~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sabay kaming pumasok ng kambal ko ngayon. Mapilit kasi eh kaya napasakay niya ako sa kotse at hinatid kami ng driver. Habang naglalakad kami nagbubulungan yung mga nakasalubong namin. Narinig ko pa nga yung iba eh.
"Ay sayang! Maganda na sana yung view eh. Nandyan pa kasi sa tabi yung panget."
"Lumalapit pa yang Stinkarin na yan sa Campus Fairy natin. Panira talaga siya ng araw eh."
Alam kong ako yung pinag-uusapan nila umpisa pa lang at how dare they! Ako lang ang dapat tumawag na fairy sa kambal ko. Dejoke lang.
"Maggie, hindi ba nila alam na magkapatid tayo? Hindi ba nila alam na magkamukha tayo ng apelyido? I think they don't even notice that we're twins. Hindi naman sila bulag, 'diba?" bulong sa'kin ni Karen.
"They don't, Ate. Tsaka ayoko ding malaman nila kasi panigurado masasali ka sa amin na binubully. Ayokong madagdagan ang mga nasasaktan dahil sa'kin. Ayokong makasama ka dun. Kaya promise me, we'll keep this a secret ha?" I said at patuloy na naglakad.
"Dito na 'ko, Maggie! Ja ne!" sabi niya at nagwave sa'kin. I smiled and waved back at her at dumiretso na sa room. Pagpasok ko sa room, lahat sila nakatingin sa akin.
'Weird...' bulong ko sa sarili ko. Hinayaan ko lang sila at pumunta sa desk ko. Dito ang favorite spot ko sa class na 'to. Sa likod at medyo malayo sa ingay. Sinabit ko ang bag ko sa gilid ng desk at umupo. Pagkaupo ko, biglang may tumunog na...
*CRAAAAAAAACK!*
Nasira yung upuan ko! Ang sakit ng pagbagsak ko. Lahat ng nasa room ay napatingin sa akin at bigla na lang silang tumawa. Kaya pala tinitigan nila ako nang matagal at weird.
"Buti nga sa'yo, Stinkarin!"
"Kawawa ka naman, Stinkarin! HAHAHA!"
BINABASA MO ANG
My Nerdy Rockstar
Teen FictionWhy do guys like him love hurting girls like me? I know, I was just a nerd back then but I still have the right to be loved, right? Just wait for me, wait for my REVENGE. Wait for the new MAGGIE.