Chapter 2

75 1 2
                                    

Unang araw ng Summer.

Nakakaurat ang init! Alam mo yung feeling na sana may pasok na lang, at least may pera ka pa at hindi pa mainit sa classroom nyo. At higit sa lahat, walang mag-uutos sa sayo na mamadaliin ka pa.

Nakakatamad bumangon. Hinanap ko ang phone ko at tinignan kung may mga nagtext o nagmissed call man lang. May 14 na messages. Inisa isa ko ‘yon at may nag-iisang text na pumukaw ng atensyon ko.

From: Joseph Lu

Good morning Rachalle! Don’t forget to eat ha? Have a nice day! J

OMFG!!!!!! AS IN OMFFFFFG!!! Nagtext sya! For the first time! Nagtext sya nang hindi nagtatanong tungkol sa assignment o kung saan man!

Pwede na kong mamatay ngayon!

Gaga! Hindi pwede! Baka may pag-asa kayo ni Jameson Joseph Lu mo! Hindi ka pwedeng mamatay! At higit sa lahat walang namamatay sa kilig!

Hala?! Sinasagot na ko ng inner self ko. May point naman di ba?

Ang ganda ng simula ng araw ko. So I texted him back.

To: Joseph Lu

Good morning rin, Jameson! Yup, you too! Thanks!

Ilang minute lang nagreply sya. Yung puso ko! Syet talaga!

From: Joseph Lu

Tapos na kong kumain, ikaw ba? Kain ka na.

To: Joseph Lu

Actually, I’m still cuddling with my pillows. Haha.

From: Joseph Lu

Really? Lazy girl! Hahaha! Kidding!

To: Joseph Lu

I know right? Nakakabored sa bahay. Sana may pasok pa.

From: Joseph Lu

What do you want to do? May aso ka naman eh, igala mo na lang.

To: Jameson Lu

Sabagay kaso ang lungkot naman nun! Hindi ko naman makakausap ang aso ko eh!

From: Joseph Lu

Try mo, baka sumagot. Alam mo na, you have the power to make people to talk to you, like what you have done to me. Malay mo magwork sa aso mo. Hahahahaha!

Ano daw? I have the power to make people to talk to me, like what I have done to him. Ano ‘yon? Anong ibig sabihin nya dun? Hindi ko na lang sya nireplyan.

Dahil siguro sa nangyari sa’min kahapon, nung sabay kaming umuwi.

*

Mas inakbayan pa nya ko para mas mapalapit sa kanya. Saka nya lang ako binitawan nung kailangan ng icheck ng guards yung bag namin, hindi naman kasi pwedeng sabay kami dahil may sariling pila ang mga lalake sa mga babae. Pero nung natapos kami dun, inakbayan na naman nya ako habang paakyat kami ng hagdan, grabe lang talaga, dinaig pa namin ang magboyfriend talaga dahil sa ginagawa nya. Sanay na kong inaakbayan pero kasi iba sya eh. May gusto ako sa kanya, pilit ko talagang hindi nilalagyan ng malisya kaso sa mga tingin ng mga tao parang hindi ko maiiwasan eh.

“Jameson, tanggal na please.”

“Oo na! KJ mo naman! Wala naman akong B.O. eh.” Sabay amoy pa sa kili kili nya, wala naman talaga. Kaso nga, nakakailang.

Nasa LRT na kami nung tinanggal nya ang pagkakaakbay nya sa’kin, hindi sya umiimik. Normal yun, hindi naman sya pala-imik lalo na pag sa’kin.

“Saan ka nga pala magbabakasyon?” ako na ang unang umimik, ang awkward kasi.

Aasa Pa Ba?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon