•14

50 31 28
                                    

Week passed at patuloy pa din ang routine ko sa gabi. At lalo na sa umaga. Lagi pa rin akong binubulabog ni Bri pag sapit ng tanghali dahil wala na siyang kasabay pagkain dahil sina mom and dad e napasok na sa company after breakfast nila. Good thing dito sila nag be-breakfast kaya naman walang dahilan si Bri para bulabugin pa ako ng umaga.

Sa loob ng isang linggo hindi pa ulit kami nakakalabas ni Bri dahil mas gusto muna naming magpahinga. Dahil next week ay uuwi na kami sa Pilipinas for second sem ng class.

Naandito kami ngayon sa pool at dahil naisipan naming maligo.

'Bii, tingin mo nasan kaya sila ngayon?' Tanong niya ng maka ahon sa pool at tumabi sakin sa may pool side habang nakababad ang mga paa.

'Sino?' Tanong ko naman.

'Ano ka ba naman! Sino pa ba? Edi yung dalawang magkaibigan.' Nakasimangot na sagot nito.

'Aba malay ko ba kung sinong tinutukoy mo. Haha ayaw mo kasing bubuuin e.' Tatawa tawa kong sagot sa kanya.

'O edi sige. Bii, sa tingin mo nasan kaya sina Jeff na unggoy at si Jerome na pader, ngayon?' May sarkasmong tono ng boses niya.

'Pft. Ang corny mo Bri. Aba malay, bakit sakin mo tinatanong? Edi dun mo itanong sa unggoy mo.' Sagot ko naman.

'E ayokong i-chat ang unggoy na yon nababadtrip ako sa kanya.' May inis na tugon nito.

'Wag mong sabihing nag away na naman kayo?'

'May bago pa ba dun?'

'Hay! Bat pa ba ako magtatanong e kayo nga pala taong version ng aso't pusa.'

'E ba't hindi mo kaya tanungin si boyfriend mo. Tutal close na naman na kayo diba?'

'A-ayoko nga! Tsaka hindi ko naman siya boyfriend no!'

'O bat ang defensive mo? Nakoo Bii ha.' Nang uuyam na sagot nito sa akin.

'Hindi ah. D'yan kana nga. Mag swimming ka na lang. Liligo na ko.' Sagot ko sabay alis sa tabi niya para kunin ang roba ko sa may upuan at dumeretso na sa kwarto para maligo at hindi ko na pinakinggan ang sinasabi niya.

Five na ng hapon ng magising ako, hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Pag tingin ko sa kabilang kama wala si Bri don kaya naman naghilamos na ko at nag ayos bago lumabas ng kwarto. Hinanap ko siya sa sa loob ng bahay pero wala. Pinuntahan ko sa may pool side pero wala din kaya ang naman ang huli kong pinuntahan e yung garden at don ko siya nakita habang may kausap sa cellphone nito.

Bumalik na muna ako ng kusina para kumuha ng pagkain and drinks at dumeretso na ulit ako sa garden.

'Hey Bri. Si Jeff ba yan?' Para kasing bwisit na bwisit siya sa kausap pero makikita mo namang masaya s'ya, ang weird.

'Ha? Ah oo.' Sagot niya habang naka focus pa din ang atensyon niya sa kausap.

Kaya naman kumain na lang ako ng dala ko para kahit papaano e hindi naman ako maburo dito sa kina uupuan ko.

Makalipas ang kalahating oras ay sa wakas natapos na din si Bri sa kakatalak. Ang ingay kasi nakakabingi, though sanay na naman ako sa kaingayan neto.

'Hi Bii, d'yan ka pa pala.' Sabay tawa nya.

'Yan ang napapala ng sobrang focus sa kausap. Hindi na nararamdaman ang nasa paligid. Tsk.'

'Ehehehe. Sorry naman. Ooops! Penge. Nagdala ka pala?' Sabay kuha nya ng cookies sa lagayan.

'Ay hinde, imagination mo lang yan Bri.' Sagot ko dito. *insert sarcasm*

'Bii naman e!' Sabay nguso nya.

'Wag ka ngang ngumuso Bri. Di bagay sayo. Hahaha.'

Hanggang sa mag asaran na kaming dalawa at hindi na namalayan ang oras.

Seven PM na pero wala pa din sina dad kaya naman kumain na kami ni Bri at hindi na nahintay pa sina mom and dad na makauwi.

Matapos namin kumain ay dumeretso na agad kami sa kwarto namin at doon na lang itinuloy ang kwentuhan.

'Bat kaya hindi umuwi sina dad ng maaga?'

'Oo nga e, ngayon lang natin sila hindi nakasabay ng hapunan.' Sagot naman ni Bri at saktong may kumatok kaya naman binuksan ko ang pinto.

'Senyorita Ara, pinatatawag ho kayo nina Master Beledict at Madam Arriane sa library ho, isama niyo din daw ho si Ma'am Brittany.' Saad ng kasambahay naming si Janet ang nakakatandang kapatid ni Jana.

'Sige Janet pakisabi na lang kina mom na papunta na kami.'

'O anong sabi Bii?' Tanong ni Bri pagkasarado ko ng pinto.

'Pinapapunta tayo nina dad and mom sa library.'

'Bakit daw?'

'Aba malay ko din. Sinabi lang naman ni Janet na pinapapunta tayo at wala naman siyang sinabi kung bakit e.'

'Ah ganon ba.'

'Yea. So, tara na baka nag aantay na sila sa atin.

Nang makarating kami sa library ay agad binuksan ng body guard ni dad ang pinto kaya naman nakapasok agad kami.

'Naistorbo ko ba ang pagpapahinga nyo anak?' Tanong ni dad sa akin pagkasara ng pinto at iminuwestra na maupo kami.

'Hindi naman po dad, sa katunayan po nyan e nagkukwentuhan lang po kami ni Bri.' Nakangiti kong sagot kay dad.

'Ganon ba.' Sabay muwestra nito kay mom at parang may body contact sila at iyon ang ginagamit para makapag usap.

'Anak, Ara napag usapan namin ng mom mo na siguro ay panahon na.'

'Po? Ano pong panahon na dad?' Naguguluhang tanong ko. Habang tahimik lang si Bri na nakaupo na alam kong naguguluhan din.

'Anak, panahon na para malaman ni Bri ang katotohanan.' At doon ay na gets ko na ang sinasabi nila.

'Ano pong dapat kong malaman tito?' Mas naguguluhang tanong ni Bri.

'Dad, mom.' Pag pigil ko sa dalawa. Alam ko naman e, alam ko namang malalaman at malalaman pa rin ni Bri ang lahat pero hindi ko naman ine-expect na ngayon na yon.

'No, anak. Kailangan na nyang malaman ang totoo.' Napabuntong hininga na lang ako.

'Tito ano po ba kasi 'yon? Bii, ano ba 'yon?' Gulong tanong ni Bri.

'Brittany hija, hindi kami basta bastang business man lang.' Pag uumpisa ni dad.

'Ano pong ibig niyong sabihin tito? Bampira po ba kayo?' Tanong ni Bri na nakuha pang magbiro.

Kaya naman hindi napigilan nina mom and dad na matawa.

Kahit saan talaga tong si Bri. Kahit sa pinaka seryosong usapan naisisingit pa din niya ang kalokohang pumapasok sa utak neto.

Unforeseen Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon