan siya.

oo,,, pagpustahan siya.

kelangan ko siyang paibigin sa loob ng dalawang buwan.

pero paano kung ako ang nahulog sa kanya???

paano kung bago ko pa masabi ang lahat ay nalaman na niya na..

ang namagitan sa amin..

ay isang pustahan lang???

--

Bukod sa jejemon ka na, nalaman na ng mga mambabasa kung ano ang plot ng akda mo. Tanga lang? Ano pang babasahin nila, nasabi mo na lahat. Diyan bumabagsak ang ilang author. Prologo pa lang, mali na.

Mas maganda kung ang prologo mo ay may halong "mystery". Macu-curious kasi ang mga mambabasa mo kung ano ang mangyayari sa kwento. Pwede mo ring ipaloob sa prologo mo kung ano ang mga pananaw mo sa buhay para maramdaman nilang ikaw ang nagsusulat.

Magandang halimbawa ay ang A Miracle ni peachxvision. Heto:

Sa totoo lang, di naman talaga ako manunulat. Halata naman siguro sa panimula ko. Gusto ko lang talaga ikwento yung maikli naming storya. Sabi nga niya, ang mga alaala ay hindi lang tinatago.

Bakit ko nga ba to sinusulat? Sa totoo lang, di ko alam. Ay mali pala, alam ko.

Bakit ba ang tawag sa dulo ng bawat fairytale ay happy ending? Ano nga palang tawag jan? Ayun. Oxymoron. Sa totoo lang, kailan pa ba naging masaya ang ending? Kahit nagkatuluyan si babae at si lalake sa isang telenobela, ang masaklap, tapos na yung kwento.

Gusto ko ng isang kwentong walang katapusan.

Heto, nakahiga ako sa isang kama na hindi naman talaga sa kin. Hawak hawak ko yung laptop at heto, nagtatype.

Andito parin yung isa sa mga himala na bumago sa pananaw ko sa buhay. Unti-unti na nahuhulog yung mga talulot niya. Ang nakakapagtaka lang, di siya natutuyo. Nahuhulog lang yung mga talulot niya.

Hinihintay niya nga ba ako? Sana nga… naghihintay parin siya.

Isang fairytale ang kwento namin. Fairytale na walang fairy… pero may magic, na kung tawagin niya ay himala.

Bakit?

Di ko rin alam eh.

At dito, nagtatapos ang kwento naming dalawa.

--

Simula. 'Yan naman ang ginagamit ni jonaxx. Parang walang prologo ang akda niya dahil nagsisimula na kaagad ang kwento.

Nakapaloob sa Simula kung anong ugali meron ang mga characters.

Halimbawa ay ang Heartless. Sa simula pa lang ay alam mo na may gusto si Coreen kay Noah, na kaibigan ni Coreen si Reina, na matapobre si Rozen.

Mas nakakahanga kung ito ang taktikang gagamitin mo sa simula ng iyong akda dahil sa isang pahina ay naipakilala mo na kung sino at ano ang mga tauhan sa kwento.

--

Introduction. Si Jessica Concha naman ang gumagamit niyan. Parang katulad lang ng kay jonaxx ang paraan ng simula ng kwento niya. Naipakilala niya kung ano at sino ang bida sa akda.

--

Maari ring gumamit ng quotes sa simula ng akda mo. Basta siguruduhin mo lang na may connect ang quotes na nakapaloob sa simula mo sa laman ng kwento mo. Ang iba kasi'y gumagamit ng quotes na tungkol sa love pero thriller naman ang genre ng akda. I-connect mo 'dre.

Karamihan nama'y lyrics ng kanta ang ginagamit. Kanya-kanyang trip 'yan basta maganda ang pagkakagamit mo at may kinalaman sa pag-ikot ng kwento.

Pwede ring kalagitnaan ng akda ang ilalagay ko sa simula ng kwento mo. Magkakaroon ng ideya ang mga mambabasa mo kung ano ang problemang kinakaharap ng tauhan sa kwento.

Hal:

Sinuot niya ang itim niyang jacket bago sumakay sa kanyang motor. Itinapon niya sa kung saan ang yosi na kanina pa nakasalpak sa bibig niya.

"Handa ka na ba?"tanong niya.

Ngumisi ako. "Handang-handa na."

"Huwag mo silang kaawaan. Hindi tayo santo para palagpasin ang kahibangan nila."sabi niya sabay suot ng helmet.

"Alam ko." Lumaki lalo ang ngisi ko. "Lintik lang ang walang ganti."

Magtataka ang mga mambabasa kung ano ang plano ng dalawa kaya ipagpapatuloy nila ang pagbabasa.

--

Ang simula ng akda ay ang magiging pintuan ng kwento mo. Diyan sila papasok o lalabas, depende kung maganda ang pagkakasulat nito.

Pero syempre ang pinakamahalaga, hindi lang prologo ang dapat na maganda. Ang nilalaman ng kwento mo. Ano pang silbi ng magandang simula kung panget din naman pala ang kasunod?

Mga Tulong sa PagsusulatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon