KATHRYN’s POV
"Ahem,Ate Kath, uy, ba't namumula ka? Kinikilig ka no?!" ano kaba Sam! Hindi kaya ako kinikilig! Sinong kinikilig?
“H-ha? Wala naman ah! A-ano ka ba Sam” sagot ko naman.
“Aysus! Heto naman, nahihiya pa. It’s okey lang naman eh. Diba HE’S YOUR BOYFRIEND NAMAN?” ayy -_- Hindi niya pala alam.
“O-oo nga, p-pero that’s not a reason para kiligin ako noh” and I will never ever be especially to that Monster . Duh!
Mukhang hindi na talaga ako kayang kumbinsihin ni Samantha na kinikilig kuno ako kaya gumive-up na siya at iniwan na akong mag-isa sa silid na to. Hindi ko naman siya masisisi dahil syempre malayo siya sa lugar ng mga tao at lage lang nakakulong dito sa mansyon.
For a 14 years old girl like her, imposibleng hindi pa siya nagkakaroon ng “Puppy Love” sa kapwa niya bampira. I mean hello, Edward Cullen at Damon Salvator nga, ang gagwapo! Okey, enough with Samantha, siguro kailangan ko munang isipin yung napanaginipan ko, ano kaya ang ibig sabihin nun? Simula nung pumunta kami sa VampCula Resort, nagkakagulo-gulo na ang buhay at isipan ko. At di ko na alam kung paano makakatakas sa sitwasyong ito.
END OF POV
Meanwhile…
JULIE’s POV
“Uy Julie, kumain ka naman oh, tingnan mo nga, nangangayayat ka na” sita sa akin ni Ella. Nandito kami ngayon sa restaurant ng Resort para kumain ng breakfast pero wala akong gana.
“Sino ba naman ang hindi mangangayayat diyan eh yung bestfriend niya nawawala. Julie naman, kaibigan din namin si Kath noh at nag-aalala rin kami sa kanya, magtiwala nalang tayo na matatagpuan siya, at huwag mong pahirapan ang sarili mo nang ganyan, kami tuloy nag-aalala sayo” kumuha si Ranz ng fried chicken at kanin tsaka nilagay ang mga ito sa plato ko.
“Sorry guys pero wala talaga akong gana eh. Nasaan kaya si Kath ngayon? May kinakain ba siya? Sino kayang kasama niya? Hayy L” habang iniisip ko yung mga nangyari nung mga nakaraang araw feeling ko tuloy napakapabaya kong bestfriend, nagpromise pa naman ako sa Mama niya na magiging safe siya dito pero anong ginawa ko.
Uminom lang ako ng tubig at tsaka iniwan ko na sila sa table, pinigilan nila ako but I insisted. Gusto kong mapag-isa, I need to refresh my mind. After all these years, so far ito ang worst summer ever.
KATHRYN’s POV
Dahil wala akong ibang magawa kakatunganga dito sa kwarto nila, napagdesisyunan kong maglibut-libot nalang sa Mansyon, para naman makabisado ko na ito at hindi na ako maligaw. Napansin ko rin na wala silang ibang kasama rito sa mansion, butler o katulong, wala bang naglilingkod sa kanila sa ubod ng laki na bahay na to?
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Vampire?!? [Black Rose] (KathNiel)
FantasyEverything happens for a reason. Kahit kailan hindi mo makokontrol ang kapalaran. Hindi mo maiiwasan ang sugo nito. Either it'll make you BETTER or WORST. Kathryn is just an ordinary girl with wild dreams. She does not believe in any mythical nor f...