Chapter 33. Mystery Part 1

133 4 0
                                    

*doki doki..

Ano baaa. Bakit niya kailangang tanungin yun? >_<

[Kylie's POV]

"Uhh. Hello? Kylie?" 

Napatingin ako kay Kevin... "Kasalanan mo to eh!"

"Ano nanaman?"

"Namimisunderstand na ng ibang tao pagsasama natin.."

Sumandal siya sa upuan tsaka nagtakip ng mukha "Matagal na yan at wala lang naman satin eh. Teka nga.. Bat ngayon ka magrereklamo? May nangyari ba?"

Natahimik ako sa tanong niya. Hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba sa kanya.

"Wala!" 

Sumilip siya sabay sabing "Mmmm? Masekreto na si liit."

"Wala nga talaga!"  -___- at inaasar pa talaga ako?

"Huy! Pakopya naman ng assignment oh!" singit ni Nancy

"Oh heto" at binigay naman nung loko -___-

Nung nahalata kong parang iba nakikita ko, wait lang... "Teka, saang subject yan?"

"Sa Biology. Label the parts daw"

Hala ka. o__o Akala ko sa friday pa yan?

"Ngayon na ba yan?" tanong ko sa kanya at umoo siya. lagot naa

"Kevin... Pwedeng.. Pakopya rin? ^__^" pakiusap ko sa kanya

"Asa." damot naman neto.. -___-

"Grabe! Si Nancy pinapakopya mo. Daya naman." tumayo ako. 

"Oh? San punta mo?" tanong niya sakin.

"Doon! Maghahanap ng mapagkokopyahan." sigaw ko sa kanya.

"Hahaha. Dito ka nga lang. Niloloko lang eh. Papakopyahin naman kita. Para kang bata."

*doki*

ano to?

*doki*

"Ano pang tinatayo mo jan? Upo ka na dito. Hintayin na lang nating matapos si Nancy."

*doki* 

"Kylie?"

bata... yang word na yan. sa kanya ko lang naririnig yan. "Ah? Uhh." wala akong masabi. kaya umupo na lang ako sa tabi niya.

Hinintay nga namin si Nancy na matapos tsaka kinopya ko rin yung assignment. Buti na lang bago pa dumating si Ma'am eh natapos ko ring kopyahin. Pero di rin chineck kasi daw may meeting sila. Kaya "para san pa tong kinopya ko?" sabi ko sa sarili ko.

Baka pauwiin narin kami. Kasi magtatapos na klase, wala pa ring sila Ma'am.

"Uwian na ba?" tanong ko kay Kevin na hanggang ngayon nakasandal parin sa upuan.

"Di pa daw. May announcement nga daw mamaya eh."

"Ahhh." at napasandal narin ako sa kakahintay.

"Kylie?" tanong niya. habang nakasandal kami

"Mmm?"

"Anong sekreto ba yun?"

Notice Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon