Wilson
October juany lopez
Naidilat ko ang mata ko nang may tumamang liwanag na nagmula sa bintana dahilan para masilaw ako at magising. Ramdam ko ang tubig na nasa bawat parte ng katawan ko. Naramdaman ko ang pagpatak nito sa kinahihigaan ko.
Napa daing ako nang maramdaman ang pananakit ng aking braso. Napapakit ako nang maalala ko ang nangyari kagabi. Mula sa mga tubig na pumapatak sa aking katawan nadoble ito nang may pumatak nanaman sa aking mata. Hays. Bumuntong hininga ako at tsaka pinunasan ang nagtatakasang mga luha.
Bakit parang ang sakit?bakit kailangan kong maramdaman na ang sakit sakit ng ginawa nya sakin?hindi ko lubos matanggap kung bakit o papaano,subalit nararamdaman ko nararamdaman ko ang sakit.
Binuksan ko ang kurtina na medyo maalikabok pa. Itinupi ko rin ang kumot ma medyo butas butas na dahil sa kalumaam nito. Napahawak ako sa aking likod ng maramdaman ang pamamanhid nito.
Napag pasyahan ko kasing dito matulog sa budegang ito,dahil iyun naman ang nararapat sa mga maid 'daw na gaya ko at isa pa alam kong didiktahan lang ako o sisigawan ng pinuno dahil sa 'de aircon na room ako natulog.
Ni walang electrifan o kahit na ano kung kaya't nagising ako na naliligo sa sariling pawis. Wala rin itong kutson dahil isang papag lamang ang nasa loob nito at isang kabinet na puro alikabok.
Tumayo na ako para lamabas sa kwartong ito ngunit akmang isasara ko na ang pinto nang napahinto ako at napatingin sa 4 na kumakatok sa katabi kong kwarto.
"Ber! Gising kana ba?"
"Octo may dala kaming breakfast"
"Tuberber anong oras na"
"Ober! Anubayan! Kasi naman hay wilson kuhain mo na nga lang ang susi"
"Fuck this is caleb's damn fault" mura ni stewart.
Pumamewang muna ako at huminga ng malalim.
"Ehem" pagsisimula ko.
Sabay sabay naman tumingin sakin ang apat na aliens. At laking mata ito nakatitig sakin.
"W-where have you been ober!"
"Kanina kapa ba gising?"
Huminga muna ako ng malalim bago sila sagutin. Nakatulala pa rin ang apat sa akin.
"Dito ako lumabas sa kwartong ito,so it means dito rin ako nanggaling" sagot ko. Akmang lalagpasan ko na dapat silang apat nang harangan ng mga aliens ang dadaanan ko.