Chapter 1

79 2 0
                                    

Isang normal na araw para sa isang estudyanteng kagaya ko.Tinatamad akong bumangon sa  higaan ko. Huling araw na rin kasi ng klase ko. Alam mo na, papasok lang para makuha ang huling allowance para kahit papaano may panggastos sa load at pagkain.

Bumangon na ko at bigla kong naalalang magkaklase pala kami ng crush ko sa subject ko sa araw na ito, finals na rin namin. Okay na sa’king nakakasama ko sya paminsan minsan sa paglalakad sa campus o sa hallway para makapunta sa susunod naming klase.

Pagkatapos ng 45 minutes, natapos na kong mag-ayos sa sarili ko. 5:40 ng umaga, maaga pa ko makakarating ng unibersidad namin pero ayos lang. Doon na rin ako kakain ng almusal ko, baka kasi mahuli pa ko sa pagpasok kung kakain pa ko sa bahay.

“Mama, alis na ko!" paalam ko sa nanay ko.

*

“Ateng! Nag-aral ka na ba?” bungad sa’kin ng isa kong blockmate, si Rica.

“Para saan ba ‘yang tanong na ‘yan? Curious ka lang o paniniguradong may makokopya ka sa’kin mamaya?”

“Alam mo ‘yan ateng! Hahahahaha!” sagot naman ni Cherilyn.

“Mga asa kayo. Paupin nyo muna kaya ako ‘di ba?”

“Oh ayan! Maupo ka na! Ano nga, nag-aral ka ba sa Logic? Finals natin ngayon.” Hindi pa ko nag-iinit ang pwetan ko sa upuan ‘yan na naman ‘yang tanong na ‘yan.

“Finals sa Logic? Whatever.” ang sagot ko sa kanila.

“Whatever!? Nag-aral ka?! Yes!” sabay pa ‘tong dalawang ‘to sa pagsigaw.

“Whatever means bahala na. Hindi ako nag-aral.”

“WEH?!”

“Oo nga! Di wag kayong maniwala! Kakain muna ko, manahimik na kayo dyan.”

Nagdadada pa sila pero dinedma ko, ang totoo naman nyan nag-aral ako eh. Trip ko lang sila ngayon.

*

“Challe, andyan na si Lula.” Bulong sa’kin ni Rica.

Dedma lang, kunyari wala lang pero iba ang kabog ni dibdib ko. Ayoko talaga nang ganito, gusto ko na lang magpalamon sa lupa!

“Good morning Rachalle!” bati sa’kin ni Joseph.

Jameson Joseph Lu, ang crush ko simula ng nakita ko sya sa hallway, hindi naman sya ganun kagwapo, chinito nga eh. Hindi ko type ‘yong mga ganung lalake pero nagkacrush ako sa kanya. Parang joke lang nga eh.

“Good morning din Jameson!” para hindi halata, Jameson ang tawag ko sa kanya imbes na Joseph. Alam mo na, pag crush mo instinct na ata na dapat iba ang itawag mo sa kanya.

“Jameson na naman, ang pangit kaya! James na lang kasi!” nakasimangot sya, araw araw naman ganun ang bungad ko sa kanya.

“Parang hindi ka naman nasanay nyan sa’kin! Last day na ng Finals! Baka hindi na nga tayo magkaklase sa susunod sa sem eh.”

“Whatever.”

“Awww! Gay!”

“James! Gay ka na?!” inosente tanong ni Rica.

“Hahahahahahaha! Ngayon mo lang napansin, Rica?!” umalingaw ngaw ang tawa ko sa classroom, nakakahiya! Pero hindi ko talaga mapigilan eh!

“Hindi ako bakla, bahala nga kayo!” ayun, walk out ang peg nya. Eh ang upuan lang naman nya eh nasa likuran ko lang. Dedma na lang sya, nag-aaral kuno sa Logic.

