•25

50 20 28
                                    

'Princess Ash, nakahanda na ang ilan nating mga tauhan for our plan B.' Saad ni Li sa transmitter.

Naandito na kami sa lugar kung saan magaganap ang transaction ng mga Zerav sa isa pang Mafia.

'Good now, let's wait for them and be alert.'

'Yes, Princess.' Sagot nilang dalawa.

Sa ngayon ay kami lamang munang tatlo ang naandito, maaaring buwis buhay ang gagawin naming ito pero nakahanda naman ang back up plans kung sakaling hindi namin magawa ng maayos ito.

Kasalukuyan kong inaayos ang baril ko at inilalagay ang silencer nito gayon na din ang mga daggers na nasa pocket ko. Alam ko kung gaano katatalim ang mga ito dahil ako ang may ari nito, isang dampi lang ng mga ito sa balat mo ay paniguradong mag-iiwan ng marka ito sa mga balat mo.

'Princess Ash, they're coming.' Saad ni Sho.

'How many they are Sho?' Tanong ko dito.

'Less than fifty only, kasama na ang isa sa tagapagmana ng Zerav, ASH.' Sagot naman niya.

'Isa? E nasaan ang dalawa pa at sino ang kasama nilang tagapagmana?' Tanong ko dito na may halong gulat.

'Hindi nila kasama sina Drei at Ia, ayon sa research ko kay Lica nila ipinagkakatiwala ang mga ganitong bagay lalo na at malaki ang tiwala nila dito na magagawa ng maayos ni Lica ang mga ganitong transaksyon.' Paliwanag ni Sho

'In my signal, alam niyo na ang gagawin.' Saad ko sa kanila.

Hindi naman kami basta basta susugod sa kalaban kung alam naming wala kaming magagawa at hindi napag aralan ang mga kilos nila, hindi kami tanga para ilagay ang buhay namin sa panganib kung alam naming madedehado kami.

Sa kada gabing pag mamanman namin sa tatlo ay madami kaming nakuhang impormasyon na makakatulong sa amin upang magawa namin ng matiwasay ito.

At nalaman din namin na hindi lang para sa mafia nila gagamitin ang mga drugs na kukunin nila kundi pa din sa ibang mga tao upang pag eksperimentuhan nila ng sa ganon ay magawa na nila ang nais nila.

'Sho and Li, gamitan niyo ng silencer ang mga baril niyo ng sa ganon ay hindi sila makahalata kung nasaan tayo, maliwanag ba?'

'Copy princess Ash.' Sagot ng dalawa.

'Now.'

SA hudyat ng kanilang Prinsesa ay sinimulan na nilang patumbahin ang mga tauhan ng Zerav nang hindi man lang napapansin ng kanilang mga pinuno, pulido ang mga kilos nila lalo na't kalkulado nila ang mga galaw ng mga ito, dahil na rin sa gabi gabing pag mamanman ng mga ito sa kalaban.

Wala pang kalahating oras ay halos maubos na ng tatlo ang mga tauhan ng Zerav. Naging madali sa kanila ang talunin ang mga kalaban sapagkat nagtatago sila sa dilim kung saan hindi sila nahahalata.

'Hindi ko inaasahan na may bisita pala kami ngayon.' Tugon ng isang babae sa likod ni Ash.

'Shit.' Napabulong na sabi ni Ash sa sarili.

'Sino ka at anong ginagawa mo dito!' Tanong ng babae habang nakatutok ang baril kay Ash.

'Hindi ko alam na ganyan ka pala ka tanga para hindi mo agad maramdaman ang presensya ko Lica.' Kasabay noon ang pag harap ni Ash sa babae na nagngangalang Lica hindi man kita'y ramdam sa bawat salitang lumalabas kay Ash ang pag ngisi nito.

Gulat ang bumalatay sa mukha ni Lica pero kaagad niya iyong inalis, lingid sa kaalaman ng lahat ay matagal na itong kasali sa Mafia, mas matagal pa kay Ash.

Unforeseen Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon