The Writing Clinic will open at 8 PM tonight

445 29 26
                                    

Ano ang Writing Clinic?

Ang Writing Clinic ay isang advocacy na makatulong sa bawat manunulat sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng review sa akda o piyesa na gustong ipa-check. 

IT IS FREE AND ALWAYS WILL BE. Ang review ay sa anyo ng isang check-up kung saan sisiyasatin at uusisain (diagnose) ang inyong akda o piyesa. Dahil ito ay diagnosis, asahang mas matutuon ang pansin sa kahinaan at sakit ng akdang ipinapasuri. Pero siyempre, sasabihin din ng Writing Doctor kung ano ang healthy. Kasama sa serbisyo ang libreng prescription o tips sa kung paano pa mapagbubuti ang panulat ng isang nagpapa-check-up.

Sino ang magbibigay ng libreng check-up o rebyu?

Ang Writing Doctor para sa Writing Clinic ay si TheCatWhoDoesntMeow.

Sino ang pwedeng magpa-check-up?

Sinumang manunulat ay maaaring magpasuri, basta't sumusulat ng dagli o maikling kwento sa Filipino o TagLish.

Ilang pasyente ang pwedeng magpa-check-up?

Limitado ang slot ng pasyente (dahil kaunti lang ang oras ng magrerebyu). 

Bawat linggo ay magda-diagnose lamang ang Writing Clinic ng tatlong (3) short stories (one-shot) na hindi lalampas sa 7,000 ang word count. (O, isang dosenang maikling kwento bawat buwan).

Maaari ring magpa-check-up ng flash stories ang isang manunulat. Kung flash stories, maaaring magpa-check ng hanggang tatlong flash stories ang iisang manunulat.

Hindi muna tatanggap ng novella at novel ang Writing Clinic.

Hindi muna tatanggap ang Writing Clinic ng mga akdang nakasulat sa English.

REGISTRATION SYSTEM

Ang paanyaya para magpasuri sa isang partikular na buwan ay ipo-post bilang update ng librong ito, tuwing unang Miyerkules ng bawat buwan, 8:00 PM. 

Sa update ay maaaring i-comment ang iyong datos at ang link ng wattpad story na gusto mong iparebyu. (Sa susunod na pahina ang registration form). 

Ang unang isang dosena (12) na manunulat na maayos na nakapagbigay ng datos at link ay mairerebyu sa nasabing buwan.

Ibig sabihin nito, sa bawat buwan ay pwedeng makakuha ng slot para magparebyu ang bawat manunulat. Kailangan mo lang i-note ang oras ng update at makapag-comment agad ng iyong datos at link.

PAALALA:

Ang tinutukoy na maikling kwento o short story ay ang one-shot story rito sa wattpad.

Para sa dagdag na katanungan, mag-comment lamang. Ngunit MAGBASANG MABUTI BAGO MAGTANONG. 

The Writing ClinicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon