Black Rose-Chapie 10.*Mysterious*

2K 54 8
                                    

A/N: Kyaaaah! Nagsipag mag-update si ako ^_^ Tsaka pala, sa mga nagsasabi na gumawa raw ako ng " Update Schedule" para malaman niyo kung kelan mag-aabang sa update. Heto lang masasabi ko, wala po akong siguraduhan kung kelan talaga ang exact date ng update kasi kasalukuyan akong gumagawa ng Draft sa upcoming kong OneShot Story. Pero if willing talaga kayong maghintay, maybe after 1-2 weeks akong makakapag-update ^^ Ok lang ba? Kung hindi, you can now exit at huwag basahin ang story ko. :)

**

Narrator's POV

Kasalukuyang nasa sala silang apat- sina Samantha, Kath, Daniel, at Damien.

Tahimik lang sila dun at pinapakiramdaman ang isa't isa. Feeling tuloy ni Kath mababasag na ang eardrums niya dahil sa lakas ng katahimikan. Hindi rin niya aakalain na pinapalilibutan pa siya ngayon ng tatlong bampira.

Aamin niya na nagagwapuhan siya kay Damien, bukod rin dito, maayos ang kanyang tindig at ibang iba kay Daniel. Pero may kung anong aura ito kaya kinikilabutan siya sa tuwing tumitingin siya kay Damien.

"What do you want? Buti naalala mo pa na may mga kapatid ka rito, after the time you sabotage the most important event of my life" parehong nagulat sina Samantha at Kath sa biglang pagsalita ni Daniel.

Oo kwela at makulit si Samantha, pero sa mga sitwasyong tulad nito, alam niyang dapat siyang magseryoso, alam din niya ang alitan sa pagitan ng dalawa niyang mga kapatid. Si Kath naman, hindi niya alam pero ngayon lang niya nakita ang ganitong side ni Daniel.

Palagi lang kasi itong nakapoker-face pero ngayon, pulang pula na ang mga mata nito at anytime pwede na niyang sugudin si Damien dahil sa galit.

"Oh c'mon little bro, ganito ba ang isasalubong mo sa Kuya mo? You're indeed pathetic. What? Sakin mo parin sinisisi ang pangyayaring yun? Remember.......

Nawala siya nang dahil sayo" binigyan ni Damien si Daniel ng nakakalokong ngiti.

Napakamisteryoso niyang bampira at ni ordinaryong bampira ay walang gustong makisalamuha sa kanya.

Tanging ang makulit lang niyang kapatid na si Samantha ang nakakapag-usap sa kanya nang normal.

Si Damien din ang may-ari at nagmamanage sa isa sa napakalaking resort sa bansa- ang "VampCula Resort", ang resort kung saan nagbabakasyon sina Kath at kanyang barkada pero sa isang iglap ay nawala siya. At heto siya ngayon, kasama ang mga nilalang na di niya akalain ay totoo.

"Opps opps opps! Steady lang kayo diyan Oppas ha, baka kung saan pa mapunta yang titigan niyong yan. Past is past na nga diba!" umawat si Sam sa dalawa dahil baka san pa mapunta iyon.

Si Kath naman, tahimik lang na nakaupo sa tabi ni Daniel dahil ayaw niyang manghimasok sa kung anong problema nila. Baka kung ano pang lumabas sa bibig niya at sa kanya pa mabaling ang atensiyon nila.

"Damn it! I'm outta here" tumayo si Daniel at lumabas ng mansyon, nagulat naman si Kath dun kaya mabilis siyang sumunod sa kanya.

My Boyfriend is a Vampire?!? [Black Rose] (KathNiel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon