CHAPTER 7: Condominium

19 1 0
                                    

Sammy POV

Nagising ako na hawak yung Iphone ko. Naalala ko na katext ko pala sila Lulu, Nica at Belle na busy gumawa ng research paper.

Di daw sila nakadalaw dahil madami silang ginagawa pero concern naman sila. That's what I like in our friendship, kahit busy at may iba't-ibang prior activities ay di kinakalimutan ang isa't-isa.

Babangon sana ako nang may makita akong Sticky note sa table ko.

Hey Sammy :)

Smile ka muna. Itext mo ako kung bababa ka na, mga 10am daw pupuntang Airport yung parents mo. Di ka na nila inistorbo kasi ang himbing ng tulog mo. Kaya sinulatan na lang kita. :)

~Joshua

Ang Sweet niya ha? Itext ko nga muna.

To: Nerdy Geek

Gising na ako. Ihatid mo ako sa Airport after magbreakfast. Gusto ko makita sila Mom and Dad bago umalis. Thanks.

Message Sent.

Bling. Ringtone nang phone ko, nagreply pala sya.

From: Nerdy Geek

Wala man lang Good morning? Ge on the way na ako. Dito kasi ako sa condo ko. I'll be there in 10 minutes.

Doon sya natulog sa unit nya? Eh gabing gabi na kami natapos manuod ng movie ah?

To: Nerdy Geek

Umuwi ka sa unit mo? Sino ang nagsulat ng sticky note sa table ko?

Message Sent

Sunod sunod na tanong ko

Bling. One message received

To: Nerdy Geek

Umuwi ako kanina kasi may nakalimutan ako sa unit ko. Nakasabay kong magbreakfast ang Mom and Dad mo. Nasa office sila ngayon may inaayos pang files and document. 3 minutes na lang nandyan na ako.

Binasa ko yun at naiinis ako kila Mommy kasi di man lang nagpaalam sa akin. Ano ba namang klaseng anak ako? Psh.

Calling....

Hala tumutunog phone ko.

Hello?

[Mejo traffic kaya wait mo lang ako. Tinawagan ko na si Lulu at susunod sya jan sa room mo. Ikaw muna bahala sa sarili mo para pagdating ko ay ready ka nang umalis.]

Okay. Matagal ka pa? Maliligo na lang ako. Later na lang ako magbebreakfast.

[Baka abutin ako ng 10 minutes. Are you okay? May masakit ba sayo?]

Wala naman. I'm fine, sige na nandito na si Lulu. Bye ingat.

[Okay.]

*Toot Toot*

Psst!! Besty! Namiss kita. -sabi ni Lulu na naiiyak na at yumakap sa akin.

Ako din! Kamusta ka na? Hindi mo man lang ako dinalaw kahapon. -sabi ko na may halong pagtatampo.

Sorry besty. Wala akong time kasi rush hour pinapasa yung research work.

Alam mo naman si Mr. Reyes ayaw late magpasa ng activity. Bihis ka na at mamaya ka na magexplain. -sabi nya habang inaalalayan akong tumayo at pumunta ng restroom.

Tinawagan ka daw ni Josh? -tanong ko

Yup. Magdedress ka ba? San dito ang susuutin mo? -tanong nya.

A MAN THAT I DESERVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon