~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Gusto ko na agad matapos ang college years ko at magtrabaho na agad. Buti pa nga si Ate Karen pagkatapos niya mag-graduate, pwede nasiyang bumalik as model and singer sa Land of the Rising Sun na yun anytime. Haha
"Maggie, baka gusto mong pumasok sa loob?" biglang nagsalita si Ate Karen na medyo ikinagulat ko. Pumasok na ako sa loob ng bahay at pagpasok ko, nakita ako ang mga matatamis na ngiti ng mga magulang namin. Yung totoo? Baka may tama na din sila sa ulo?
"Ma'am, yung bag po." biglang sulpot naman ng dalawang maids sa harap namin ni Ate Karen. Binigay namin yun at dumiretso na kami sa kanya-kanyang kwarto. Nagpalit na ako ng damit at humiga sa kama. Nakakaantok naman Makapagbasa na nga lang.
Tumayo na ko at pumunta sa bookshelves. "Hmm... What to read... what to read..." paulit-ulit kong sinasabi habang tumitingin sa bookshelves. Biglang may kumatok sa pinto.
"Maggie-chan! It's dinner time! Baba ka na!" Karen shouted.
"1 minute!!" I replied. Kumuha ako ng pantali at tinali ang buhok ko in a messy bun at isinuot ang glasses ko. Bumaba na ko at naglakad papuntang dining room.
"Come on, Maggie. Sit." seryosong sabi ni Mama.
"Sige po." sabi ko na lang at umupo sa tabi ni Ate Karen. Napatingin sa akin si Mama.
"Bakit po, Ma. May dumi ba sa mukha ko?"
"Yes. Yang make -up na yan. Make-up ba yan? Kailan ka pa nag make-up ha? Ngayon lang ako nakakita na nerd na may make up ha." nakakatakot si Mama. Promise! Pero nanlalait yan -.-
"Ah... nung first day ng school?"
"Bakit ka naman nagmake-up?" hala si Mama galit ata? Mamaya baka maging Momzilla na yan!
"Lagi na lang po kasi akong inaasar dahil sa mga freckles ko tsaka lalo na yung peklat ko." napayuko ako. Ayoko talaga sa freckles sa buong mukha ko at peklat ko sa may gilid ng pisngi malapit sa tenga.
Nung bata pa kami ng kambal ko, lagi kaming naglalaro sa hagdan pero isang araw habang naghahabulan kami, na-out of balance ako sa pang-limang step ng hagdan, nahulog ako at tumama ang mukha ko sa may corner ng hagdanan. Wala naman akong naramdamang sakit nun. Napatingin na lang ako kay Ate Karen na umiiyak at nakatakip ang bibig. Naaalala ko pa nga yung sinabi niya na "Blood... Okaa-san! Papa! Karin is bleeding!" doon lang ako natauhan at hinawakan ko ang pisngi ko. Dugo... napatingin din ako sa damit ko na may dugo. Madaming dugo.
"Gusto mo puntahan natin yung derma ko?" she said while grinning. Bipolar tong si Mama.
"Huwag na po." sabi ko na lang at tumingin kay Ate Karen.
"Ay oo nga pala, ano yung dapat nating pag-uusapan?" sabi ni Ate Karen.
BINABASA MO ANG
My Nerdy Rockstar
Teen FictionWhy do guys like him love hurting girls like me? I know, I was just a nerd back then but I still have the right to be loved, right? Just wait for me, wait for my REVENGE. Wait for the new MAGGIE.