Maci POV
Napadpad kami sa isang restaurant na pamilyar sa akin. This is one of the restaurants of the Pangilinan family. Ang pamilya ni Royal ang nag mamay-ari sa restaurant na 'to.
"Good afternoon sir ma'am. Table for how many?"
"Two." sagot ko. Tutal ako naman talaga tunay na gentleman sa aming dalawa.
"This way ma'am." sabay turo niya sa isang way kaya sinundan namin siya hanggang sa makarating kami sa medyo dulo.
"Thank you." sabi ko.
Nag nod lang 'yung manager na naka asign dito sa restaurant.
Hindi nila ako kilala dito kasi hindi naman kami madalas dito ng Lethal. Sa isang branch talaga kami kumakain 'pag minsan.
"Treat ko. Mag order ka na." sabi ko sakaniya.
Nag order ako ng may rice na pagkain. Siya naman pasta ang inorder.
Masyadong conscious sa katawan naman ng lalaking 'to. Siya nga pala, umorder din ako ng extra rice na dalawa.
Gutom ako 'wag kayong ano diyan.
Tyaka no'ng isang araw nga pala napadpad ako sa mall then napakain ako sa Mang Inasal. I can say that their food is so lit. Tapos unli rice pa. Bagay na bagay sa akin na mahilig kumain ng unli rice. Tyaka sulit din. Infairness.
"Diretsuhin mo nga ako. Alam ko may kailangan ka sa akin. So, ano 'yon?" tanong ko sa kaniya.
Tinignan niya ako. "I want you to pretend again to be my girlfriend." diretsong sagot niya.
"Ayoko."
"What? Is 10k not enough?"
-_-
Seryoso ba siya sa pinagsasasabi niya? All he thinks is all about money. Iniisip niya na lahat ng bagay ay umiikot sa pera.
And that's really hurt me so hard. Joke. Slight lang.
"Ganiyan ka ba talaga? Para lang sabihin ko sa'yo. Hindi lahat ng bagay ay umiikot sa pera ha."
"So what is it? Bakit ayaw mong ituloy 'yung nasimulan mo na?" tanong pa niya.
"Honestly? Ngayon mo talaga ako tatanungin ng ganiyan? Hindi ba pwedeng mamaya ko na sagutin? Pwedeng kumain muna ako?" inis kong sabi.
Hindi talaga ako natutuwa sa inaasal nitong si Jaycee sa akin. Sa totoo lang ayokong sagutin tanong niya.
BINABASA MO ANG
Lethal
Teen FictionAng underground world ang nag udyok sa kanila para mag kita at maging mag kakilala sa isa't-isa. Ito din ba ang magiging dahilan upang mag bago ang lahat? Sa pamilya, kaibigan at sa isa't-isa. Will they stay with each other? Or will they leave each...