*

Natapos na ang exam namin, maaga pa at ayoko pang  umuwi. Kung hindi man siksikan sa LRT, baka sa MRT sobra, 9:30 pa lang naman kasi ng umaga. Gusto ko man tumambay sa library para makapag-computer ng libre ay hindi na rin posible, bawal na eh. Pauso nila, ang boring tuloy.

“Rica, Che, saan kayo?”

“Uuwi na kami, ikaw ba?” sagot sa’kin ni Cherilyn.

“Tara na, uwi na tayo.” aya ni Rica sa’min.

“Ayoko pang umuwi, parusa eh.”

“Ay, oo nga pala! Siksikan sa MRT nyan mamaya.”

“Oo, sige na. Una na kayo. Ingat kayo ah? See you sa enrolment, text na lang.” niyakap ko silang dalawa at hinalikan sa pisngi.

“Eh saan ka nyan, ateng?” tanong ni Rica.

“Dito na lang, wala naman sigurong magtetest dito eh, tska sulitin ko na ‘yong aircon, bayad ‘to! Hahahaha!” biro ko sa kanila.

“Ang corny mo talaga forever, ateng! Alis na nga kami ni Rica! Bye!”

“Sige! Ingat kayo! Labyu mga atengs!”

Anong pwedeng gawin? Hindi lang naman ako mag-isa sa classroom, wala na rin si Joseph, umuwi na rin ata sya. Natural, last day na eh. Atat magbakasyon.

Dahil ayoko naming tumunganga lang sa classroom, kung saan saan ako naglakad, walktrip mag-isa. Engineering, Educ at pati ata Dent buildings naikot ko na, kahit nakapikit pa ko alam ko na ang bawat sulok ng mga buildings na ‘to.

Napagod na nga ako, nainitan pa. Dapat pala hindi na ko nagwalk trip. Pumunta na lang ulit ako sa classroom ko, wala ng mga tao. Papalamig lang, papatuyo ng pawis, last day na, ayos lang magkasakit.

Nakikinig ako sa kanta sa cellphone ko nang may taong tumakip ng palad nya sa mga mata ko. Hinawakan, hinaplos ko ang mga kamay na nakatakip sa mga mata ko, paniguradong lalake ‘to.

“Jameson, alam kong ikaw ‘yan. Wag mo kong pagtripan, wala ako sa mood.”

Unti unti nyang tinanggal ang mga kamay nya at nagsalita sya, “Grabe naman! Puro na lang si James!”

“Bestfriend! Sorry! Ikaw naman kasi! Akala ko wala ka nang pasok!”

“Bawal bang pumasok kapag natripan ko?”

Nagtatampo sya, niyakap ko na lang sya para matigil na. “Eto naman, nagtampo na! Tara na nga! Nagugutom ako, libre mo ko!”

“Kiss muna!” hirit nya sa’kin.

“Gregory..” pagbabanta ko.

“Joke! Tara na! Gusto ko sa Bem’s sizzling!”

Inakbayan nya ko, hindi naman ‘to bago sa’min dalawa. Simula ata high school kami, ganito na kami kalapit sa isa’t isa. Akala nga ng mga nakakakita sa’min, may namamagitan sa’ming dalawa. Wala naman kaming paki alam doon, sanay na eh.

Gusto sana nya kong sabayan sa pag-uwi ko kaso may exam pa sya, niloko at iniggit lang pala nya kong wala na syang pasok, kapal ng mukha.

Wala naman akong ibang choice kundi mag-isang umuwi. Naglalakad na ko papuntang Legarda station nang may umakbay na naman sa’kin.

“Hi Rachalle! Sabay na tayo!”

“Jameson, ang bigat ng braso mo.”

“Okay lang ‘yan.” Mas lalo pa nya kong inilapit sa kanya kaya lalong bumigat.

Alam mo ‘yon, hindi aware ng crush mo na crush mo sya at wala kang agad na kaibigang mapagsasabihan ng nangyari sayo mamaya pagkauwi mo. Nakakainis! Nakakainis dahil kinikilig ako!

----

Thank you Chelinfinity for the book cover!

Aasa Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon