Author's Note: Sa wakas! Nakapag-update narin! I would like to dedicate this chapter to my MOST FAVORITE VAMPIRE AUTHOR direk_whamba- na kung kilalalin ay "MOTHER VAMPIRE"
Thank you and God Bless!
So eto na!
=====================================================================
Chapter 8:
*Dream*
Kathryn POV
Marahan akong bumangon mula sa aking pagkakahiga. Nilibot ko ang aking tingin sa loob ng silid kung saan ako nanatili.
T-teka, hindi ito yung silid nina Daniel ah?! Makaluma ang disenyo nito.
Nasaan ako?!
Nasaan sila Daniel at Samantha?
Hindi ko maipaliwanag itong nararamdaman ko.
Para akong nahihilo, umiikot ang aking paningin, pero isa lang ang aking nasisiguro.... UMAAPOY ANG KWARTO!
Malaimpyerno dito! Mabilis na nilalamon ng apoy ang kisame gayundin ang pintuan. Nagsisibasag na rin ang mga salamin ng kisame.
Kailangan kong umalis dito kung hindi ay masusunog ako!? Mabilis kong nilibot ang aking paningin at nasapo nito ang terrace. Oo tama, ang terrace. Malapit na sana ako nang may narinig ako na tinig.
"Gising ka na" may kung anong nagsalita mula sa sulok ng kwarto.
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses.
Hindi ko masyadong maklaro ang mukha niya dahil mas nangunguna ang dilim na siyang tumakip sa mukha niya pero dahil sa kanyang boses, nasisigurado akong lalake ang kaharap ko ngayon.
"S-sino ka?" pangangamba kong tanong sa kanya. Di kaya..... BAMPIRA RIN SIYA??!!
Daniel, nasan ka na ba?
Bahagya siyang lumapit sa aking hanggang isang metro nalang ang layo naming sa isa't isa. Ngayon, naaninag ko na ang mukha niya. Mukhang nasa mid-30's na ata siya. Maayos kung tumindig, may histura naman.
"Sigurado ka bang hindi moko kilala?" aba, ibinalik pa ang tanong sakin? Yung totoo!
"H-hindi kita kilala!" sigaw ko sa kanya. Ano ba to! Lalung umiinit ang buong paligid dahil lumalaki na ang apoy. Bakit ba ako nandito?
"Ow, kung yan talaga ang nasa isip mo, hindi kita mapipilit. May gusto lang akong ipaalala sayo..." humakbang siya papalapit sakin ako naman, humakbang patalikod. Maamo ang kanyang mukha pero kitang kita dito na wala itong emosyon.
"L-layuan mo ako!" pilit ko siyang pinalalayo dahil sobrang lapit na niya sa'kin.
Ngumisi siya, isang ngiti na makahulugan pero di ko maipaliwanag kung anong ibig sabihin nun. Lumapit siya sa tenga ko. Di ko magawang magpakalayo dahil para akong naeestatwa. "Hindi lahat ng nakikita mo ay paniniwalaan mo na,minsan, yung taong nasa tabi mo ay nasa likod mo na pala, wag ka masyadong pumunta sa harap, baka saksakin ka nito sa likod" at tuluyan na niyang inilayo ang mukha niya sa'kin.
H-huh? Di ko masyadong magets yung sinabi niya. Puwedeng pakiulit. Hindi masyadong nasisink-in sa utak ko yun.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Vampire?!? [Black Rose] (KathNiel)
FantasiEverything happens for a reason. Kahit kailan hindi mo makokontrol ang kapalaran. Hindi mo maiiwasan ang sugo nito. Either it'll make you BETTER or WORST. Kathryn is just an ordinary girl with wild dreams. She does not believe in any mythical nor f...