Alexa's POV
Nakatulala lang ako sa may terrace mula nung umalis si Erik. I can't belive this is happening to me. I never thought na magiging ganito ka komplikado ang lahat.
Na sa huli, kailangan kong pumili. At alam ko kahit anong gawin ko may isa pa ring masasaktan sa kanilang dalawa.
Grabe naman kasi si kupido e!
Tatlo pa kaming tinamaan ng pana, tuloy ang gulo-gulo ngayon!
Sinusubukan ko na lang ngumiti pero deep inside yung utak ko, sasabog na kakaisip. Yung puso ko naman, kailangan na ng pain reliever kasi nasasaktan na nang sobra.
Tumingin ako sa kawalan at sinubukang mag-isip pero kahit anong gawin ko, wala talaga.
Blangko.
Ilang minuto pa, may dumaang tricycle. Yung mga tipong may malalaking customized speakers na daig pa yung nagpa-party sa sobrang lakas ng mga tugtog. Oo yun mismo. Yung tipong malayo palang sila rinig mo na yung soundtrip nila. At parang nananadya pa kamo si manong driver dahil sa tugtog niya. Alam niyo kung ano?
♪♫ ♪♫ ♪♫
Bakit kaya mapagbiro ang tadhana?
Bakit kaya pagdating niyo ay sabay pa?
Pareho ko kayong gusto, isa lang aking puso
Di ko naman kayang pagsabayin kayoBakit kaya sa twing nag-iisa
Pareho ni’yong mukhang ang nakikita?
Tinamaan nga kaya sa inyong dalawa?
Kaya ang puso ko ngayo’y sasabog na (sasabog na)♪♫ ♪♫ ♪♫
At alam niyo yung mas nakakainis dun, huminto pa siya sa mismong harap ng bahay namin! As in sa pinakaharap!
Tokwa! Nasiraan pa ata si manong driver! -.-"
Kaya ayun, mga ilang minuto rin akong nag soundtrip sa Pusong Lito ni Myrus.
♪♫ ♪♫ ♪♫
Ang puso ko’y nalilito
Nalilito kung sino sa inyo
Ang isip ko’y gulong-gulo
Gulong-gulo kung sino sa inyo
Sino ba sa inyo ang pipiliin ko?
Dalawa ang sana ang puso ng di na malito oh♪♫ ♪♫ ♪♫
Buti na lang at ilang sandali pa ay umalis na rin si manong. Naku kung hindi talaga, joke! Hehe. Anyway, akala ko balak pa niyang tapusin yung kanta e.
-__-"
Pusong Lito. Tignan mo nga yung tadhana, mapaglaro na nga, nananadya pa.
Kung pwede nga lang dalawa yung puso mo diba? Kaso hindi.
Yumuko ako at dumukdok sa table hanggang sa maramdaman ko may umupo sa harap ko. Si mama.
Hindi siya nagsasalita but I know she knew. Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan yung kamay ko. I hugged her and she hugged me back, tighter.
Hindi ko na napigilan at unti-unti tumulo na yung mga luha ko.
"It's okay, everything will be fine," bulong ni mama sa akin. Feeling ko nung mga oras na yun, mas lalo pa akong napaiyak.
BINABASA MO ANG
A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)
RomanceHe's an all time player. Wala pa siyang sineryosong babae. She's the ultimate manhater. Nang dahil sa isang pangyayari, umiwas na siya sa mga lalaki. He likes to play games. But she already knows all the rules. Ano nga kaya ang mangyayari kapag pin...