Chapter 35. Favors

128 5 0
                                    

"Vinz! Ano pinayagan ka ba?"

[Vinz' POV]

"Oo naman. Ikaw ba?" tanong ko kay Sam habang naglalakad kami papunta sa gym.

"Oo. Di naman mahirap magpaalam sa magulang ko. Papareserve ka na ba?" 

"Di pa. Sa friday pa siguro ako magbabayad." 

"Bat sa friday pa? Mauubusan ka na ng upuan. Bahala ka."

Napangiti na lang ako. "Basta."

Hindi na siya nagsalita pagkatapos. Habang naglalakad kami, nakita ko si Kai.

"KAI!" pusang gala. napasigaw ako. XD gulat na gulat itsura niya, ganun din si Sam.

"Hello :)" ngumiti siya saming dalawa ni Sam 

"Friday? Tama ba?" nagets niya naman agad yung sinasabi ko. nag-oo siya tsaka umalis narin.

Hindi nagtanong si Sam kung anong pinag-uusapan namin ni Kai. Pero mas okay para di na ako magpaliwanag sa kanya. Papunta kami sa gym. May event kasi na ginaganap doon. Sci-tech week na namin at wala akong sinalihan ngayong taon. Dahil narin siguro sa mga nangyari sa akin.

Yung nangyari samin ni Maki, wala na yun sa akin. Oo, nasaktan ako at siya ang unang babaeng iniyakan ko sa buong buhay ko. Pero kahit ganun pa man, nagpapasalamat parin ako sa kanya. Experience nga di ba?

"Pre, siya na susunod na kakanta." pang-aasar sakin ni Sam "labas ba tayo?" dagdag niya

[AN: lagyan niyo ng bgm. lol. heto yung kinakanta niya *kunwari*~ (I Still Love You by Suzy(Miss A)]

"Okay lang. Ang init init sa labas. Dito na lang tayo." since air-conditioned ang gym namin.. mas gusto ko naman dito

Nagsimula na siyang kumanta. Matagal kong hindi narinig ang boses niya. Tulad ng naaalala ko, napakaganda talaga ng boses niya at magaling pa siyang kumanta.

Pinilit kong intindihin ang mga nangyari noon. Lahat ng mga tanong ko, walang sagot. Masasabi ko nga bang minahal ko siya sa ikli ng pagsasama namin? Maaring oo, maari ding hindi. May part sa sarili ko na gusto ko nang kalimutan, pero mahirap gawin. 

"Parang kinakantahan ka naman niya." tahimik lang ako. ayokong isipin. kasi para sa akin, tapos na. nangyari na.

Nagsorry naman siya sa akin. Pero masyado akong nasaktan. Tumitig ako sa kanya habang kumakanta. Sorry Maki. Pero sa ngayon, hinding hindi muna kita mapapatawad. Naluluha ako. Pero pinipigilan ko lang.

"Bumi-bitter ba pre?" tanong ni Sam. 

Ngumiti ako at lumingon sa kanya. Mabuti na lang narito tong lokong to. Natatakot akong magbreakdown ng di oras. Not cool.

"Tss. Alam mo yan. Kilala mo ko."

"Haha. Oo. Alam ko."

Pagkatapos nun, bumalik na kami sa panunuod ng ibang years na magperform. Hatawan sa sayawan naman daw ang sumunod -___- Nabbore na ako sa mga performances nila. Ginugutom tuloy ako.. >__<

"Pre, daan lang akong canteen." paalam ko kay Sam. Nagpabili siya ng tubig at sinabihan ako na bilisan ko daw kasi may ituturo siya sa akin. Lumabas naman ako agad. 

"Vinz!" sigaw sakin ng babae sa likuran ko.

"Oh? Okay ka lang?" hingal na hingal si Jess. hinabol niya ata ako papalabas ng gym.

Notice Me (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon