Blake
"Now, what debt are you talking about?" agad kong tanong nang makahanap kami ng nesa dito sa isang sikat na coffee shop, malapit sa company.
"Pwede ba umorder muna tayo,? Gutom na gutom na ako, kakahanap ng opisinang iyon." reklamo naman niya sa akin.
I sigh.
"Oh, ano bang order mo?" tanong ko.
"Ahm, Special Cappucino with whipped cream na lang. Saka ano Blueberry Cheesecake." sabi naman niya.
I roll my eyes at pumunta sa counter.
"Yes Sir. What's your order po?" tanong naman sa akin ng babae sa counter.
"Special Cappucino with whipped cream, saka blue berry cheesecake for that girl, and for me. Black coffee lang." sagot ko naman.
"Ahm, ano pong ilalagay kong pangalan para po sa order?" tanong ng babae.
"Blake and... Ano nga ulit ang pangalan nung babaeng yun? "XYZ na lang. I forgot her name e."
Bumalik na ako sa table, matapos kong bayaran ang mga order namin.
"Asan na yung kape ko? Ang tagal-tagal mo dun e, tapos babalik ka rito ng walang dala?" bunganga agad ng babaeng ito.
"Ngayon ka lang ba nakapasok dito? At hindi mo alam ang mga policy. Just wait okay?" Kunot-noo kong sabi. "Can we just talk about your reasons and my 'debt' in you, while we wait?"
"Ahm, sige... Basta ba handa ka e. Ahahaha." Parang baliw siyang tumawa.
"Then, say it. Spill it, you know, I'm a busy person. I don't have much time to –
"To spare?? Buti ka nga, yun lang ang problema mo. Eh, ako? I don't have much time to live." putol niya sa sasabihin ko dapat.
Pero ano daw? She doesn't have enough time to live?
"What kind of joke is that?" I said while laughing. "Seriously, are you some sort of a con-artist? Iyon ba yung dahilan kung bakit ka nanggugulo ng buhay na may buhay? My god, just live your life."
Tahimik niya lang akong tiningnan ng masama.
"What? Do you really think, I will believe you?"
Bigla siyang tumawa. Nguni't may tumulong luha sa kaliwa niyang mata. Napakunot-noo naman ako.
"Tama ka! Mahirap ngang paniwalaan. Kahit ako rin nung una, hindi ako naniwala. Pero wala e. May mga ebidensya sila. Yung mga doktor na iyon, na sinasabing wala na akong pag-asa. Hahahaha." sabi niya.
"What are you talking about?" tanong ko. Kasama pa rin ba yan sa pag-aacting niya?
"Ano ba sa tingin mo?! Hindi ba malinaw mamamatay na ako! At kasalanan mo kung bakit ko nalaman na malapit na akong mamatay!!"
Namayani ang katahimikan sa aming dalawa.
"Black coffee for Blake and Special Cappucino with whipped cream and blueberry cheesecake for XYZ."
Gumuhit ang pagtataka sa mukha niya, pero di ka na iyon pinansin at pumunta na lang sa counter para makuha ko na yung order namin.
Bumalik ako sa table.
"So, please explain, Miss XYZ." sabi ko sa kanya at inabot ang order niya.
Umupo akong muli sa upuan at hinintay siyang magpaliwanag.
BINABASA MO ANG
My Dying Lady
RomanceAno ang gagawin mo kapag nalaman mong one of these days, mamamatay ka na? Wala kang pamilya, walang kaibigan, at walang lovelife! walang makikuranay sa burol mo! Kaya naman, gumawa ako ng paraan para masaya ang nalalabing araw ng buhay ko. Ako...