Chapter One

99 2 0
                                    

Di-nial ko ulit ang number ni mama. Pero gaya nung nauna kong tawag, dumerecho lang ito sa voice mail niya. Napa-buntong hininga ako sabay ngiti nang marinig ko ang recorded niyang boses, na sobrang masaya. Balang-araw, mag-ccruise trip din ako. Pero mag-isa lang, hindi muna ako mag-aasawa. Ah. Hindi muna ako mag-aasawa habang hindi pa 'ko nakakapag-travel around the world. Okay, so maybe around Asia lang. Baka senior citizen na 'ko hindi ko pa rin yun magawa, sayang naman ang genes.

Wooh, yan ang confidence! Push mo yan teh!

Tsk. Panira talaga ng moment 'tong konsensya ko. Oh well. At least bumalik na 'ko sa present situation ko. Which is... Nakatayo ako sa harap ng isang lumang building na parang hindi talaga mukhang dormitoryo. Sa totoo lang, mukha itong setting ng isang action movie, kung saan dinadala yung kinidnap na bida.

"Talaga bang ito yung dorm na kinuha nina mama sakin? Haay. Bahala na nga."

Bitbit ang aking maleta, naglakad ako papunta sa may gate. Papasok na sana ako sa loob ng biglang may sumigaw. Lumingon ako agad at nakita ko ang isang matandang lalake na may dalang mga panlinis.

"Diyos ko naman manong! Ginulat niyo naman po ako!" 

"Ah, pasensya na iha. Bawal kasi pumasok jan." Sabi ng matanda at dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng gate sabay sarado neto.

"Oh, akala ko po bawal pumasok?" Aba. Parang niloloko yata ako ng matandang 'to ah.

"Pwera sakin, iha. Ako tagapaglinis dito eh. Ano ba ang kailangan mo?"

"Ha? Eh, ano po kasi. Dito po yung dorm ko. Sa internet po kasi nag-book yung mga magulang ko. Ito yung address na nakalagay." Kinuha ko sa aking bulsa yung printout ng website na binigay sakin ni mama at pinakita ko ito sa kanya.

"Ay naku, isa na namang biktima ng Internet na yan. Iha, matagal nang nagsara ang dorm na 'to."

"Ano po?! Seryoso ho ba kayo manong??"

"Kung ako sayo iha, bumalik ka na lang sa mga magulang mo at magreport sa police o sa kung kanino pwede. Mauna na 'ko at marami pa akong gagawin."

"Teka po manong! Wala po kasi --- Manong!!!" Oh my God. Nangyayari ba talaga 'to? Ano nang gagawin ko ngayooon? Ay pusang gala, parang gusto kong umiyak.

Ep, ep. Kalma ka muna teh, pwede? Hindi pa end of the world! Inhale, exhale. Isipin mo na lang na ito yung una mong adventure sa pagiging independent mo. Inhale, exhale.

Tama. Pagsubok lang 'to. Kaya ko 'to. Ginusto ko 'to eh.

Inhale, exhale.

Naglakad ako ng naglakad kasama ang aking maleta hanggang sa nakaabot ako sa isang park. Hindi ko matatawagan mga magulang ko ngayon, nasa flight pa sila papuntang Singapore. Dun kasi magsisimula yung cruise trip nila. Wala namana akong kilala na kamag-anak namin sa siyudad na 'to. Hindi ko naman pwedeng gastusin yung pera ko para magbook ng flight pauwi samin. Wait. Bakit naman ako uuwi samin? Hindi ako pwedeng umuwi dun kasi pinaupahan naming yung bahay ng buong taon. At dito ako mag-aaral. Dapat maghanap na lang ako ng ibang dorm na-------

"Aaaahhh!"

Sa sobrang lalim na ng pag-iisip at internal panicking ko, may nakabangga tuloy ako. And worse, natapon yung softdrinks niya sa kanyang pink na blouse.

"Naku, miss! Sorry! Hindi ko sinasadya! Naku, yung damit mooo--" Tutulungan ko sana siya (ewan ko nga ba kung anong balak kong pagtulong) pero agad niyang tinakwil yung kamay ko. Okey, edi wag. o.o

"Wag mo 'kong hawakan, pwede?!" Galit niyang sabi, sabay eye roll.

"Sorry po ulit, hindi kasi kita nakita." Nagpa-panic kong sabi. "Andami ko kasing iniisip ngayon, naghahanap ako ng pwedeng matutuluyang dorm kasi out of business na pala yung nakuha naming dorm. Ang laki ng problema ko ngayon kaya ---"

My Roomie's Not A Geek?!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon