II: On the Rooftop

3 0 0
                                    

Xyrel

"Yvette, yung table number 3, serve mo na ito." tawag sa akin ni Joel, ang headchef ng Restocrats.

Oo, kahit na dalawang linggo akong hindi nakapasok dito, tinanggap pa rin ako ng may-ari. Hindi ko pa naman nami-meet yun, si Joel lang yung nagsabi sa akin na tanggap pa rin naman daw ako. Well, at least mabait sila sa akin kahit na masama ang ugali ko.  Wahahaha.

Kinuha ko na yung dalawang plate at nilagay sa tray.

"Ma'am,Sir. Here are your orders. Enjoy eating po." may enthusiasm kong sabi.

Kailangan kasi masaya ka lagi dito, pleasing personality lalo na't puro mayayaman ang kumakain dito. Isang maling galaw mo lang at hindi ka nila nagustuhan, pwede yun ikasama ng restaurant mismo at pati na rin ng may-ari.

Marami pang lumipas na oraa at sold out na lahat ng ingridients nguni't marami pa ring tao. Rude naman kung palalayasin namin sila.

"Wala ng ingridients Joel." sabi ko.

"Ah,  paano yan?" nag-aalalang tanong niya.

"Gusto mo ba bumili na lang ako? Malapit lang naman,  mga 10 kanto." sabi ko.

Tumungin siya sa akin at umiling-iling. Baka masakit na yung leeg niya kasi ilang oras na rin siyang nagluluto.

"Sure ka ba? Gusto mo samahan kita?" tanong niya sa akin.

"Ay, huwag na nagluluto ka e. Ako na lang kaya ko na yun."

Di ko na hinintay yung sagot niya at lumapit na ako sa cashier para humingi ng pera pambili ng ingridients, at siyempre pamasahe ko.

_____

Dala-dala ang isang bayong, pumunta na ako sa palengke. Bumili ako ng ganito, ng ganyan, ng ganoon, ng iyan, ng iyon, at ng ito.

Napagod din ako makipagsiksikan sa mga tao at kargador sa palengke.

Awa naman ng Diyos ay buhay at buong-buo pa akong nakalabas.

Bumalik na ako sa resto at binalik yung limang pisong sukli sa cashier kasama ang resibo.

Napagod ako sa buong araw na iyon kaya hindi na ako nag-OT.  Pagpatak ng alas-otso, umuwi na rin ako.

_____

Nga pala, nung nalaman kong mamamatay na ako, naging close kami ni Manang, yung may-ari ng tinitirhan ko.  Pero ganon pa rin siya, strikto pagdaging sa petsa ng pagbabayad.

Napagpasyhan kong maglakad na lang. Mga 5 pasikot-sikot lang naman ang layo ng bahay mula rito e.

Habang naglalakad, ay di ko maiwasang pagmasdan ang mga bagay-bagay na nakikita ko. Tulad na lang ng mga puno, mga bulaklak, ang mga kumikinang na bituin sa langit.

Ito lang siguro ang magandang naidulot ng pagkakaroon ng taning, natututo kang maka-appreciate ng mga bagay-bagay.

Biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Pero di ko naman alintana, pati kasi ulan, na-appreciate ko.

Kaso biglang humila sa aking braso at hinarap ako sa kanya.

Nanlaki ang mata ko sa taong nakita.

_____
Blake

Umalis si XYZ at walang lingun-lingon na naglakad palayo. Naiwan akong mag-isa sa mesa, hawak-hawak ang sobreng binigay niya.

Kahit di ko naman iyon buksan, alam kong pera ang laman nito. Bayad niya sa akin dahil binayaran ko yung bill niya sa hospital.

Pero yung sinabi niya hindi nawala sa isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Dying LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon