Chapter 4. Elections

308 5 1
                                    

Kylie’s POV

Isang umaga~ Yea! Yea! Maganda gising ko ngaun. Wag na kayong aangal. Haha. May umaangal ba? Medyo maaga pa. Marami pa akong oras para maghanda. Excited narin akong makita si Jess. ^__^

Bumangon ako agad sa kama ko at nagsimula nang maghanda. Inayos ko narin ang mga gamit ko para sa school. ^___^

Pagkababa ko sa kusina, naghahanda si nanay ng baon ni JM.

“Nay. Asan po si Kuya?”

“Umalis ulet ng maaga eh. May practice sila. May tournament daw kasi na darating this September kaya kahit June pa lang, naghahanda na sila.”

“Ahhhh… Grabe rin po pala yung school na yun. Focused na nga sila sa academics. Nakakapagextra curricular activities pa sila."

"Oo nga eh. Nak. Pagbutihin mo pag-aaral mo ha? Wag munang makikipagboyfriend."

"Si nay talaga. Opo... Wala rin po akong balak. Aral po muna ako nay."

"Ambait talaga ng unica hija ko. ^__^ Ah! Onga pala. Pwede ka ba sa thursday? Pabantay naman si JM sa school niya. May nagpapatulong sa dati kong pinapasukan na kompanya for one day. Maganda yung pay kaya gusto ko sanang kunin. Para rin sana makatulong ako sa tatay mo. Ayokong umasa palagi sa kanya lalo pa't medyo nagkukulang tayo. Okay lang ba?"

"Opo naman nay! :) Unang linggo palang po naman ng pasukan eh. Wala naman po siguro akong mamimiss na topics."

"Mabuti naman. Salamat Nak ha? :)"

"Wala po yun. :) Sige po. Alis na po ako. Hinihintay na po siguro ako ni Jess sa tapat ng school."

Hinalikan ko si nanay sa pisngi tapos umalis narin ako.

Nakalimutan ko. Di ko pa pala naiintroduce sa inyo ang nanay ko. Siya po si Mitch Jane Estrada. Dati po siyang nagttrabaho sa isang kompanya. Mataas taas narin ang posisyon niya nun kaso nga lang, ginive-up niya iyon para sa aming magkakapatid. Nagtataka rin si tatay kung bakit nagawa ni nanay iyon. Pero napag-usapan naman nila at napagdesisyunan na ititigil na ni nanay ang pagtatrabaho. Iyon din ang nagtulak kay tatay na maghanap ng trabaho sa ibang bansa.

Ang tatay ko naman, isa po siyang arkitekto. Siya po ay si Jerry Luis Estrada. Dito lang siya nagtatrabaho noon bago pa tumigil sa pagtatrabaho si nanay. Maganda naman dito pero para mas masusupotahan niya kami, mas pinili niyang magtrabaho abroad.

Noon, kahit na naibibigay sa amin ang mga gusto namin, nararamdaman namin na di parin yun sapat. Kasi... Dahil busy si tatay sa mga projects niya all over the country at si nanay sa almost everyday may overtime sa work. Di namin maiwasan ni kuya nun na malungkot. Naiintindihan naman namin kung bakit sila nagtatrabaho ng ganon.

Nung dumating si bunso, si JM, nagbago lahat ng iyon. Nakikita namin parati si Nanay. At pati rin si tatay via skype sa makalumang computer. Yung mataba pa yung monitor? Yung white? Basta yun. Gamit gamit pa ni nanay yun noon. Kaya yun lang makikita niyong Hi-Tech sa bahay namin :)

Dahil kay JM, nagkakulay ulit yung bahay. Masaya. Maingay. Kaya nagpapasalamat ako sa Diyos kasi binigyan niya kami ng isang anghel sa buhay namin :)

Naglalakad ako papuntang school. Dahil magkikita nga kami ni Jess ngayon. Naexcite tuloy akong pumasok :)

Wala namang mali sa akin di ba?

Maayos na buhok ko. Proper Uniform. ID. What else? Hmmm..

Ah! Malapit na ako sa gate. Asan kaya si Jess?

Notice Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon