Ang ganda talaga ng takip-silim lalo na kapag kitang kita mo ang dahan dahang pagkain ng karagatan sa araw. Ramdam mo pa ang paghalik ng hangin sa buong katawan mo.
“Abigail.”
“Hmm?” napapikit ako dahil sa lakas ng hangin at dahil na rin sa boses nya.
“Ang ganda talaga noh?”
“Ah, oo. Ang ganda talaga ng sunset!” tumingin ako sa kanya upang ngumiti pero nahuli ko syang nakatingin sa’kin. Eto na naman ang kabog ng dibdib ko.
“Ang ganda mo talaga.” Hinawi nya ang buhok na nakatakip sa aking mukha dahil sa kagagawan ng hangin.
Nakatingin lang sya diretso sa’king mata, nakangiti. “Oy Jameson ah! Manahimik ka!” binawi ko ang tingin ko sa kanya, mahirap nang mahalata dahil sa kilig.
“Rachalle Abigail.”
“Ano?”
“Rachalle Abigail.”
“Ano nga?!”
Inulit nya ang pagtawag sa pangalan ko. Nakakairita.
“Pinagtitripan mo lang ata ako eh.”
“Rachalle Abigail Jayme.”
“Ano nga ‘yon, Jameson Joseph Lu?!”
“Pwede bang making ka muna sa sasabihin ko at wag kang magsasalita kung hindi ako nagtatanong?”
“Aba, ang arte mo. Oo na, bilis.”
“Promise?”
“Oo na nga, promise!”
Bumugtong hininga sya bago magsalita, “Okay, eto na.” bumugtong hininga ulit. “Eto na talaga.” At bugtong hininga na naman.
“Jameson Joseph, ano ba kasi ‘yan?”
“Wag sanang magbago ang pagkakaibigan natin pagtapos nito.” Hinawakan nya ang kanang kamay ko at doon lang sya nakatingin.
“Hindi ka naman nakapatay di ba?”
“Ano?! Grabe ka naman! Hindi noh!” inangat nya ang tingin nya sa mga mata ko.
“OA magreact! Bilis na, ano ba ‘yang sasabihin mo?”
“Kasi naman eh..”
“Joseph.”
“Oo na, wait lang.” bumugtong hininga ulit sya bago magsimula, “Rachalle, matagal na kasi ‘to. Unang araw pa lang ng semester nung nakalapit talaga ako sayo, well, hindi naman ako ‘yong lumapit kundi ikaw.”
“Oh tapos?”
“Abigail naman eh! Wag ka munang magsalita kapag hindi ako nagtatanong, nagpromise ka eh.”
Hindi na ko umimik at tumingin na lang ulit sa tanawing nasa harapan namin.
“Matagal,” hinawakan nya ang mga kamay ko kaya ako napatingin sa kanya. “Matagal na kong may gusto sayo pero natatakot akong mawala ang pagkakaibigan natin dahil sa nararamdam ko. Kaso ayoko namang magkaibigan lang tayong dalawa dahil sa araw araw na nakakasama kita o hindi, napapamahal ako sayo.” Unti unti nyang nilapit ang mukha nya sa’kin, diretso ang kanyang titig tila sinasabing maniwala ako sa sinasabi nya dahil totoo ang lahat ng sinabi nya. Hinawakan nya ang kanang pisngi ko at, “Rachalle Abigail, mahal kita hindi dahil bilang kaibigan. Mahal kita nang higit pa sa inaakala mong pagtingin ko sayo.”
“Mahal rin kita, Joseph, matagal na.”
Unti unting nagbago ang kanyang tingin, mula sa pagkatakot, ito’y naging pagkatuwa dahil sa narinig nya sa’kin. Nakangiti sya, makikita mo ang dimples sa kanyang pisngi.
BINABASA MO ANG
Aasa Pa Ba?
RomanceIsang Rachalle Abigail Jayme ang may gusto kay Jameson Joseph Lu. Nagkakaroon sya ng pag-asa na magkakaroon sila ng relasyong hinahangad nya ngunit sa isang text na nanggaling sa isang Jess Angelo Evangelista, kaibigan ng kanyang gustong lalake ay n...