Jeon Jungkook post an image
--- with Son Wendy
(Lakas mo naman sa grad pic mo)
Para sa Summa Cum Laude GF"ko,"
Medyo matagal tayong nag lari ng "tagu-taguan feelings." Lagi ako ang taya, kasi alam mo at alam naman ng lahat ang tunay kong nararamdaman habang hinahanap ang pagmamahal mo na tinatago mo.
Cheesy ko 'no? Ginaya ko kasi si Joshua Garcia ni Julia Bareto, Paul Salas ni Barbie Imperial, at James Reid ni Nadine Lustre pero may mga pera yung mga 'yun ako 300 lang everyday baon kasi kuripot ang magulang HAHAHA (sana mabasa niyo po ito Mom and Dad kahit dagdagan niyo lang ng 50) Pero ayaw mo nga pala na gumagastos ako sa kahit ano kaya ito na lang i-po-post ko lang.
Para mang-inggit. Joke, nahihiya ka kasi gusto ko lang sabihin sa iyo na wala ka dapat ikahiya. Eh ano kung mas matanda ka saakin? Pakyu sila. May mas gaganda pa ba sa iyo? Syempre meron HAHAHAHA
Si mommy mo at mom ko syempre tsk.
Pero alam mo, mas lalo kang gumanda sa paningin ko kasi napaka saya mo. Simula mag start ang ceremony hanggang matapos, yung ngiti mo sa paningin ko ang pinaka magandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko. Yung ngiting nakahinga ka na ng maluwag at wala ka ng iniisip pa kasi sa wakas nakapag tapos ka na. Ganito ka importante sa iyo ang pag-aaral 'no?
Kaya sinabi ko sa sarili ko para hindi ako mag mukhang inutil sa tabi mo, mag-aaral ako ng mabutu. At isa pa may bago na akong goal ngayon...
Ang makita muli ang ngiti na ipinakita mo nung graduation day mo.
Congrats Son Seungwan/ Wendy Ko. I'm so proud of you. I love you
BINABASA MO ANG
Ate Wendy
Fanfiction(Narration and epistolary) Jungkook x Wendy "Tagalog" His older sister's bestfriend finally notice him.