"Inhale, exhale. Inhale, exhale. Ako si Megan Ysabelle. Kaya ko 'to. Inhale, exhale." Yan ang kanina ko pang binubulong sa aking sarili. Nasa taxi na kami ngayon ni Four Eyes, papunta na sa tinitirhan niya.
"Sigurado ka bang hindi ka nababaliw? Kanina mo pa binubulungan sarili mo diyan."
Tiningnan ko lang siya ng masama. "Ayan ka na naman ah. Hindi nga ako baliw! Ang oa mong makahusga! Porke't nagbubulong, baliw na agad?"
"Daldal." Bulong neto sabay tingin sa labas.
Mukhang hinding-hindi kami magkakasundo ng lalaking 'to ah. Sayang. What if dumating yung time na kailangan ko ng tulong sa assignment ko or thesis, or kung anong mga mahihirap na ginagawa sa college? Ibig-sabihin ba nun, hinding-hindi ako makakatanggap ng kahit anong tulong mula sa kanya? Tsk.
Ano ka ba? Siguraduhin mo na lang na hinding-hindi mo ka-kailanganin ng tulong niya pagdating sa pag-aaral mo. Haaay naku.
"Konsensya, you're baaaack!" Tuwang-tuwa kong sabi. Napalakas yata pagkasabi ko kasi tiningnan na naman ako ni Four Eyes. No doubt convinced na siya na may pagka-lokaloka nga ako. Well, bahala siya sa kung anong gusto niyang isipin. Basta ako, desente akong babae. Yun lang dapat itatak niya sa kokote niya.
"Teka, dapat pala mag-set tayo ng rules!" Sabi ko kay Four Eyes, na hindi naman sumagot, kaya nagpatuloy na lang ako. "Like, bawal kang pumasok sa kwarto ko. Bawal mong pakialaman mga gamit ko. Lalong-lalo na ang pagkain ko. Ay teka wait."
Hmmm. What if balang-araw bigla akong maubusan ng pagkain?
"Ok, pwede rin naman tayong mag-share ng pagkain. Pero 2 is to 1 ha. Kasi yung appetite ng mga lalake, mas malakas kesa saming mga babae. Kaya for example, kumuha ka ng isang lata kong corned beef, dalawang lata ng corned beef ang kukunin ko mula sayo. Okey ka ba dun?"
"Hindi ako kumakain ng corned beef."
...
"Example lang ngaaa! Pfft. Napaka-pilosopo mo naman." Eye-roll.
"At ang daldal mo. Isa lang ang rule ko. Pwede mong gawin lahat ng gusto mo sa kwarto mo, pero ayokong mag-iingay ka sa bahay."
"Grabe naman 'tooo. Anong akala mo sakin, hindi tumitigil sa kakasalita? Gusto ko rin mamuhay ng tahimik no. Tahimik akong mamuhay!" Diniliaan ko pa siya. Akala netooo.
Okey fine. So maingay ako pag nanonood ng tv, lalo na kapag sports o balita. Nakikipag-sagutan talaga ako sa mga reporters eh. At habang kumakain naman, well, sino ba ang tahimik lang sa hapag-kainan? Ang boring naman nun! Kami samin, kahit minsan lang nagsasabay kumain, we make sure na updated pa rin kami sa isa't isa kasi nag-uusap at nagbibiruan talaga kami habang naghahapunan o kahit meryenda lang. Hindi ko yata kaya maging tahimik ng gaya ng ini-expect niya. Pero sige, siya ang landlord kaya susubukan kong gawin ang best ko.
"Teka nga pala, sino pa ba ang andun sa bahay? May mga kasama ka pa ba?"
"Andito na tayo."
At ni kahit walang anong sagot o tingin man lang sakin, bumaba na ito sa taxi pagkatapos bayaran si manong driver. Hindi ko man lang namalayan na huminto na pala kami. Dali-dali akong bumaba ng taxi at kinuha yung maleta ko sa likod. Pagkatapos ay tiningnan ko ng maayos ang bahay ni Four Eyes. Na magiging bahay ko na rin for the next 12 months. Yan, ay kung papayagan ako nina mama. Oo nga pala, hindi ko pa sila na-contact ulit. Sasabihin ko kaya sa kanila ang lahat ng 'to? Haaay. Marami pa pala akong dapat na pag-isipan.
"Nagbago na ba isip mo?"
Napa-alis tuloy ako sa aking pagkatulala. Nang tumingin ako kay Four Eyes, nasa pinto na siya at nakabukas na ang gate. Parang umaasa pa rin yata siya na aayaw na lang ako. Pfft. Eh bakit niya pa 'ko aalukin in the first place, kung parang ayaw din naman pala talaga niya? Weirdo talaga 'tong si Four Eyes.
"Hindi ahh! Ina-admire ko lang ang bahay nateeen! Ganda! Pasok na tayo?" Sabi ko sa kanya na naka-smile.
Hindi siya sumagot, binuksan niya lang yung pinto at nauna nang pumasok. Suplado.
