Nica POV
Nandito na ako sa Philosophy class ko, since hindi ko naman classmate sila Belle, Lulu at Sammy dito kaya alone lagi ako.
Di ako nakikipagclose sa mga ibang girls kasi masyado silang mean at yung iba ay feeling brainy. BS-Math yung kinuha ko kasi puno na yung slots sa Accountancy.
Hindi kami block section like nila Sammy, pero masaya naman sa klase namin when it comes sa pagtuturo at activities.
Hey Nica! Alam mo na ba na si Daryl ang representative ng section natin? -Sabi ni Mandy
Hah? Si Daryl? Sino partner niya? -Tanong ko sa kanya
Oo nga pala, ultimate crush ko si Daryl Marquez kasi sobrang galing niya pagbasketball at pagsolve ng Math problems.
Tinuring siya na Mr. Genius kasi sa angking talino at galing sa klase. Yun nga lang may pagkamayabang siya kaya minsan naiinis ako sa kanya pero isa lang naman ang gusto ko eh, ang MAPANSIN niya.
Si Margaut daw yung bagong cheerleader. Balita ko nga nagdadate yung dalawa last few days, though ang alam ng lahat ang gusto talaga ni Daryl ay si Samantha Yoon pero di ko alam bakit bumaba yung taste niya! -Sabi ni Mandy
Dakilang chismosa ng section namin si Mandy pero lahat naman ng tsismis niya ay tama at may pinaghuhugutan talaga.
Di ako makakapayag na si Margaut yung magiging partner niya pero di ko dapat kalabanin si Sammy.
Nica andyan na si Prof. ayos ka na ng upo. -sabi ni Mandy
Okay class are we all in? Or there are still students outside? -Prof Magorium
Mr. Marquez and his group are still in gym Sir. -Mandy
Okay thank you. Now let's start our lesson for today. What is our previous topic, if you remember? -Prof. Magorium
Nakikinig lang kami sa lesson niya ng biglang pumasok yung grupo nila Daryl at nagulat ako ng may mga pasa yung mukha nila.
Mr. Marquez why are you late? -sabi ni Prof
Sir sorry kasi may importante kaming ginawa. -Sabi ni Ian yung isang kaibigan niya
Ginawa? So tell me what is that important thing? -Mejo pataray na tanong ni Sir
Wag kayong maingay ha? Pero may pagkabading kasi itong si Sir eh kaya wala nakakatakas sa kanya. Palibhasa matandang binata.
Okay let's talk later, please proceed to your seats now! -Sabi ni Sir
Naku si Sir kahit kelan talaga lagi na lang dinadaan sa init ng ulo. -_________-
Why are you looking at? Sabi ni Da--DARYL???
Muntik na ako mahulog sa kinauupuan ko sa sinabi niya sa kakaisip ko kay Sir ay di ko namalayan na nakatingin ako sa kanya.
Hah? I'm not looking at you ah! Wag feeler! -then I rolled my eyes
Hindi daw eh mukhang pinagnanasaan mo ako sa utak mo! -Sabi niya
Sabi ko nga mayabang siya diba? Psh.
Alam mo sa sobrang feeler mo mapupuno na yung Cattleya notes ko! Kung ano man yung iniisip mo ay nagkakamali ka! Tse. -Sabi ko sa kanya
Talaga lang ah? Siguro gusto mong ikaw yung maging partner ko sa darating na Foundation Day no? Okay lang naman sa akin kung mapapalitan mo si Margaut sa pwesto niya na mapagpantasya sakin. -Sabi niya sabay wink sakin
Kung dati ay kinikilig ako sa pagngiti at wink niya sa karamihang mga babae. Ngayon inis na inis ako na magsalita siya dito sa tabi ko!
Kung hindi din naman makapal yung mukha mo Mr. Marquez? Anong akala mo sa akin? Mapapatol sa mga panget na katulad mo? No way!!!
BINABASA MO ANG
A MAN THAT I DESERVE
RomanceThis is the story for those who are waiting for someone they deserve :)) Enjoy reading.