MSMMS 1.

349 10 0
                                    

Shane Mishane Rodriguez's POV :

Nagising ako sa tumunog na alarm clock na nasa side table katabi ng kama ko. Ahhh Monday nanaman tapos na ang bakasyon at back to reality na. Hayy buhay estudyante nga naman.

Naglakad na ako papuntang banyo at naligo kahit na sobrang antok pa ako at tinatamad. Kailangan ko din kasing pumasok dahil ito ang first day ni Lea sa school at sasamahan ko siya.

Si Lea ang bestfriend ko na galing Korea. Dito na din siya pinag aral ng parents niya para daw maging independent na din siya at maexpose sa ibang bagay. Nauna akong umuwi sakanya dito sa Philippines dahil mas maexplore ako kesa sakanya. Sobrang dami naming pag kakaiba but despite of our differences she's still my bestfriend.

Magkalapit lang din kami ng bahay kaya sinabi kong dadaanan ko na lang siya at sabay kaming papasok mahirap na baka maligaw pa yun sa school. Haha! Buti na lang classmate kami at parehas 3rd year highschool, akala ko kasi mas ahead ako sakanya ng 1 year dahil galing siya ng Korea pero buti by age dito sa school naming at umabot siya dun.

Nag bihis na ako at nag ayos ng buhok tsaka bumaba na rin para mag breakfast.

Sakto naman na tapos na si Mommy magluto. "Goodmorning mommy." bati ko sakanya sabay kiss sa cheeks niya. "Goodmorning princess. Where's Lea?" Tanong ni mommy habang nilalagay yung plate sa table. "She's still in their house." sabi ko sabay kuha ng bread. "Okay. I'll leave you na baby okay? Nauna ng pumasok ang dad mo eh. Say hi to Lea for me. Be careful and enjoy okay?" sabi niya sabay kiss sa forehead ko.

Oops hindi English speaking ang mommy ko. Hahahaha. Nasanay lang siya dahil sa business kailangan daw kasi yun eh.

After kong kumain nagtoothbrush lang ako at dumiretso sa bahay nila Lea.

-----

Pagkadating ko naman dun agad na akong nagdoorbell.

Si Manong Edgar naman ang nagbukas ng gate. "Goodmoring Ms. Sheena." bati niya sakin. "Ay nako po manong Sheena na lang po. Goodmorning po." sabi ko naman. "Osige hija, pasok ka na sa loob at baka nag hihintay na sa iyo si Lea." sabi naman ni manong at pumasok na nga ako sa loob.

Ang laki pa rin talaga ng bahay nila Lea, at ang ganda din ng design sayang lang at siya lang ang nakatira dito. Iba talaga pag parehas puro business ang parents.

Pagpasok ko sa loob sakto naman na nakaupo na si Lea sa sofa at naglalaro na lang ng flappy bird. "Goodmorning best!" bati ko sakanya. "Goodmorning din best!" at naghug na kami. "Grabe namiss kita kahit kasama lang kita kahapon!" sabi naman niya sabay tawa. Kalog talaga tong bestfriend ko.

"Oh ano ready ka na?" Tanong ko sakanya. "Yep! Let's go." sabi niya sabay hila saakin palabas ng bahay nila.

Hinatid lang naman kami ng driver nila sa school. Grabe sa sasakyan pa lang ang dami na naming napag usapan. Miss na miss talaga naming ang isa't isa.

Marunong naman mag tagalog si Lea kahit na laki siya ng Korea every year naman kasi nag babakasyon siya dito, at tinuruan din siya ng parents niya dahil sabi ni tita ay iuuwi rin naman siya dito.

-----

Pagpasok ng school sinalubong na ako agad ng kaibigan kong si Chad. Ang gwapo talaga nitong lalaking to forever. OOPS. Hindi ko siya crush okay? Supportive bestfriend lang ako. Haha!

"Hey there beautiful." Bati agad naman sakin ni Chad. Ganito yan sakin lagi sweet at clingy kasi si Chad kaya sanay na ako sakanya. "Hi bestfrend. Eto nga pala si Lea yung kinukwento ko sayo." sabay hila kay Lea na natulala na kay Chad. "Hi Lea. Mas maganda ka pala sa personal." Sabi ni Chad at nakipag shake hands kay Lea. Hmm ang dalawang bestfriend ko ha. Hihi.

Dumiretso na kami sa room naming dahil alam naming na classmates na kaming tatlo. At si Chad super daldal pa rin. Grabe swerte ng magiging girlfriend nito dahil hindi boring kasama. Close na nga agad sila ni Lea at kanina pa nagkukulitan. Naku naku pag itong dalawa. Hahaha!

-----

Wala naman ginawa ngayong araw at half day lang din dahil sa orientation pa lang naman kaya ito kaming tatlo at dumiretso sa mall dahil manlilibre daw si Chad. Ang bait talaga nitong lalaking to hindi tulad ng pinsan niya.

Oo may pinsan siya si Nathan at 3rd year din siya tulad namin. Pano ko siya nakilala? Classmate ko siya since 1st year at pati na rin si Chad kaya nga kami naging mag bestfriend ni Chad eh. Pero kung si Chad ay sobrang friendly at clingy, etong si Nathan ubod ng sungit. Akala mo galit sa mundo lahat ng babae iniignore niya, crush kasi ng campus si Nathan at Chad parehas kasi silang gwapo nasa lahi ata eh. Mabuti nga at may kaibigan pa si Nathan at yun ang F4 si James, Xyril at Kevin. Tsk ang gay ng name nila.

Naglakad lakad lang naman kami sa Mall at kumain. Bumili din kami ng mga bagong damit at mga gamit na kailangan sa school. Section A pala kaming tatlo, hindi naman sa dahil sobrang talino namin masipag kasi kami ni Chad kaya hindi kami nawawala sa section A.

"Bff punta kayo ni Lea sa bahay sa Saturday ah? Tambay tayo." Sabi ni Chad habang naglalakad kami palabas ng mall. "Sure wala din naman kaming gagawin ni Lea eh." sabi ko "Oo nga naman." sagot din naman ni Lea sabay ngiti.

Hinatid na kami ni Chad pauwi sa bahay nila Lea. At ang bruha mukhang nag enjoy ng sobra. Maintriga nga.

"Oy ikaw ah. Type mo na?" sabi ko habang pinopoke ang tagiliran niya. "Uy grabe ka hindi naman agad. Natutuwa lang ako kasi super jolly niya." sabi niya. Ayy kala ko naman happy ending na! Hahaha.

Nagkwentuhan lang naman kami saglit at nag paalam na din ako na uuwi, Baka nag aalala na sa akin si Mommy. At excited na rin ako pumasok dahil kasabay ko at kasama ko na ang dalawa kong bestfriend.

-----

CHAPTER 2 WILL BE POSTED ON THURSDAY! :)

HAPPY 35 READERS. HEHE. <3

Guys, I will be changing their names ah? Hindi sila Korean dito pero yung character nila na Korean eh yun pa din. So ito na yung bago nilang name.

Nathan Keith Valdez

Sheena Mishane Rodriguez

Lea Andreia Lopez

Chad Dominic Valdez

Xyril Sean Domingo

James Andrei Cruz

Kevin Bryle Ortiz

Pictures will be posted on Thursday! :)) May iba pang characters pero ipapakilala ko sila sa mga susunod na chapters.

NEXT POV : Chad Dominic Valdez.

PS. Sorry if there will be typos, etc etc. Thankyou <3

Ms. Sweetheart Meets Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon