Chapter 41 - Stay.

3.8K 39 17
                                    

Ian's POV



"Pero bago ang lahat Alexa, may gusto sana akong ipagtapat sa'yo.." - sabi ko sa kanya.

.....

Nakita ko na naging seryoso yung mukha niya. 

Kinabahan ata siya sa mga sinabi ko. Napainom rin kasi siya sa shake na nasa harapan niya.

Haha. Nakakatuwa talaga siya. Napaka-cute niya. 

Nakita kong iniintay pa rin niya kung ano ba yung sasabihin ko.

Iniisip ko kasi kung dapat ko bang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko.

Huminga ako ng malalim. 

Wew!

 Yeah.

I know.

Hindi naman ako yung gusto niya.

....

At kahit sabihin ko, alam ko naman na isa lang yung magiging sagot niya.

Ayoko rin naman na masira yung pagkakaibigan namin. 

And yes,

nakapag-desisyon na ako.

Okay na ako sa ganito.

Masaya na ako basta makita ko lang siyang masaya.

Kahit na hanggang ganito lang kami.

Hanggang magkaibigan lang....

....

"Ano ba kasi yung ipagtatapat mo? Kinakabahan tuloy ako e." - tanong niya sa akin.

Ngumiti lang ako.

"Nakakatuwa ka talaga. Wag mo ngang masyadong seryosohin yung mga sinasabi ko." - sagot ko naman sa kanya.

A Player + A Manhater + A DARE = TROUBLE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon