•29

39 16 37
                                    

'Ara honey wake up. Kakain na tayo.'

'Mom.' Tawag ko dito pagkamulat ko.

'Let's go anak. Breakfast is ready.' Habang may ngiti sa labi ng mahal kong ina.

'Yes mom susunod na po ako.' Nakangiti ko ding sagot sa kanya.


It's been one week simula ng mangyari ang insidenteng iyon. At one week na din sina mom dito. Ilang araw din ang itinagal ko sa hospital kahit pa sabihin kong ayos lang ako e hindi pa din sila pumayag.

Pagpunta ko sa dining ay nandoon na sina Shawn Liyah Ralph mom and dad.

'Good Morning Princess.' Maligayang bati ni Ralph sa akin.

'Good Morning too Ralph. Good morning mom dad Liyah and Shawn.' Masayang bati ko sa kanila.

'Papasok kana ba ngayon Ara babes?' Tanong ni Ralph sa akin pagkaupo ko.

'Yes Ralph one week na akong absent dahil ayaw niyo akong payagang pumasok.' Nakanguso kong sagot dito.

'Ihahatid kita, right tita?'

'Yes Ralph.' May ngiting sagot ni mom kay Ralph.

'But mom?' Apela ko.

'No buts princess.' Sabay kindat ni Ralph sa akin.

'Ralph is right mas maganda ng ihatid ka niya besides hindi ka din naman makakasabay kina Liyah dahil ayaw mong may makaalam might as well na si Ralph na mismo ang mag bantay sayo doon.' Kaya naman tumango na lang ako sign na pumapayag na ko sa desisyon nila at nagtuloy na lang sa pagkain dahil baka ma-late pa ako kung hindi ko bibilisan ang kilos ko.


'Ara, hija babalik na ulit kami sa Japan ng mom mo.' Paalam sa akin ni dad nang makababa ako sa hagdan.

'That fast dad? Bakit ang bilis naman po?'

'Madami kaming naiwang unfinished works doon kaya naman kailangan na naming bumalik but Ralph will stay here kaya may makakasama ka pa din dito.'

'Okay dad, mag iingat po kayo lagi ni mom mahal ko po kayong dalawa ni mom, dad.' Kasabay noon ang pag yakap ko sa kanya.

'Oh ang unica hija ko such a sweet young lady.' Sambit ni dad at niyakap din ako.

'Nako nagsolo na naman kayong mag ama hindi niyo na naman ako sinasali. Nagtatampo na talaga ako.' Rinig kong sabi ni mom. Pft parang bata haha.

'Nako ang honey ko naman nagtampo pa o sya tara dito at yakapin na ulit nating ang prinsesa natin.' At walang ano ano ay niyakap na ulit nila ako.


Ang saya ko dahil may ganito akong klase ng magulang. Sweet and understanding. Kaya mahal na mahal ko sila e dahil hindi nila ako pinapabayaan.

'Osya sya anak malelate kana sa school mo. You should go. Kanina pa naghihintay si Ralph sayo.' Saad ni dad.

'Okay dad, mom I have to go. Ingat po kayo. I love you both.' At hinalikan ko sila parehas sa pisngi nila.



Unforeseen Fate (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon