Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili
Kung ang pag-ibig na hinahanap ko
Ay sya ring pag-ibig na tinutukoy Nya
Kung tulad ba ito ng pagyakap ng haligi
At ilaw ng tahanang inuuwian ko
O tulad ng pangakong binitawan ng minamahal mo
Na mananatiling pang habang buhay
Sa pagitan ng tahanang inuuwian
At altar ng mga binitawang sumpaan
Natagpuan ko ang pag-ibig na tinutukoy Nya
PagkakaibiganKapag ang ilaw na nagbibigay liwanag sa tahanan
At pag-aaruga ng haligi nito'y nawala na
Yaong pag-ibig na tinutukoy Nya ang syang sasalo sa'yo
Kapag ang sumpaang kay tagal pinanghawakan
Ay bigla na lang nawalan ng dahilan upang ika'y ipaglaban
Kaibigan ang maghahanap ng mga piraso ng puso mo
Na nalimot na ang daan pabalik sa pagkatao moNgayon nais kong ipaalala sa'yo kung pano kita natagpuan
At kung pano mo binigyang kahulugan ang salitang pagkakaibigan
Na dapat sana'y sa simula pa lang natuklasan ko na
Ito ang pag-ibig na handog Nya
Na nagpupuno sa kakulangan ng tahanang kinabibilangan
At sumpaang tuluyan nang tinalikuranPag
Pagkatapos ng pagkabigo, magsisimula na naman ang panibagong yugto
At kailanman ay hindi naging madali ang magsimula muli
Kaya't parang parating nagiging mali ang bawat sandali
Akala ko'y magiging mali na naman ang lahat
Pero noon, mas kakilala kita
Hindi katulad ng una nating pagkikita
Ngayon hinirang mo ako bilang kaibigan
At hindi ito yung kaibigan na naririyan
Kapag sa iyo'y nangangailanganHinayaan mo akong mapabilang sa mga hinirang mong
Kung mag-aruga ay parang ang tahanang inuuwian
Sa bawat ngiting ibinabahagi ninyo, natagpuan ko
Ang ngiti kong minsang binawi sakin ng mundoKa
Kalimutan man ng mundo ang halaga ng mga ngiti ko
Alam ko sa puso kong paulit ulit nyong bibigyang kahulugan ito
Patuloy akong sasaluhin at sasagipin sa lahat ng dagok ng buhay koHigit pa sa nasusuyod ng kaalaman
Ang halaga ng isang kaibigan
Sa simula ng paglimot at pag-iisa
Naririyan ka lang at ako'y pinapakinggan
Sa pagitan ng pagpatak ng mga luha'y
Naramdam ko ang init ng pagyakap mong nagsasabing
"Mananatili ako kahit iniwan ka na nang itinuturing mong mundo"Ka
Kapag ang tinatawag mong tahanan ay tuluyan ka nang iniwan
At ang pinakamamahal mo'y pinili ng bumitaw
Naririto pa rin ako
Maaaring hindi ko mapunuan
Ang alagang ibinibigay ng ilaw at haligi ng iyong tahanan
O ang mabilis ng pagtibok ng puso mo
Sa tuwing naririyan ang lalaking pinakamamahal mo
Mananatili pa rin akoPinili kong maging kaibigan mo at paulit ulit rin kitang pipiliin
Kaya't asahan mong mananatili ako sa tuwing masaya ka o nasasaktan man
Kailanman ay hindi ka mag-iisa
Kasama mo ako at ang mga hinirang mo
Na magpupuno sa espasyong iniwan nila sa puso mo
Maaaring hindi namin mapantayan
Ang kasiyahang kanilang ibinibigay ngunitI
Ingatan kita
Hindi mo man makita ang halaga mo
Aming ipapaalala't ipapakita sayo
Na karapat-dapat kang maging mahalaga
Karapat-dapat kang maging masayaBago mo isipin na kawalan sila
Isipin mo muna kung gaano ka kahalaga
Kung paano ka naghahatid ng saya
Sa mga kalokohang ikaw ang nagsisimula
Kung paano ka naging matibay na sandigan
Sa tuwing ang isa sa amin ay labis nang nasasaktan
At matutuklasan mong ikaw ang malaking kawalan sa buhay nilaBi
Biyayang hatid mula sa Kanya
Ang tulad mong kailanman ay hindi nag-alangan sa pagtanggap
Ng mga bagong tauhan sa kwento ng buhay mo na pilit binubuo
Ngayon, dumarami na ang bilang ng mga tinatawag mong kaibigan
At sana'y hindi mo kami makalimutan, gaya ng hindi naming paglimot sayo
Sa mga karanasang sabay nating inukit sa puso ng bawat isaGan
Gantimpalang maituturing ang pagkakaibigan na tulad sa atin
Pinagbuklod ng pagkakataong maaaring hindi na maulit kailanman
Ngunit patuloy pa ring pinapatibay ng kalawakanIto ang pag-ibig Niyang hatid
Na magpupuno sa mga espasyong iniwan ng mundo
Mga pantig ng salitang punong puno ng kahulugan
Mga pantig na pupunan ang kakulangan ng mga nang-iwanEspecially for @rinxdesu's 18th birthday. Love yah titan ghoul!