CHAPTER FOUR
----- Liam's POV ----
Kahit kelan talaga, Liam. Mahina ka. Akala ko ba galit ka sa mga babae? Bakit ngayon may pinatira ka na lang bigla sa bahay mo?
Ewan ko ba kung bakit ko ginawa yun. Wala naman talaga akong intension na tulungan siya, kahit kausapin lang siya. Pero bigla ko na lang ginawa yung dalawa. Siguro dahil nakakaawa siya. At naaliw ako sa kadaldalan niya. Ewan. Nangyari na ang nangyari.
Lumabas ako sa CR at nagbihis. Natapos ko na halos lahat ng mga babasahin naming libro sa English Lit, pero hindi pa nag-uumipisa ang semester. Ano pa ba ang pwedeng gawin?
“Liam?”
Si Nona. Tsk. Nakalimutan kong pag-isipan ang magiging reaksyon niya sa pag-dala ko dito sa babaeng madaldal. Siguradong uulan na naman ng mga tanong neto.
“Teka, Na.” Sabi ko, habang sinusuot ang aking Converse. Pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto, sabay labas.
“Oh, may pupuntahan ka?” Tanong ni Nona habang tini-tingnan ako.
Hindi ko naman plinanong pumunta sa studio ngayon, pero dahil sa ayokong dumaan sa Nona Interrogation, kelangan.
“May practice po kami eh. Uwi din ako mamaya. Bye, Na.” Dali-dali ko siyang hinalikan sa pisngi at dumeretso na palabas ng bahay. Narinig kong tinawag niya ‘ko, pero hindi ko na lang pinansin. Mamaya ko na haharapin si Nona. Alam ko naming hindi yun galit sakin, nag-aalala lang. Na naman.
Simula nung nagsi-alisan mga tao sa pamilyang ‘to, tila palagi na lang nag-aalala si Nona sakin. Kahit hindi ko siya totoong ka-pamilya, mas maituturing ko pa siyang magulang ko kesa dun sa dalawang iniwan lang din ako. Which is fine. Wala naman akong pakialam. Hindi na rin naman ako yung batang umiiyak tuwing sasabihin nilang mawawala sila ng ilang taon para magtrabaho.
Ngayon, magdadalawang taon na sila sa Europe. Before that, limang taon sa Australia. At bago ang Australia, Singapore. Macau. Honestly? I already lost track. Hindi ko alam kung anong nasa isipan ng mga magulang ko, kung bakit kelangan nilang magpakalayo para magtrabaho. Kulang pa ba yaman namin? Sa kanila siguro. Hindi ko alam kung sino ba talaga nakakapag-benefit sa buong sitwasyon ng pamilya namin. Ang mga empleyado siguro. Ah, at si Luis pa pala.
Ring! Ring!
Sa kakatakbo ko, hindi ko na namalayang may tumatawag pala sakin kanina pa. Nang tiningnan ko ang cellphone ko, nakita ko ang pangalan ni Luis. Pfft. Isa na naman ba ‘to sa mga weirdong nangyayari sa pagitan ng magkakambal?
“Oh, napatawag ka.” Tumigil ako sa pagtatakbo at naglakad na lamang. Medyo malapit na rin ako sa studio.
“Yaaaam! Na-miss kitaaaaa! Na-miss mo rin ba kambal mo?” Nilayo ko ang cellphone sa aking tenga. Bakit ba tuwing nag-uusap kami ng mokong na ‘to, kelangan niyang sumigaw?
“Ibababa ko ‘to kung hindi mo hihinaan boses mo. Masisira tenga ko sayo eh.”
“Pinapagalitan mo ba kuya mo??”
“Pfft, kuya mo mukha mo. Dalawang minuto lang agwat natin no.”
“Ep, ep! Ganun pa rin yun! Kahit dalawang segundo lang yun, mas nauna pa rin akong lumabas. Show some respect, lil bro.”
“Ewan ko sayo.”
“Nga pala! Uuwi na ‘ko diyan in a few months.”
“ Matagal pa pala eh, bakit mo na ‘ko ini-istorbo ngayon?”
“Sobra ka naman! Wala ka na talagang galang sa mga nakakatanda sayo! Tsk, tsk. The more reason na bumalik na ‘ko diyan.”
Huh. Si Luis, uuwi. Napagod na ba siya kaka-gala sa buong mundo? Teka, asan na nga ba siya ngayon?
“Saang bansa ka na nga ba ulit ngayon?” Tanong ko, na sinundan ng malakas niyang tawa. Isa na lang talaga, at ibababa ko na ‘to. “Woi! Pwede ilayo mo naman yung cellphone mo habang tumatawa ka na parang gunggong diyan?!”
“Napakasama mong kapatid, alam mo yon? Buti pa ako alam kung asan ka. Ha!”
“Maaawa na talaga ako sayo kapag nakalimutan mo kung asan ako.” Sabi ko. Kelanman hindi pa ‘ko umaalis ng Pilipinas. Kahit pwedeng-pwede akong pumunta sa kahit anong bansa na gustuhin ko, para mag-bakasyon, mag-aral, o kahit kumain lang. Siguro ayoko lang tumulad sa kanila. At masaya naman ako dito sa Pinas eh. Tahimik.
“Pffft. Pasalubungan na lang kita ng babae. Yan yata kulang sayo kaya ka masungit all the time eh! Hahaha---“
Beeep. Pinatay ko na ang cellphone. Masisira na yata tenga ko sa kanya. Ilang lingo na ba nung huli siyang tumawag? Nasa Japan yata siya nun? Isang modelo kasi si Luis. Tumigil na siyang mag-aral nung 3rd year high school pa lamang siya para sumama sa isang agency na dinala siya kung saan saan. Wala lang talaga sigurong pakialam yung mga magulang namin, kaya pinayagan na lang siya na para bang pupunta lang ito ng mall para bumili ng medyas. In other words, we have the coolest but cruelest parents on Earth. Cruel, kasi they’re too cool to care na may mga anak sila.
Hindi na siya tumawag ulit, siguro nagpala-busy na sa kung ano man pinagga-gawa niya dun. Kung asan man siya. Ilang minuto pa ang lumipas at nasa loob na ‘ko ng aking studio. One of the perks ng pagiging anak ng mga mayayamang magulang na walang pakialam sa kung paano mo gagastusin ang perang bigay nila.
BINABASA MO ANG
My Roomie's Not A Geek?!
Teen FictionOkay, so. Alam kong nangako ako kay Liam na hindi ko sasabihin sekreto niya kahit kanino. Pero namaaaan. Paano ako titira dito kung isang super gwapong lalake, at hindi pala isang weirdong nerd ang makakasama koooo? Kasi naman Megan ehh! Anong nangy...