JAYCEE's POV
Pagkatapos nang halos tatlong araw ng a little bit longer na pagsi-stay kuno ni Paolo sa Ospital ay makakalabas na din siya sa wakas. Hindi ko alam kung matutuwa ba 'ko o maiinis. Paano ba naman sa loob ng mga araw na 'yon eh ginawa kaming katulong ni gago. Taga-bili, taga-kuha, taga-tawag, at kung ano-ano pang mga taga-taga!
"Mabuti naman at magaling ka na."
"You sound irritated?" ang sabi nito.
"Of course not. I geniunely sound happy, salamat din pala kasi sinalo mo 'yung bala na dapat ay sa 'kin naman talaga."
"Tsk."
"At dahil ngayon na ang labas mo sa ospital," naglabas ako ng alak. "Dapat lang naman siguro na tumagay ka."
Aabutin na sana nito ang bote kong ibinibigay nang agawin 'yon ni Gian. Sabay kaming napatingin sa kanya. Here he goes with this stuff again, I'm sure as hell na papagalitan niya kami.
"Lalabas ka na ng ospital, 'di ba? O baka naman gusto mo pang magtagal dito?"
I knew it.
"Well, its just going to be a sip." sabat ko.
Tinignan niya 'ko ng diretso sa mga mata. "Sip or not, kakagaling lang niya. Hindi mo dapat ini-encourage na uminom ng alak ang taong kakagaling lang."
"Wala naman siyang sakit."
"Yeah, tahi lang dahil sa gunshot." sarkastikong sabi niya.
Pina-ikot ko na lang ang mga mata ko. Ito talagang magdodoktor kong kaibigan pinaninidigan na agad ang pangarap niya. Wala na akong nagawa nang dalhin niya 'yon sa basurahan at itinapon.
"Goodbye, Jack." paalam ko sa alak.
"Jack?" tanong ni Paolo.
"Jack Daniels, 'yon ang alak na tinapon niya."
"WHAT?!" nanlaki ang mga nito. "That's my favorite one!"
"I know. Kaya nga iyon ang pinili kong bitbitin dito eh, 'di bale pagdadamutan din natin ng alak 'yan kapag nag-inuman tayo."
"Its fine. I don't really like drinking liquors, nakakabawas sa life span ko bilang isang tao."
"Ulol! Malakas ka din kayang uminom lalo na kapag may dinadamdam." napatigil ako nang malaman kong may nasabi akong 'di pala dapat sabihin.
"Hinihintay na tayo sa labas!" ang singit ni James.
"Sino namang naghihintay sa 'tin sa labas?"
"Edi si Ate Xandra."
Pinasok talaga nitong ugok sa usapan si Ate Xandra. Great timing, James. Now I feel bad more dahil sa nasabi ko. Bukod sa pamilya, si Ate Xandra lang ang dahilan kung bakit siya umiinom. Ang tanga-tanga mo talaga, Jaycee!
"Kung gano'n huwag na natin siyang paghintayin pa at lumabas na tayo." at nauna siyang lumabas sa kwarto.
Siniko ako ni Paolo. "Alam mo namang personal sa kanya ang mga bagay-bagay, 'di ba?" at binato naman nito ng unan si James. "At ikaw naman binanggit mo pa talaga ang pangalan ni Ate Xandra."
"Geez, Paolo. Hindi ko naman sinasadya eh, 'yon lang kasi ang naisip kong topic."
"Tsk, ewan ko sa inyong dalawa!" tumayo na ito sa kama at sumunod kay Gian.
Nagtinginan kami ni James at sabay na nag-kibit balikat. Well, it really is our fault though. Pero sigurado naman akong mapapatawad din ako no'n. Alam naman niya na hindi ko 'yon sinasadya.
BINABASA MO ANG
The Prelude of Facades (Under Revision)
TienerfictieHindi inaasahang nakapasa sa Entrance Exam si Yasmin sa isa sa mga prehisteryosong eskwelahan ng bansa, ang Figuerra High University o tinatawag na FHU. Simula pa lang ay naramdaman na niyang hindi magiging madali ang pagtungtong dito dahil sa mga h...