Poem #1 - "Ayoko Na"

189 4 1
                                    

Poem# 1

AYOKO NA

Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Simula pa lang tinataboy mo na ako.

Pero bat ganto, umasa pa din ako?

Yan tuloy durog na durog na ang puso ko.

Simula pa lang ng klase, nakuha mo na ang atensyon ko.

Matalino, maputi, mabait, yan ang nakita ko.

Di pa kita kilala pero may nadarama na (yuck corny! HAHA)

Ano ba tong puso ko, sabi ko wag magpakatanga.

Lumipas ang mga araw, ako'y napapakilig mo.

Simpleng nagkatitigan lang tayo, kumpleto na araw ko.

Di man tayo naging malapit sa isa't-isa,

di pa din ako nawawalan ng  pag-asa.

Ngunit ng malaman kong may gusto kang iba, nako patay na.

Dito na mararamdaman ang sakit at lungkot, ayoko na.

Pero bat ganun, mahal pa din kita?

Madami ng  nagsasabi "Oy wag kang magpakatanga"

Mga kaibigan ko ay nagaalala na sa akin

Sinasayang ko daw ang luha ko sa taong di ako mamahalin.

Tama nga ba sila, dapat ko ng itigil to?

O itutuloy ko pa din kahit nasasaktan na ang puso ko.

Tama na siguro. Sobra na ata to.

Grabe na ang sakit na nadama ko dahil sayo.

Sinasayang ko pagmamahal ko sa taong tulad mo

Nako naman, nananaginip ba ako?

Magsama kayo ng babaeng yun, tutal sya ang gusto mo.

Pero sana malaman mo ikaw ang nawalan di ako.

May mahahanap din akong iba, bahala ka sa buhay mo.

Ako ngayon ay magpapaalam na sayo.

Napilayan na ako, umiyak, nasaktan, dahil sayo. (Totoo to. Napilayan ako dahil sa kanya. T__T)

Sa tingin mo di pa ba sapat to?

Todo effort nako para sayo.

Manhid ka talaga, ewan ko sayo!

Basta eto lang ang tatandaan mo. 

Wala na  akong gusto sayo,

ayoko na pagod na ang puso ko. (Wala na nga ba? HAHA)

Maghahanap na lang ako ng taong mas deserving kesa sayo.

*BOW*

Original Poems Collection by MissAlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon