Must read

7.3K 55 1
                                    

Matt Alexandria Grey

Isang batang mabait, masunurin, mapagmahal at minsan may pagka pilya rin.

Nag iisang anak ng mag asawang sina Mr. Matthew Grey at Mrs. Alexandra Grey.
Hangad ng magulang niya ang kanyang magandang kinabukasan kung kaya't di man ganun karangya ang kanilang pamumuhay, pinag aral parin nila ito sa isa sa mga mamahaling paaralan sakanilang lugar.

Mababait naman ang kaniyang magulang. Ngunit may pagka istrikto din kung minsan. Natural lang naman yun sa mga magulang. Nais nilang humigit pa si Matt sa kung ano man ang narating nilang mag asawa para narin ito sa future niya kapag siya'y nagka pamilya na.

Kung nag tataka kayo kung bakit ang apelyedo nila ay pambanyaga, kasi ganito po yan.
Yung tatay ni Matt purong amerikano, tapos purong pinay naman yung nanay niya. Nagkakilala silang mag asawa noong nag trabaho sa ibang bansa ang kanyang nanay. Nung naging mag asawa na sila ay minabuti nilang sa pilipinas nalang manirahan tutal wala naman ng kamag anak doon ang tatay ni Matt. Yumao na kasi ang mga magulang nito.

Kaya sa madaling salita, sa pinas na talaga sila tumira at dun na ipinag buntis si Matt ng kanyang ina hanggang sa ito'y manganak na.
Tagalog talaga yung salita nila di ingles at yung tatay ni Matt magaling narin mag tagalog.

Konti lang ang nakuha ni Matt sakanyang ina. Halos lahat ay sa tatay niya. Matangkad na maputi, matangos ang ilong, medyo makapal na kilay, mapupulang labi, at kulay tsokolateng mata. All in all diyosa siya. De JK, maganda siya. OA na kung diyosa diba? 😂

Sa school naman nila ay may dalawang kaibigan si Matt. Sina Miles Dawson Adams at Steven Tucker Young. Tulad niya may halong banyaga rin ang mga ito. Dalawa lang sila ni Miles ang babae tapos syempre si Steven lalaki. Pero little did they know, lalaki rin pala yung dalawang magagandang dilag na'to.

Hindi naman kasi halata maliban kay Matt na parang lalaki kung mag damit pero mahaba parin naman ang kaniyang buhok. Mahilig kasi ito sa pants, shorts at loose Tshirts. Hindi tulad ni Miles na babaeng babae kung manamit kaya hindi halata.

Parehas naman silang out sa pamilya nila at sa iba pang nakakakilala sakanila. Ayos lang naman kasi sa magulang nila, dun sila masaya e. Basta wala daw silang ginagawang makakasama sakanila at walang matatapakan na iba ay okay lang atsaka dapat alam nila kung hanggang saan lang sila.

Si Steven naman, lalaking lalaki yan. Dami ngang chix e. Pero mabait naman yan. Matulungin at palaging nakaprotekta sa dalawa niyang kaibigan. Babaero nga lang talaga. Wala e, pogi problems daw. Kapal no? Sarap ihampas. 😈

Lilinawin ko lang po si Matt at Miles ay Bi-sexual. Tapos si steven naman ay lalaking lalaki.

Yan lang po muna. Pinakilala ko lang yung ibang characters dito sa kwento. Next napo yung POV ni Matt tapos sa susunod po yung sa iba pang character na bubuo ng story na 'to. Puro POV nga po pala ni Matt ito. Sa susunod ay sa iba naman basta kung may chance po na pwede silang magkaroon ng sarili nilang POV, ay lalagyan ko po. Para po hindi magulo. Basta sunod sunod na po yan pero sa ngayon eto muna. 😊 So kitakits po tayo sa first chapter! 😊

The Girl Next Door (GirltoGirl)Where stories live. Discover now