Paano nangyaring napunta ako dun?! So yun pala yung ibig sabihin nung taxi driver. Walang hiyang babaeng yun! Siya ang may kasalanan ng lahat ng 'to! Wala ba talaga siyang magawa sa buhay niyaaa?
"Napakasama mong babae kaaaa!!!!"
Napaupo ako sa aking maleta. Nasa ibang kalye na ako ngayon, malayo na sa nakakatakot na lugar na yun. Buti na lang talaga at walang nangyaring masama sakin. Okay pa naman ako diba? Mga girl parts naman nakita ko kanina. Safe pa rin naman ako. Thank you po, Lord! Haaaay.
Paano na 'ko neto ngayon? Mag-gagabi na. Siguro magpapalipas na lang ako ng gabi sa isang murang hotel dito. Bukas na lang ako maghahanap ng dorm. Haaay.
Eeeurrghhhllkkk.
Tiyan ko nga pala yun. Okey, pagkain muna bago hotel o dorm etc! Nagugutom na 'ko!
At nagpalakad-lakad na naman ako sa daan hanggang sa nakaabot ako sa mataong lugar. Sa wakaaas. Nakikita ko na ang mga iba't ibang shops at restaurants. Dali-dali at maingat akong tumawid sa napakahabang pedestrian lane at pumasok sa unang restaurant na nakita ko.
"Wala na nga talaga ako sa probinsya.." Napa-buntong hininga na lamang ako habang kinakain ang aking beef steak. "At least masarap yung pagkain dito."
Nang dumating na ang kaing bill... Ay wow. Six hundred fifty pesos?! Para sa bistek, sopas, sorbetes at iced tea?! Six hundred fifty?!
Dapat pala mag-stick na lang ako sa mga food chain dito. Gaya ng Jollibee. Waaaa. Kapag mina-malas ka nga naman talaga ohh. Strike three na 'to ahh. Mafa-foul out na ba 'kooo?
No! Hindi pwede! Hindi ako papayag. Hinding-hindi ako magpapatalo. Ako si Megan Ysabelle Gomez. Matapang ako, malakas, at higit sa lahat, mapursigi! Kakayanin ko 'to. Maghahanap ako ng matutuluyang hotel ngayon, tapos bukas, isang maganda, malinis at payapang dorm. Keri ko 'to. Go lang ng go!
Pagkatapos kong i-peptalk ang sarili ko, tila mas gumaan na ang aking pakiramdam. Lumipas ang tatlong oras, oo, tatlong tuma-tagingting na oras bago ako makakita ng isang mura pero maayos na hotel.
Hindi ko talaga ini-expect ang mga pangyayari sa araw na 'to. Halos ilang taon kong pinangarap na makapag-aral dito sa Manila. Hindi lang makapag-aral, pero siyempre maka-graduate din at makahanap ng magandang trabaho. Hindi naman kasi kami mayaman eh. Sapat lang kinikita ng mga magulang ko para pag-aralin ako, na only child nila, at palakihin ng maayos. Kaya nga ngayon lang din natupad ang life-long dream ng mga magulang ko na makapag-cruise. Kasi inuna muna nilang pag-ipunan ang mga kailangan ko at ang edukasyon ko. Kaya hinding-hindi ko sasayangin lahat ng mga sakripisyo nila para sakin.
My To-Do List:
1. Maghanap ng dorm. (ASAAAAAP!)
2. Prepare mga gamit para sa school. (Monday naaa! Waa)
3. Grocery.
4. Maghanap ng kaibigan.
5. Maghanap ng isa pang kaibigan.
Okay fine. Kahit isang kaibigan na lang. Basta may makakasama lang ako na pwedeng mapagkatiwalaan at makakasundo ko. Hindi naman siguro ganun kabigat na hiling yun diba?
Tsaka time. Kelangan ko lang ng time para makapag-adjust. Yun.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sunday.
4pm. Central Plaza.
Sabi na nga ba eh! Kaya nga dalawang linggo hanggang isang buwan dapat pinaghahandaan ang pagtira sa isang dormitory! Kasi siguradong puno na lahat ng magaganda at malalapit na dormitoryo na malapit sa mga universities dito. Bakit kasi nangyayari pa 'to sakiiiin? Kung naging okay lang sana ang pagkuha ni mama ng dorm ko, dapat ngayon nagre-relax na lang ako at nag-lilibot libot sa mga magagandang lugar malapit sa area ko.
BINABASA MO ANG
My Roomie's Not A Geek?!
Fiksi RemajaOkay, so. Alam kong nangako ako kay Liam na hindi ko sasabihin sekreto niya kahit kanino. Pero namaaaan. Paano ako titira dito kung isang super gwapong lalake, at hindi pala isang weirdong nerd ang makakasama koooo? Kasi naman Megan ehh! Anong nangy...