CHAPTER 4

184 14 18
                                    

SOCCER

"Kuya, bawiin mo na kasi!" Hinampas ko yung braso ni kuya habang nagda-drive siya. Naka-upo ako sa passenger's seat. Kanina ko pa siya kinukulit na bawiin na yung pagsali kay Uno sa military training program ng school namin.

Humarap siya sa akin sabay subo dun sa chicken nuggets na binili namin kanina sa drive-thru ng McDo. We're on our way to school.

"Hindi ko na nga mababawi. Isa pa, wala akong balak bawiin. The jerk deserves it." He licked his lower lip then played with his lip stud.

Minsan talaga hindi ko alam kung paano nagwowork-out yung friendship ni kuya at Uno. Madalas naman silang magkasundo. Silang tatlo nila kuya Blaise. Lalo na sa kagaguhan. Pero si kuya Cloud kasi maingay and he's really stubborn. He's one annoying guy. Si Uno naman sobrang tahimik and enclosed. Madalas seryoso. Kuya Blaise is everything in between. Siya yung madalas pumagitna sa dalawa.

"I agree with kuya, Ate. Kuya Uno deserves it." Sabi naman ni Star mula sa likod ng sasakyan.

Minsan talaga hindi ko masisisi si Uno kung bakit ayaw niya talaga sa akin. Everybody was against him at tama siya, sa opinion kasi ng lahat siya yung masama dahil siya ang naka-sakit.

Since prelims week namin ngayon, hindi regular yung schedule. We dropped Star sa Junior High department ng Woodsville so she can meet her friend Mia. Nagpark na si kuya sa loob ng school kaya bumaba na kami ng sasakyan. We met Adri sa cafeteria. Kasama niya si kuya Blaise at Mikka. They've been together for two years now. Adri is on her phone and I seated beside her. Sinilip ko kung anong ginagawa niya. Akala ko nagbabasa siya ng notes para sa exams. Yun pala busy na nagstalk sa instagram ni Liam. Her handouts spread out in front of her untouched.

"I hate how Liam rarely post on his social media accounts. Tapos lahat pa ng post niya related sa politics."

Umupo si kuya sa tabi ni kuya Blaise. Pareho silang seryoso na nagbabasa sa handouts nila. Since varsity kasi sila, may standard grade sila na dapat ma-maintain. Bawal din yung may failing grade sa kanila kasi kung hindi maaalis sila sa team.

I finished studying nung isang araw pa. Tapos kahapon summary review nalang. Ayaw ko kasi yung last minute cramming.

"Kulang yata ang 3 idiots ngayon." Pansin ni Adri.

"3 idiots?" I asked.

"Oo. Silang tatlo." Sabay turo kay kuya at kuya Blaise. "Where's Uno?"

"Malay ko dun. Baka nag-eemo nanaman." Sabi ni kuya habang sinasagot yung equation na nasa harapan niya.

"Nakita ko kanina kasama si Kath." Sabi naman ni kuya Blaise tapos tinignan naman siya ng masama ni Mikka and gave me an apologetic shrug. I smiled to let her know that it's okay.

"Kath?? Uh, who's Kath?!" Nagtatakang tanong ni Adri.

"Yung girlfriend niya." Kuya let out an impatient sigh.

Nanlalaki yung mga mata ni Adri na tumingin sa akin. She's giving me a meaningful look which probably means "why-didn't-you-tell-me?" and "I-felt-betrayed-and-left-out."

Umiling naman ako para ipaalam na ayaw ko pagusapan. Not in front of kuya. Baka hindi niya lang sa military training isali si Uno. Baka kung saang org nanaman. Pa-lala ng pa-lala eh. Dati Alay Lakad lang, ngayon military training na. Anong next?? Knowing kuya, siguradong may mas matindi pa dyan.

Bizarre Love Triangle (Hiatus)Where stories live. Discover now