MSMMS 2

208 8 3
                                    

Love at first sight

Isang linggo na rin ang nakalipas nung nagsimula yung pasukan grabe ang dami na agad pinapagawa samin. Palagi ko pa rin kasama si Chad at ang bestfriend kong si Lea. May napapansin nga ako sa dalawa eh. Parang nagkakamabutihan na sila pansin ko sa mga ngiti at titig nila sa isa't isa. Mabuti pa sila.

"Grabe baka gusto niyong sabihin sakin kung ano ang mayroon sa inyong dalawa?" Sabi ko sakanila nang nahuli ko nanaman silang nagngingitian. Yung totoo mukha na silang siraulo kakangiti. "Wala ah. Nagjojoke kasi si Chad kaya natatawa lang ako." Depensa ni Lea. "Ouch grabe. Ideny daw ba ako?" singit naman ni Chad. Simple namang umirap itong si Lea sakanya na naging dahilan ng aking pagtawa. "Hahaha. Kayo talagang dalawa ayaw niyo pang umamin. Support naman ako sa inyo eh." sabi ko sakanila. Mabilis naman na namula ang pisngi ni Lea.

"Asus bestfriend aminin mo na. Na love at first sight ka no?" sabi ko sakanya. "Grabe ka! Hindi no, hindi ba pwedeng natutuwa lang ako talaga sakanya." bulong niya sakin. "Ganun ba? Eh ano ba ang kasunod nun?" tanong ko naman sakanya sabay smirk. Ha, if I know crush na niya si Chad. Gwapo din naman kasi yun eh. "Hindi ko alam. Eh wag na kasi ganun sis, nakakahiya swear!" sabi niya sabay yuko. Kawawa naman ang kaibigan ko tinamaan na sa bestfriend ko.

"Girls baka gusto niyo akong isali diyan?" biglang singit naman nitong si Chad. Kasama nga pala namin siya kaya todo tanggi itong si Lea. "Kasali ka naman ah?" pabiro kong sagot sakanya. Tumawa lang naman sila at naglakad na kami papuntang canteen.

Hanggang sa pagkain ay hindi ko maiwasan na asarin ang dalawa paano kasi gusto ni Chad na magkatabi sila pero itong kaibigan ko todo iwas at nahihiya daw siya.Sana ganyan din si Nathan, kaso isang milagro kapag nangyari yun. "Ano ba kayong dalawa? ang harot niyo ah. Naiinggit ako." biro ko sakanila. Inirapan lang ako ni Lea samantalang tawa naman ng tawa si Chad. "Ikaw kasi eh maling tao ang natripan mo" tinapunan ko lang siya ng masamang tingin at nagkibit balikat lang siya at nagpatuloy sa pagkain.

Wala naman akong magagawa kung sakanya tumibok ang puso ko eh. Kung pwede lang to turuan ginawa ko na. "Bes kakainin mo ba 'to?" tanong ni Chad habang hawak ang burger ko. "Akin yan aba!" sabay agaw ko sakanya noong pagkain."Akala ko kasi mangangarap ka na lang ng gising d'yan eh" tumawa naman si Lea sa tabi niya. Inirapan ko lang sila at nagsimula na din kumain.

Bigla naman nagtilian ang mga babae at tumingin sa taong papasok ng canteen, si Nathan lang naman ang tinitilian nila at siya ang future boyfriend ko. Bakit? hindi naman masama mangarap ah. Kahit sobrang sungit niyan mahal ko yan.

"Hi Nathan!" bati ni Chad sakanyang pinsan. Oo magpinsan sila pero hindi close.

"Tch" cold na sagot ni Nathan. Grabe pati sa pinsan niya cold siya? Ano ba yang puso mo Nathan. Hindi naman iyon pinansin ni Chad dahil rason niya ay sanay na daw siya na ganun si Nathan.

Gusto ko din siyang batiin pero siguro kahit anong gawin ko hindi niya pa rin ako mapapansin. Di bale dadating ang araw at pag nakilala niya pa ako ng lubusan papakasalan ako niyan. Itaga niyo sa bato!

"Bes! Ano uupo ka na lang dyan? Tara na!" sigaw ni Chad habang nakatayo na sila sa pintuan ng canteen. Sumunod naman ako sakanila at binatukan si Chad loko to at binibiro nanaman ako.

"Alam mo bes dapat mabait ka sakin kasi magiging parte ako ng pamilya niyo" sabi ko sakanya habang naglalakad papuntang classroom."Bakit? papaampon ka ba samin?" tanong niya."Hay nako sis tara na iwan na natin tong pagong na 'to" sabi ko sabay hila kay Lea paalis. "Uy sandali lang!" sigaw ni Chad nang nilagpasan lang namin siya.

Puro lecture at assignment lang naman ang iniwan samin ngayong araw. Sobrang nakakapagod kaya madali akong umuwi para makatulog. Napagusapan na naming tatlo na sasali kami ng cheerdance dahil sabi ng adviser namin malaking points daw ang ibibigay sa mga kasali doon. Perfect pa sa isang quiz pag nanalo.

Naglalakad na ako palabas ng gate ng nakasalubong ko si Nathan. As usual parang hangin nanaman ako para sakanya. Ganun naman lagi yan eh, minsan nga naisip ko kung bading ba yan at sobrang iwas sa babae. Kapag nasa bahay nila ako ni isang Hi o hello man lang hindi niya masabi. Kahit ngumiti ipinagdamot din niya sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at kinumbinsi ang sarili ko na ipagwalang bahala na lang. Sanay na ako sa mga mata niyang hindi tumitingin man lang sakin.

Yung mga matang yan, dadating ang panahon sakin lang titingin yan. Tignan natin kung hanggang saan ang tigas mo Mr. Sungit.

Ms. Sweetheart Meets Mr. SungitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon