Prologue

24 11 0
                                    

Life is harsh...
so cruel
and so selfish...

Yan na ang naging pananaw ko sa buhay mula nung sunod-sunod na mawala ang mga mahal ko sa buhay... ang naiwan nalang sakin ay ang aking kapatid na musmos palang nung nawalan kami ng mga magulang.

Sa edad na labing tatlo ay kinailangan kong maghanapbuhay para sa aming dalawa. Para sa pagkain, renta sa bahay, at pag-aaral namin.

Hindi ko nga akalaing kinaya ko... kinaya naming magkapatid. Kahit na kadalasan ay dalawang beses lang kami kumain sa isang araw, minsan nalalate pa sa pagbayad ng mga bayarin sa paaralan, na kahit lumang-luma na ang aming mga damit ay pinagtitiyagaan nalang para lang may pangbayad sa kuryente at tubig. Meron pang renta sa bahay na akala mo naman gawa sa ginto sa sobrang mahal.

Ilang beses ko na nga bang itinanong sa sarili kung bakit nangyayari samin toh?
Pero hanggang ngayon ay wala parin akong nakukuhang sagot.

Siguro ganun talaga.
Hindi sa lahat ng pagkakataon nakukuha mo ang gusto mo.
Minsan gusto ko nalang mawala, wala rin lang naman akong patutunguhan, pero naisip ko ang kapatid ko, kahit sabihin na nating siya ang ugat ng lahat ay hindi ko parin siya maiwan. Dahil isa lamang siya sa minalas at ganun ang itinadhana para sa kaniya. Wala itong kasalanan at mahal ko ito.
Sa kamalasmalasan kami pa yung pinag-iinitan ng tadhana.

Swerte mo kung nanggaling ka sa marangyang pamilya, kasi kontrol mo ang lahat.
Malas mo kung pinanganak kang mahirap.. asahan mo na ang pang-aalila at pang-aabuso ng mayayaman.

Sa taong 2030, panahon ng teknolohiya, mas lalong umunlad ang ekonomiya ng bansa. Modernong-moderno na ito lahat ng bagay na makikita mo ay gawa sa machines. Umembento ng mga android na siyang taga gawa sa lahat kaya ang resulta ay tatamad-tamad na ang mga tao. Lalo na ang mayayaman.

Kaming mahihirap ay naiwang kumakayod para lang may maipangtustos sa mga gastusin, buwis na ni wala namang hustiya sa sobrang taas.

Maraming beses na kaming tinapaktapakan, hinusgahan at pinandidirihan.

Nakakainis na minsan gusto ko nalang silang sambunutan sa sobrang inis. Ang dami dami nilang dada akala mo kung sino, nabiyayaan lang ng ginto naghaharian na! Ang tatamad naman!

Kaya sinabi ko sa sarili kong pagnakahanap ako ng paraan para makaalis sa nakakasawang buhay na ito, ay gagawin ko.

Hulog naman ng langit ang lalaki sa panaginip ko.
Ewan, para akong baliw na naniniwala sa taong sa panaginip lang nakakausap, pero masama bang umasa? Kung ito nalang ang iyong pag-asa? Hindi naman diba? Pero iwan ko ba parang may iba kasi sa lalaking iyon, bigla nalang akong kinakabahan sa tuwing naririnig ko ang boses niya, pakiramdam ko palagi niya akong pinapanood araw-araw kahit gabi ko lang naman ito nakikita.
Ang yabang nito at hindi mapunit-punit ang ngisi nito sa labi, sarap ikiskis sa pader ng numipis naman!
Ang taray pa nito at dinaig pa ang babae sa sobrang arte.
At sa tuwing pinapaikot nito ang mata ay ang sarap-sarap dukutin, ipasok sa baul at ilibing, naway maiwan nalamang itong alaala at sumalangit nawa ang kaluluwa. Pakiramdam ko pa lagi itong may dalang delubyo. Sa tuwing napapatingin ka sa mga mata nito ay parang lagi nalang itong may pinaplanong hindi maganda. Ubod ng pilyo at sobrang chismoso!
Pero kahit na ganun ay sobrang gaan ng loob ko sa kaniya sa hindi maipaliwanag.

Maaaring hindi ito totoo pero mas mabuti na iyong meron kang panghahawakan para magpatuloy.


Biglang isang araw nagbago ang buhay ko... napasok sa bagong gulo at maraming natuklasang sikreto. Sikreto na kahit 2030 ay hindi mo aakalain.

Subaybayan ng malaman

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project:1976Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon