Eighty

103 9 14
                                    

Nag madali si Jungkook at pinagbuksan si Wendy na napatakan na ng ambon pero hindi naman siya basang basa. Bumilis ang tibok ni Jungkook dahil ang warm and beautiful smile ni Wendy ang bumungad sa kaniya.

"Hindi mo ako papapasukin?" Natatawang tanong ni Wendy. Kumurap kurap si Jungkook, hindi kasi namalayan ng binata na nakatayo siya na parang tuod at hindi nagsasalita.

"Huh--- ah pasok!" Jungkook mentally slap himself dahil sa katangahan niya.

Pumasok si Wendy dala dala ang isang paper bag. Derederetso lang si Wendy, syempre at home na at home na siya rito dahil lagi ito tambayan nila.

Umupo si Wendy sa sofa, si Jungkook naman ay aligaga dahil wala siyang naluto na pagkain. Ang kapatid naman niya syempre dating gawi, lumandi.

"Ano gusto mo, juice o water" Pwede sabihin mo "ikaw" hinintay ni Jungkook ang sagot ni Wendy pero pinat ni Wendy yung vacant space sa sofa na kinauupuan niya.

"Come, I bought you food since hindi ka naman dumalo sa birthday ko which nakakatampo." Nag pout si Wendy. Napa yuko si jungkook at hindi Wendy dahil sa kahihiyan.

"Ano kasi... Wala akong gift tapos ano... Nag kasakit ako." Bulong ni Jungkook, pinanindigan niya na nagkasakit talaga siya. Palihim na ngumiti si Wendy napapamura na siya kasi ang cutie ni Jungkook. Ang laki niya pero ang cute niya, how?!

"Your presence is enough pero dahil nagkasakit ka. Ito bumili ako ng pagkain para sa ating dalawa dali." Nag motion si Wendy na lumapit siya at umupo sa tabi niya.

Napahawak sa batok si Jungkook at sinunod naman ito. Umupo nga ito pero sa dulo naman, malayo sa puwesto ni Wendy. Kumunot ang noo ni Wendy dahil malayo nga siya. Pabebe kasi si Jungkook hahaha. Kaya ang ginawa ni Wendy umusog siya at ini-slide yung paper bag. Nagkadikit na yung side nila. Nagulat pa nga si Jungkook at medyo napalayo ang katawan. Patay malisya naman si Wendy at isa isang nilabas ang mga pagkain.

Naamoy na ni Jungkook-- hindi yung pagkain na dala ni Wendy kundi si Wendy mismo. Amoy tutti frutti siya--- mga pinagsamasamang fruits. Ang tamis niya, napaaisio tuloy si Jungkook kung anong lasa ni Wendy... Mmm manyak.

"Masinghot mo ako Jungkook baka di ko na makita mga magulang ko." Biro ni Wendy napahiya na naman si Jungkook. Tinignan ni Jungkook si Wendy na focus sa pag aayos ng pagkain nila. Napukaw naman ng mga mata ni Jungkook ang kumikinang na Gucci watch ni Wendy.

"*cough* ganda ng watch mo ah, sino nag bigay?" Umangat ang ulo ni Wendy at tignan si Jungkook na umiwas ng tingin.

Kanina pa hinihintay ni Wendy na tanungin siya nito about sa relo. Hindi niya alam kung paano niya nalaman na binigay ito ni Mark pero gusto niya linawin ang lahat bago matapos na ipakita ni IU ang convo nila ni Jungkook.

"Ah ito ba? Gift saakin ni Mom and Dad, you know nasa Canada na kasi sila. Pinaabot nila sa kababata ko na engaged na sa pinsan ko." Sana malinawan na siya.

"Ano?! Engaged na si Mark Tuan?" Bulyaw niya tila nagulat sa narinig. Fuck, nag alala ako sa wala!

"Paano mo nalaman ni si Mark?" Nag clear ng throat si Jungkook at lumikot na naman ang mga mata halatang magsisinungaling na naman ang ilong niya.

