CHAPTER 15

13 4 0
                                    

Enjoyyyyyyy!!....

♞♞♞♞♞♞

SERA's POV

OOMMOOOOO! Nakalimutan ko na may pasok pala! T^T... Pag gising ko nasa 10:30am na huhuhu.... Recess na namin yun. Iyak

Magbibihis na sana ako. Pero sabi ni mommy umabsent na lang ako. First time kong umabsent. Kasi naman si Ate Eunice di ako ginising Huhuhu!

Hays...ang boring pa naman sa bahay huhuhu ako lang magisa. Sila daddy at mommy nasa work. Si Ate Eunice din.

Diko naman pwedeng itext sila Joseph at Clarisse dahil busy yun sa School. So eto ako ngayon nagmuni muni magisa sa loob ng kwarto ko. Napatingin na lang ako sa bintana at ineenjoy ko yung View.

Hays..Gusto ko maligo sa ulan. Kaso baka pagalitan ako nila mommy at daddy. Dahil daw sakitin daw ako. Napaka Overprotected nila saken. Huhuhu!

Kaya para di naman ako mabored rito binuksan ko yung WIFI namin at binuksan yung Youtube app, isearch ko "BTS CRACK" by Princessjin.


(A/N : Panoorin nyo na  lang medyo mahaba)

Tawa ako ng tawa rito. Parang baliw na nga ako kakatawa ng malakas eh. Buti na lang walang tao. Ahihihi..

--------

Meanwhile at Taguiang University of san totomas ketchup......

JOSEPH's POV

Tsk. Anong oras matatapos toh? Kanina pa dada ng dada tong kalbo naming prof. Kakatapos lang namin magrecess. Lesson nanaman hays. Gusto ko magcutting but I need to be a role model to my two little twins sisters.

I still can't forget what they did to me last week. Sasusunod gagantihan ko silang dalawa kala nila diko sila papatulan huh?

Humanda kayo saken.

Habang dada ng dada tong kalbo naming prof. Napalalim yata ang kakaisip ko kung bakit absent si Sera. Absent ba talaga siya? Oh nalate lang? Aish bahala na nga! Mamaya ko na nga hanapin.

------

Kakatapos lang ng Lesson namin sa Chemistry. Di ko nga alam kung ano itinuro ng Prof naming Itlog. Dahil hindi naman ako nakikinig.

Habang hinahanap ko ang best friend kong Seraulo. Nakasalubong ko naman si Clarisse.

"Oh joseph ikaw pala?! Ano ginagawa mo rito?" Bati niya saken at napansin ko lang kanina pa siya hawi ng hawi ng buhok niya. At pasayaw sayaw. Nagprapractice ba toh sumayaw?

"Hinahanap ko si Sera, Nakita mo?" Tanong ko pabalik sa kanya. Mukha naman siya na dissapoint? Problema nito?

"Absent si Sera, Di ko nga alam kung bakit eh" bigla naman bumalik yung pagka cheerful niya. Napa ahh na lang ako, So absent nga yung gung-gong na yun. Tss

Ano nanaman ginawa nila Nica at Nikki?

Aish! Malalagot talaga saken yung mga yun.

You Never Walk Alone [FIRST]Where stories live. Discover now