Sumunod din ako agad at natuwa ako sa aking nakita. Grabeeee! Ang yaman naman niyaaaaa. Ang ganda ng bahay! OMG! Ang swerte ko naman! Meron flat screen na tv sa may sala, tapos ang ganda pa ng mga sofa. Terno din yung mga kurtina at iba pang kagamitan. Wow, napaka-moderno naman ng bahay niya. Sa kanya ba talaga 'to o nangungupahan lang din siya? If ganun nga, hala!
"Teka Four Eyes! Magkano ba renta ko dito? Hindi ko afford yung sobrang mahal ahh. Please wag sobrang mahal?"
"Anong tinawag mo sakin?" Tanong ni Four Eyes. Oops.
"Ha? Ah, eh, sorry! Hindi ko kasi alam pangalan mo. OMG! Hindi ko man lang alam pangalan mo pero sumama na ako sayo dito." WAAAAAH! Seryoso, Megaaaan?!
"Pfft." Sabi niya lang. I guess hindi niya rin alam pangalan ko? Naku, ano ba naman 'to!
Buti na lang at may interruption na naganap.
"Liam! Andito ka na pala!"
Lumingon si Four Eyes pati na rin ako at nakita kong papalapit sa amin ang isang matandang babae, na mukhang nalito kung bakit hindi nag-iisa si Four Eyes.
"Lola mo?" Tanong ko. Ay salamat naman at hindi naman pala kami mag-isa sa bahay niya.
Tumango lang si Four-Eyes, sabay tingin sa matandang babae na kahit matanda na, mukha pa rin talagang maganda. Naalala ko tuloy yung lola ko, pero wala naman ako masyadong memorya sa kanya. Bata pa ‘ko nung namatay siya eh.
“Na, siya yung bagong mangungupahan sa kabilang kwarto. Akyat na po ako.” At sa ganung introduction lang, umalis na si Four-Eyes at iniwan ako sa lola niya, na mukhang nagulat na natuwa na nalilito na ewan.
“Ah, eh, hello po,” sabi ko. “Ay, mano po, la.” At nag-mano ako sa kanya, na nagpangiti sa magandang matanda.
“God bless you, iha. Naku, hindi ko alam boarding house na pala itong bahay.” Bulong niya.
“Ano po yun?” Tanong ko. Tekaaa. Tama ba narinig ko?
“Wala yun, iha. Ano nga pala ulit pangalan mo? Hindi ka man lang pinakilala ng mabuti ni Liam. Batang yun talaga.” Sabay tawa ng mahina.
Ehhh. Hindi ko naman talaga masisisi si Four-Eyes. Este, Liam. Kanina lang naman kami nagka-kilala eh. Ewan ko nga kung alam na niya pangalan ko. Eeeek! Sumama ako sa bahay ng isang lalake na hindi ko man lang alam ang totoong pangalan and vice versa! Eto na talaga ang pinaka-malalang ginawa ko sa buhay ko. So far. But at least buhay ako. Buhay pa ako! At makakapasok na ‘ko sa school bukas ng wala nang inaalala! Except of course, yung parents ko. Pero bakit ko pa nga ba sila aabalahin pa? They deserve a peaceful at masayang bakasyon. Kaya ko na ang sarili ko.
Napangiti ako kay lola. (Ahaaaa, may lola na rin ako! Pwede rin naman yun diba? Ang saya naman!)
“Ako po si Megan. Megan Ysabelle Gomez po. Ikinagagalak ko po kayong makilala,” sabi ko sabay yuko. Naks, parang Japanese lang. Nakasanayan lang kasi.
“Ahh, Megan. Halika, ituturo ko sayo yung kwarto mo. At tawagin mo na lang akong Nona. Yan din naman tawag sa akin ni Yam-Yam.”
“Yam-Yam po?” May isa pa kaming kasama sa bahay?
Biglang tumawa si Lala. “Si Liam. Yun yung palayaw niya. Pero wag mo siyang tatawaging ganun, magagalit yun, ahaha. Nadudulas lang ako minsan kasi nakasanayan ko na.”
Pinigilan ko na lang din ang aking pagtawa. Ang cute naman ng nickname nya! Hahahahaha!
So Liam pala ang pangalan ng savior ko. Suplado, weirdo, pero siguro super taas yung IQ. Ilang minuto pa ang lumipas, at nakahiga na ‘ko sa bago kong kama. Sa aking bagong kwarto. Maganda yung kwarto, mas mukha nga itong guest room ng isang mansyon eh. Ayoko nang isipin pa yung mga kamalasan ko sa mga nakalipas na araw. Iisipin ko na lang yung mga biyaya na dumating sakin, kapalit ng mga di magagandang nangyari. At hindi ko talaga mapigilan ilagay sa tuktok ng listahan si Liam.
BINABASA MO ANG
My Roomie's Not A Geek?!
Teen FictionOkay, so. Alam kong nangako ako kay Liam na hindi ko sasabihin sekreto niya kahit kanino. Pero namaaaan. Paano ako titira dito kung isang super gwapong lalake, at hindi pala isang weirdong nerd ang makakasama koooo? Kasi naman Megan ehh! Anong nangy...