"Sabi mo eh." Tugon nito. Napaisip si Wendy, hindi naman eh.

"Wala akong natatandaan na may binanggit akong pangalan."

"Meron, meron kang binnggit."

"Wala ta---"

"Meron nga kasi, di mo labg natatandaan pero sinabi mo talaga." Pagpupumilit ni Jungkook. "Kainin na nga ki-- yung pagkain na dala mo." Muntika  na sabihin ni Jungkook na kainin na kita.

Nagpipigil ng tawa si Wendy, naalala ni Wendy na maganda ang boses ni Jungkook.

"Wait lang, kantahan mo muna ako." Request ni Wendy, tinignan siya ni Jungkook na parang mali siyang sinabi. Nag pout si Wendy.

"Please? Birthday gift mo?" Nag beatiful eyes pa si Wendy, pa pacute eh.

Sa isip isipan ni Jungkook: "huwag ka mag pout ate Wendy, susunggaban ko talaga yan rawr."

Napabuntong hininga si Jungkook, hindi niya kayang tanggihan ang dalaga dahil sa cuteness nito.

"Kahit anong kanta please?" Ngumiti si Wendy dahil halata na pag bibigyan siya nito.

"It’s a beautiful life
Nan neoui gyeote isseulge
It’s a beautiful life
Neoui dwie seo isseulge
Beautiful love
Haneurarae neowa itdamyeon."

Natahimik si Wendy ng magsimula na kumanta si Jungkook. Masinsinang kinatanta ni Jungkook ang kantang Beautiful si Ako este Beautiful by Crush.

"Sumswineungeonmaneurodo joa
It’s a beautiful life
Beautiful day
Neoui gieogeseo naega saltende"

Wendy was so immersed in Jungkook's voice, eyes and feelings. Damang dama ni Wendy ang pinapahiwatig ni Jungkook.

"Beautiful life
Beautiful day
Nae gyeoteseo meomulleojwo"

Walang kamalay malay na si Wendy na hinahawakan na pala niya ang kabilang pisngi ni Jungkook. Si Jungkook naman natuod at napapigil hininga kaya natigil siya sa pagkanta.

Nakaawang ang bibig ni Jungkook gusto niyang tanungin si Wendy kung anong nangyayari. Pero ayaw niya kasi ayan na, papalapit na ang labi ni Wendy.

Ayan na! Pumikit na si Jungkook at hinihintay ang paglapat ng labi ni Wendy.

Sht sht sht Ate Wendy bilisan mo bakit ang bagal mo?

Nakadama ng daliri sa ilong si Jungkook. Sinilip niya iung anong nangyayari, naabutan niya na yung dalawang daliri ni Wendy ay sinusukat ang ilong niya.

"Malaki nga talaga ilong mo 'no."

"H-huh?" Nawala si Jungkook sa sarili at kumurapkurap.

"Ganito kalaki oh." Sabay lahad ng daliri ni Wendy.

P*ta? Sa isip ni Jungkook. Napa rest face si Jungkook dahil sa mga kaganapan. Si Wendy naman napaiwas ng tingin.

"Ahm, mag si-cr lang ako." Nauutal na saad ji Wendy sabay tayo. Sa kalooblooban ni Wendy sinasabunutan na niya ang sarili.

Anong ginagawa mo Wendy?! Nasisiraan ka na ba, huwag mo sabihing hahalikan mo si Jungkook?

Umasa si Jungkook, shonga! Shonga!

Pumasok sa loob ng cr si Wendy at inuntog untog ang sarili sa bawat wall at sa isang pinto. Pagkatapos na mamula ang noo, mabaliw, mahilo at magkabukol ay binuksan niya yung pinto.

Pag bukas niya ng pinto, ay naabutan niyang nasa tapat si Jungkook at nag aabang.

"Jung---" hindi natapos ni Wendy ang pagsambit ng pangalan ni Jungkook why?

Because ilong ranger cupped Wendy's face, grabbing it towards him to capture her lips.

Hashtag International Playboy.

Ate WendyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon