Prologue

241 4 4
                                    

Uwian na namin, ako ang huling lumabas sa classroom

"Uuwi ka na?" kinausap na ko, yung crush ko, si Joseph! Nagulat ako!

"Oo eh. Bakit?" Napakamot sya sa likod ng ulo nya, ang hilig nya sa ganun. "Ah eh, kain muna tayo. Nagugutom na ko eh."

Gustuhin ko man, kailangan ko nang umuwi, marami akong kailangang gawin kaya tinangihan ko. "Ikaw na lang. Una na ko ah? Bye!"

Aalis na sana ko kaso bigla syang nagsalita, "Hindi na. Sasabayan na kitang umuwi. Mahirap na, baka kung anong mangyari sayo."

Natawa ko sa sinabi nya, at the same time nagulat at kinilig.

"Uy ah! Wag na! Nakakahiya naman sayo! Gutom ka na eh.." Ayoko talaga syang makasabay kahit naghahanap ako ng kasabays umuwi.

"Pwede naman akong kumain pagkadating ko ng bahay namin eh. Gusto ko lang safe kang makauwi."

"Hahahahaha! Ang seryoso mo! Crush mo ko noh?" Conceited man, gusto ko lang mawala yung kaba sa dibdib ko. Huhu!

"Hindi ah! Baka ikaw ang my crush sa'kin! Tara na nga! Uwi na tayo!"

Inakbayan nya ko habang naglalakad kami. Heaven ba? Hindi. Parang nasa purgatoryo ako, mamimili kung aasa ba ko o pababayaan ko na lang sya kasi alam kong sa huli, masasaktan ako.

*

Nasa tapat na kami ng bahay, inaya ko syang pumasok para kahit man lang kumain, out of the way nya kasi ang bahay namin. Nakakahiya, angal sya nang angal na gutom na sya habang nasa byahe kami. Pero, tinanggihan nya ang alok ko at niyakap na lang pero may binulong sya,

"Thank you! Ingat ka ah! Liligawan at papakasalan pa kita!" saka nya ko hinalikan sa noo.

"Loko! Gago ka! Hahahaha! Ingat ka din! Salamat ah?" kunyare wala lang. Kunyare wala kang nararamdaman.

"Yup! Bye, see you sa school!"

Nginitian at kinawayan ko sya. Nakangiti lang ako hanggang hindi ko na sya matanaw.

Pumasok ako ng bahay namin. Biglang nagvibrate ang phone ko, may nagtext.

From: +63916******

Hi, ako nga pala yung kaibigan ng ni Jameson Joseph Lu. Pasensya ka na ah, inunahan ako sa diskarte ko. Ako dapat yung manliligaw sayo. I'm Jess Angelo Evangelista.

----

Para 'to kay Midori. Hahaha! Nabola nya ko, ayan na. Sinumulan ko na!

Aasa Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon